00:00Nagpapatuloy po ang rally ng Iglesya ni Cristo sa EDSA ngayong gabi
00:04at nasa 8,000 ang naroon ayon po sa lokal na pamahalaan ng Quezon City.
00:08Kabilang po sa mga dumalo, si Senadora Aini Marcos.
00:12At mula sa People Power Monument, saksilay si Gabriel Gonzalez.
00:18Gabriel?
00:20Pia, magandang gabi. Maayos ang lagay ng panahon na tila pabor naman
00:25sa mga miyembro ng Iglesya ni Cristo na dito pa rin sa People Power Monument, magpapalipas ng gabi.
00:37Nagdulot ng mabigat na trapiko ang biglaang pagsasagawa ng rally ng Iglesya ni Cristo, INC, sa People Power Monument.
00:44Maraming motorista ang nalate sa trabaho dahil sa matinding trapiko.
00:48Ang MMDA binuksan na ang EDSA busway para sa mga motorista.
00:52Parehong lanes ng EDSA ang nakararanas pa rin ng matinding trapiko sa ngayon.
00:58Tumating rin dito si Senadora Aini Marcos para makiisa sa panawagan ng grupo na panagutin ang mga korap.
01:05Ayon sa Quezon City Police District o QCPD.
01:08Lalong darami ang mga lalahok bukas pero dahil aprobado na ang kanilang permit to rally,
01:13inaasahang hindi na mauulit ang ilang di magandang kondisyong nangyari kanina,
01:17kabilang ang pagbigat ng trapiko sa EDSA. Pakinggan natin ang pahayag ng PIO ng QCPD.
01:26Isa po sa mga guidelines or conditions na nakalagay doon sa na-approve na permit po nila
01:32is removal po ng mga vehicles ngayon na nakaparada dyan.
01:36So hopefully bukas maayos na yan, matanggal, since yun naman po yung agreement nila
01:40and it was written in their Memorandum of Understanding.
01:44So ina-expect po natin bukas, wala na pong mga sasakyan dyan
01:49at dito na po sila along White Plains na lang po and Temple Drive.
01:59Pia sa pinakauling sitwasyon ng trapiko dito sa bahagi ng EDSA sa People Power Monument,
02:04kung inyong makikita, mabagal pa rin ang galaw ng mga sasakyan.
02:08Dalawang lanes ng EDSA busway sa kasalukuyan ay nadaraanan ng mga motorista.
02:13Bahagya namang bibilis ang galaw ng mga sasakyan paglampas dito sa People Power Monument
02:19pagkarating doon sa may Campo Aguinaldo.
02:22Base sa hiniling nilang permit to rally,
02:24inaasahang 100,000 ang bilang ng mga dadalo bukas dito pa rin sa People Power Monument.
02:31Ayon pa rin sa QCPD o Quezon City Police District,
02:34pangkalahatang mapayapa ang sitwasyon dito sa lugar,
02:37maliban sa girian kaninang umaga na mabilis naman daw na naisaayos.
02:42Matatanda ang dalawang pulis ang nasugatan at apat ang arestado
02:46matapos magkainitan ang mga rallyista at pulis kaninang umaga.
02:52At live mula rito sa People Power Monument,
02:55ako si Gabriel Gonzalez, ang inyong saksi.
Comments