00:03Isang pagbibisikleta sa paraan ng self-care ni Alden Richards, a.k.a. Dr. Grayson Lozano ng upcoming medical drama
00:10series na Code Cray.
00:12Si Alden nga ang nanguna sa isa sa pagdiriwang ng World Bicycle Day. Makichika tayo kay Athena Imperial.
00:22Cycle to Distress. Ganyan daw ang mode ni Asia's multimedia star Alden Richards na priority ang mental and overall health.
00:30Since marami akong engagements in everyday because of my work environment, isa yung cycling sa tinitreat ko na outlet ko
00:41for mental health and at the same time para refresher ba.
00:45Kung baga para maka-eject lang ako dun sa work environment and at the same time makabalik ako na refreshed.
00:53Kaya masaya raw si Alden na dumarami at lumalaki na ang cycle community rito sa Pilipinas.
01:00Bilang cycling advocate, pinangunahan ni Alden ang nasa 800 cyclists sa pagdiriwang ng World Bicycle Day.
01:07Nakakatuwa lang na slowly, palaki ng palaki yung cycling community dito sa Pilipinas.
01:13Be mindful of the road. Kailangan laging may helmet. Make sure that yung bike nyo is in good condition before
01:18riding out. And safety first.
01:20Bukod sa kanyang active lifestyle, abala rin si Alden para sa upcoming medical drama series na Code Grey.
01:28Gaganap si Alden bilang si Dr. Grayson Lozano, isang surgeon.
01:32Nagtapos na rin namin majority of the preparations, also the immersions, the script reading, look test and everything.
01:38So excited kami to grind for our first shooting day on Monday.
01:43Bukod sa Code Grey, nagsimula na rin si Alden at ibang cast members sa taping ng romantic comedy series na
01:50Love Siargao, kasama si Nadine Lustre.
01:53Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
01:57Bukod sa school supplies, binabantayan din ang presyo ng ilang pambaod sa eskwela.
02:03Ay kay DTI Sekretary Maria Cristina Roque asahang magmamahal ang ilang bilihin,
02:07particular yung mga nakadepende ang presyuhan sa logistics, gaya ng sardinas.
02:12Sa Bankirohan Public Market sa Davao City, 6 pesos hanggang 7 pesos and 50 centavos kada piraso ng itlog.
02:20Depende sa size. Ayon sa mga nagtitinda, tumaas ang bigay sa kanila ng mga supplier.
02:24Sabi naman ng DTI, pansamantala lamang ang pagtasang presyo ng mga bilihin.
02:30Inaasahang bababa ulit ang presyo dahil sa bababa ng presyo ng mga produktong petrolyo.
02:42Official na pong inanuncio na pag-asa ang pagsisimula ng habagat season,
02:46pero pwede pang humirit for the last time.
02:50Umakit po tayo sa Norte.
02:52Ano tara?
02:53Sabay na sa pagtutok ni Jonathan Landal.
02:59Hanap ba ay quick and get away from the metro?
03:05Tara, biyahe tayo pa Norte sa lalawigan ng Isabela.
03:12Let's go sa Disupi Falls na matatagpuan sa barangay San Antonio sa lungsod ng Ilagan.
03:19Mahigit isang oras ang biyahe mula sa sentro ng Ilagan.
03:22Meron pang hiking para makarating sa mismong talon.
03:25Ingat lang lalot mabato ang daan.
03:27Pag nakarating na sa lugar, mapapatampisaw ka talaga sa kulay-asul na tubig
03:33na parabang nakulayan na talaga ang drawing niyong outing.
03:39Para sa malalakas ang loob naman, ang cliff diving.
03:42Di lang ito pang thrill seekers.
03:44Kung gusto kasing chill lang, pwede namang mag-camping.
03:47Makipag-ugnayan lamang sa tourism office ng Ilagan
03:50o sa barangay sa mga nais pumunta rito.
03:55Pwede namang pang side quest ang Sigay View Deck sa Ilocos Sur.
03:59At mamangha sa malap postcard na tanawin lalo na pag palubog na ang araw.
04:06Saan tayo sa susunod na pasyal o food trip?
04:09I-share niyo sa 24 Horas Weekend page ang inyong travel at food adventures.
04:14Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
04:19Iginiit ni Senadora Loren Legarda na siya pa rin ang Senate President Pro Temporate
04:23kasunod ng anya ay unconstitutional na pagpapalit ng Senate leadership.
04:27Tugon dyan ni Senador Sherwin Gatchalian,
04:30mas mabigat ang opinion ng mga eksperto na kinikilala ang mga bagong pinuno ng Senado.
04:35Nakatutok si Jonathan Andal.
04:41Nag-post si dating presidential spokesperson at kilalang kalyado ng mga Duterte na si Atty. Harry Roque
04:46na may isa pa raw Senador nakakala sa Cayetano Block o yung grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano
04:52na ang kapalit daw ay para mawala ang mga kaso.
04:55Tinanong namin ito kay Sen. Sherwin Gatchalian kanina
04:58nang magabot siya ng tulong sa mga nasurugan sa Baseco, Maynila.
05:01Siguro sa tabi muna natin yung politika ngayon,
05:03intindihan ko yung sentimento ng taong bayat na yung galit,
05:08yung pagkadismaya ngayon, pagkalito.
05:11Pero ang aking mensahe ay tuloy-tuloy ang trabaho.
05:13Sabi ni Gatchalian, wala pa silang pag-uusap ni Pangulong Bongbong Marcos
05:17at wala pang formal request sa Malacanang para sa isang special session.
05:20Anya, buong Senado ang kailangang mag-desisyon dito.
05:23Wala pang specific target but this morning,
05:28kausap ko lang ang Sen. Sekretary para malaman namin kung ano yung mga kailangan i-discuss,
05:33lalo na yung limang general na hindi na-promote.
05:36Kasunod ng palitan ng liderato sa Senado noong miyerkules,
05:39inanunsyo ng palasyon na ang liderato ni Gatchalian nang kinikilala nito.
05:42Nanumpaan noon si Gatchalian bilang Sen. President pro-tempore at acting Sen. President.
05:46Pero si Sen. Loren Legarda.
05:49Si Loren Legarda po ang inyong Sen. President pro-tempore.
05:54Naninindigang siya at hindi si Gatchalian ang Sen. President pro-tempore.
05:58Iginit niyang iba ang numero na kailangan sa pagdeklara ng quorum
06:02at iba rin ang numero sa paghalal ng mga opisyal ng Senado.
06:05Batayan niya ito sa Rule 14, Section 44 ng Sen. Rules.
06:09Labag sa konstitusyon at alituntunin ng Senado
06:14ang nangyaring pagtatalaga ng Senate President pro-tempore,
06:20Senate Secretary at Sergeant at Arms
06:23dahil labindalawang senador lamang ang nasa plenario na bumoto.
06:31Kulang ng isang boto para masabing mayorya
06:34ng lahat ng miyembro ng Senado
06:38ang bumoto para sa pagbabago ng liderato.
06:42Sabi ni Legarda, hindi pwedeng gamitin pang shortcut
06:45ang Avelino vs. Cuenco ruling
06:47para bawasan ang bilang ng senador sa kurum
06:49at pagbalasa sa mga posisyon sa Senado
06:51dahil anya nakabatay ito sa lumang konstitusyon.
06:551949 pa ang kasong ito
06:57at naganap sa ilalim ng 1935 Constitution.
07:02Nagbago na ang ating saligang batas
07:051987 Constitution na ang sumasaklaw po sa atin.
07:11Tugon dito ni Gatsalian?
07:12Of course, we respect her opinion
07:14but matibay rin ang opinion ng Integrated Bar of the Philippines
07:19yung association ng mga law school deans
07:23of course, yung mga former Senate President
07:25mas mabigat yung opinion nila
07:26dahil yung mga ganitong bagay pinag-aaralan nila.
07:30Ani Gatsalian, maging ang Civil Service Commission
07:33siya na ang kinikinalang leader ng Senado.
07:35Pinapalitan na nga raw ang mga pipirma sa payroll
07:38o sweldo ng Senate staff.
07:39Kaninang tanghali, kamiting ko lang yung union ng Senate
07:43at inassure ko sa kanila na
07:45yung kanilang salary, sweldo, bonuses, tuloy yan.
07:50Sabi naman ni Sen. Robin Padilla
07:51dapat anyang matuwa ang taong bayan
07:54sa hindi pagkakasundo ngayon ng mga senador.
07:56Natatrabaho kami, democracy ito.
07:58Dapat kayong matuwa.
08:00Sa pangkat hanggat ang mga senador
08:02ay hindi nag, kumbaga, eh, conspiracy.
08:06Ibig sabihin, tama ang binabayad yung tax.
08:09Matakot kayo pag kami ay nagkasundu-sundu na
08:12at kami meron ng conspiracy.
08:14Sa lunes, gate ni Gatsalian,
08:16tuloy ang Blue Ribbon Committee hearing
08:18ng kanyang grupo tungkol sa flood control scandal
08:20at imbitado lahat ng senador
08:22kahit ang mga nasa kayatano block.
08:24Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Comments