00:00Mayroon ng katuwang ang Department of Environment and Natural Resources
00:04para mapaigting pa ang paglilinis sa Manila Bay at pagprotekta sa marine ecosystem.
00:10Ito ay isang bagong barko na bunga ng pinaigting na ugnayan ng Pilipinas at South Korea.
00:17Silipinian sa Sentro ng Balita ni Kenneth Paciente.
00:23Hindi na bago ang ganitong itsura ng Manila Bay tuwing may bagyo o bumubuhos ang ulan.
00:28Ang mga basura nagkukumpulan sa dalampasigan.
00:31Kaya para mas matugunan ang basura na matagal ng problema sa Manila Bay,
00:361, 2, 3!
00:43Formal na isinagawa ang inaugurasyon ng bagong marine cleanup vessel
00:47na makapagpapalakas sa pangongolekta ng basura mula sa Manila Bay, ang MV Nilad.
00:52Ang naturang marine cleanup vessel ay donasyon ng Korean government
00:56sa ilalim ng 8.2 million US dollars enhancement of marine litter management in Manila Bay project
01:02na isang limang taong partnership ng Pilipinas at Korea.
01:05Mayroon itong trash skimmer para sa pagkulekta ng mga basurang nakalutang sa karagatan,
01:10deck crane para sa paghakot ng mga nakalap na basura,
01:13at oil boom para sa mabilis na pagtugon sa mga oil spill.
01:17Kasama rin sa proyekto ang isang crane-equipped truck
01:20na gagamitin sa paglipat at paghakot ng mga basurang makukolekta
01:23sa mga coastal at marine cleanup operations.
01:26Sa mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na binasa ni DOTR Sekretary Giovanni Lopez,
01:31ipinunto niya ang kahalagahan ng malinis na tubig sa buhay at pamumuhay ng mga Pilipino.
01:36Kaya marapat lamang anya natutukan ang paglilinis sa Manila Bay,
01:40lalot maraming lugar ang konektado rito.
01:42The MV NILAD is a working vessel built for real and urgent tasks.
01:48It can collect, sort, and store up to 10 tons of marine litter in a single operation.
01:55It can operate for as much as 300 to 400 hours annually.
02:01It is equipped not only for waste retrieval,
02:04but also for oil spill response and environmental monitoring.
02:09Ayon sa DNR, kaya ng MV NILAD na makakolekta ng nasa 10 tons ng basura,
02:15habang 7.5 tons ang kaya ng crane equipped truck sa bawat operasyon ng mga ito.
02:19Kaya malaking bagay ito sa paglilinis sa Manila Bay,
02:22alinsunod na rin sa mandamus ruling ng Supreme Court
02:25na nag-aatas na maipanumbalik ang kalidad ng tubig sa Manila Bay.
02:28Well, meron po siyang bow intake na tinatawag.
02:31So, sinasandok po yung mga marine litter along the way,
02:36tapos inaakit po doon a conveyor belt system.
02:40And then yung crew ng Coast Guard,
02:43they will sort the different types of solid waste,
02:47yung mga recyclable, seseparate po nila.
02:49And then meron po tayong mga sako for the residual waste.
02:53Babalutin po sila,
02:54tapos yung truck naman na nakikita ninyo,
02:56doon po isasakay.
02:57Both the vessel and the truck are equipped with cranes.
03:01So, kahit mabigat po yung mga debris
03:04or yung mga solid waste na hukunin,
03:05kaya po isakay doon.
03:07Ang MMDA naman ang naatasan na tukuyin
03:09kung saang disposal facility dadalhin
03:11ang mga makukolektang basura.
03:13Malaking karagdagan din ito
03:15sa mga kagamitang kasalukuyang ginagamit na
03:17sa paglilinis ng Manila Bay.
03:18We have other skimmers already.
03:20I don't have the exact number,
03:21but we have other skimmers.
03:22But this is a state-of-the-art toy.
03:25Medyo, ang capability nito,
03:27medyo mataas.
03:2810 tons nga every operation.
03:30And not only that,
03:31meron siyang ibang mga features
03:33na makakadagdag pa in terms of environmental protection.
03:37Gayunman, binigyang diin ng DENR
03:39na mahalaga pa rin ang papel ng taong bayan
03:41para mabawasan ang basura sa Manila Bay
03:43sa pamamagitan ng tamang pag-uugali
03:45at maayos na waste management.
03:47Ikinakasana sa ngayon
03:48ang pagsisimula ng operasyon ng MV Nilad.
03:51Kenneth.
03:54Para sa bayan.
Comments