00:02Paglaban sa katiwalian at isang lehitimong anti-political dynasty bill,
00:06ang panawagan ng mga nakisa sa White Ribbon March ngayong araw.
00:10Mula sa People Power Monument, nakatutok live si Jonathan Andan.
00:14Jonathan.
00:16Ivan, kumonti na yung mga nandito ngayon sa White Ribbon protest sa EDSA People Power Monument.
00:24As of 5pm, ang sabi ng QCPD, ang crowd estimate dito ay 2,000 na lang.
00:29Kanina kasi umabot yung pick numbers nila sa 3,500.
00:38Nagsimula ang White Ribbon March sa Misa sa EDSA Shrine.
00:42Napuno ng kulay puti ang Misa na pinangunahan ng dalawang ubispo at maraming pare.
00:47Ang sermon ni Kitapawan Bishop Colin Bagafuro umikot sa self-centeredness
00:52o pagiging makasarili na dahilan anya ng korupsyon.
00:55Ang taong tunay na nagmamahal ay hindi magnanakaw sa kapwa.
01:05Ang tanong, sino ba talaga ang iniuna mo?
01:11Ang sarili mo o ang Diyos at ang kapwa?
01:16Mahalaga pa rin na nakikita ng mga kinauukulan na meron pa rin tumututol sa mga kawalangyaan nila.
01:26Katahimikan natin, lalong lumalala ang kawalangyaan ng mga walangyang yan.
01:32Lahat ng sangkot!
01:36Napakyan na go!
01:40Matapos ang Misa, umusag na sa EDSA ang mga kasali sa marcha.
01:44Bitbit nila ang mga karatula ng kanilang panawagan at mga maskara ng katiwalian.
01:49Alas dos po ngayon ng hapon, katirikan ng araw, nagmamarcha sila mula doon sa EDSA Shine.
01:54Ang papunta ng People Power Monument, ang nasasahop nila ngayon, isang linya ng EDSA Southbound.
01:59Kaya ang makikita po ninyo, isang linya nalang nadadaanan, nakabarikada naman po yung mga polis dyan.
02:03Ang sigaw ng mga nagrarally contra corruption.
02:07Yung iba saan nila, kita nyo, may suot pang mga maskara ng buhaya, ng baboy.
02:12Ang sabi po ng organizer nitong White Ribbon March, sa tansya nila, nasa 3,000 sila ngayon na nagmamarcha dito
02:19sa EDSA.
02:19Bata, matanda, pare, kongresista, estudyante, doktor, pati na mga rider,
02:26sama-sama sa panawagang sugpuin ang corruption, wakasan ang political dynasty, at magkaroon na ng electoral reform.
02:33Yung aming lugar ay patuloy pa rin binabaha, kaya danas yung hirap dahil sa mga malawakang pangurakot.
02:41Meron kaming binuon na doctors opposed to corruption. Halisin ang VAT sa lahat ng mga gabot.
02:46Lagi ko kasing iniisip yung future ng next generation. This is my way of helping them achieve their dream.
02:55Gusto masama ako kasi gusto kong mapakinggan yung mga hinain nila.
02:59Sabi ni Bishop Bagaforo, ang kanilang programa ay bukas sa lahat ng kulay, kaya nga raw-white ang kulay ng
03:04kanilang kampanya.
03:05Inimbitahan din daw nila ang iba't ibang reliyon, kabilang ang Iglesia ni Cristo. Pero hindi nung sigurado kung dadalo.
03:12Sabi nila, they will not stop kung sino mga kasabi nila na gusto sa sabat.
03:19May signature campaign din para sa People's Initiative na bersyon ng Anti-Political Dynasty Bill.
03:29Ivan, sa mga oras na ito, lumuluwag na yung dalay ng trapiko dito sa northbound ng EDSA White Plains.
03:36Dahil po yan sa nababawasan na nga yung mga tao dito.
03:38Generally peaceful ang protesta rito, sabi ng QCPD.
03:41Walang gulo, walang inaresto.
03:43Pero may higit dalawang po ang binigyan ng first aid.
03:46Karamihan na hilo sa init.
03:48May isa namang natapilok at tumama ang noo sa simento habang nagmamarcha mula dun sa EDSA Shrine,
03:54mapunta rito sa White Plains.
03:56At ayon po yan sa Quezon City Health Department.
03:59Kaya muna ang latest mula rito sa EDSA People's Power Monument.
04:02Balik sa'yo, Ivan.
04:04Maraming salamat, Jonathan Randall.
04:07May mga dating opisyal ng gobyerno na dumalo sa nagpapatuloy na White Ribbon March sa Quezon City.
04:12Pero bawal ang talumpati ng mga politiko sa entablado.
04:16Nakatotok doon live si Darlene Kaj.
04:19Darlene.
04:23Ivan, katatapos lang ng programa dito sa White Plains.
04:25Kaya agad din nagsialisan yung mga lumahok sa White Ribbon March.
04:29Ang pangunahing panawagan nila ay pananagutan sa katiwalian sa pamahalaan.
04:37Nasa White Plains Avenue sa Quezon City ang entablado kung saan isinagawa ang programa para sa White Ribbon March ngayong
04:43araw.
04:44Ang prayer rally na ito ay inorganisa ng Inter-Religious Leaders Council for National Transformation na binubuo na mga Katoliko,
04:51Evangelic, Protestante at mga Muslim kasama ang ilang civil society organizations.
04:57Nananawagan sila ng pananagutan sa lahat ng mga sangkot sa korupsyon.
05:00Lumahok siya sa Trilyon Peso March noong nakaraang taon at sa pagunita sa EDSA People Power Anniversary noong Pebrero.
05:07Pero hindi a nila sila kontento sa aksyon ng gobyerno para panagutin ang mga sangkot sa maanumalyang infrastructure projects.
05:15Mabagal ang pag-usad at parang dinidribul lamang, nandun ang ating pakiusap. Nandito na yung taong bayan. At ang maganda
05:23nito, ang panawagan namin bilang mga Pilipino, magkaisa tayo.
05:29Nagsimula ang programa sa dasal ng iba't ibang reliyon. Tampok ang puting laso o white ribbon na simbolo na wala
05:35silang kinikilingang partido o politiko.
05:38Ang white ribbon, ito ay simbolo ng malinis na konsensya. Simbolo ng katotohanan. Simbolo ng ating panunindigan.
05:52Base sa pag-aaral ng Social Watch, may katiwalian pa rin umano sa 2026 national budget dahil sa mga kwestyonabling
05:59items na nakita nila.
06:00Natukoy namin ang humigit-kumulang 319 billion na kwestyonabling poddo sa mga infra-projects.
06:12Dahil nabuking ang paggamit sa na tinatawag na unprogrammed appropriations, mayroong mga flood control project na tila pinalitan lamang ang
06:24pangalan at ginawang farm-to-market roads.
06:29Sinusubukan pa namin kunin ang panig ng Malacanang at DPWH ukol dito.
06:34Nasa rali ang mga dating kongresista mula sa mga progresibong grupo gaya ni Nalisa Masa, Franz Castro, Teddy Casino sa
06:41Turo Campo.
06:42Nandito rin si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
06:45Pero bawal magsalita ang mga politiko at opisyal ng gobyerno sa entablado ayon kay Bishop Efraim Tendero.
06:52Kami po ay naririto naniningil sa mga opisyalis ng pamahalaan anuman ang kanilang posisyon o partido na managot sa kanilang
07:05mga kilos at gamitin ang kapangyarihan para sa kapakanan ng bayan.
07:13Mahigpit ang siguridad sa palibot ng White Plains at People Power Monument.
07:16Madaling araw pa lang, nandito ng mga polis, kawunin ng MMDA, BFP at Quezon City LGU.
07:22Ang isang grupo ng kabataan ito, bumiyahe raw ng walong oras para lang lumahok dito sa White Ribbon March.
07:28Pinili nilang magsuot ng itim sa halip na puti.
07:31Hindi po kami maka-Doterte, hindi po pa kami maka-BBM. Nandito po kami para po sa mamamayan.
07:36Nandito po kami para iparamdam po sa lahat dito na wala po kaming kinakampihan o wala po kaming iniidolize.
07:43Buong araw, mabagal ang daloy ng trapiko sa EDSA Northbound mula Ortigas hanggang White Plains.
07:47Sa isang punto, isang lane na lang ang nadaraanan ng mga sasakyan.
07:51Gumawa kasi ng barikada mga polis para makadaan ang mga lumahok sa White Ribbon March.
08:00Ivan, ilang metro lang mula doon sa Entablado ay nakiisa sa rally yung ilang Duterte supporters.
08:05Ang sabi ni dating Congressman Mike Defensor na nandito rin kanina ay lumayo na raw sila para hindi magkagulo.
08:11Pero nire-respeto raw nila at nakikiisa sila sa panawagan para sa pananagutan.
08:16Yan ang latest mula rito sa Quezon City. Balik sa'yo, Ivan.
08:20Maraming salamat, Darlene Kai.
08:26Maraming salamat, Darlene Kai.
Comments