- 7 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Makina hapon po!
00:02Maaksyon ang pagtuglis at pag-aresto sa tatlong suspect na bahagi umano ng malaking grupo ng robbery hold-up sa
00:09Luzon.
00:09Sugotan sila ng makipagbarilan sa mga polis sa toll booth ng North Luzon Expressway.
00:15Panoorin ang mga nahulikam na tagpo sa pagtutok ni Jamie Santos.
00:25Dinig ang sunod-sunod na putok ng baril sa kuhang ito ng isang netizen sa Bukawetol Plaza ng North Luzon
00:32Expressway mag-aalas sa is ng hapon kahapon.
00:35Makikita rin ang mga uniformadong lalaki.
00:39Hagit din sa dashcam video ng isang motorista ang pagsulpot ng mga taga SWAT na nakikipagbarilan sa kanilang target.
00:52Matapos ang ilang minutong inkwentro, na-corner ng polis siya ang van ng mga suspect.
00:57Tad-tad ito ng mga tama ng bala.
01:00Sugatan ang tatlong suspect na nakasagupa na mga taga Police Regional Office 3.
01:05Dalawa sa mga suspect ang nakapiit na sa Bukawet Police Station habang nasa ospital pa ang isa.
01:11Sinusubukan pa namin silang makunan ng pahayag.
01:13Ayon sa polis siya, sangkot ang mga suspect sa mga serya ng pagnanakaw sa ilang minimart sa Pampanga, Tarlac, Pangasinan
01:21at Batangas.
01:22Sila ang hinihinalang nanloob sa minimart sa Victoria na nahulikam nitong madaling araw ng June 24.
01:29Pumarada sa tapat ito ang van lulan ng mga magnanakaw na pinilit buksan ang roll-up door.
01:34Saka pinunterya ang electric box para mapatay ang CCTV nito.
01:39Nitong June 22, nakunan din ng CCTV ang kaparehong van sa Magalang Pampanga,
01:45kung saan isa ring convenience store ang nilooban at natangaya ng P700,000 na kita.
01:51Nagkaroon tayo ng follow-up operation at sila po ay na-track natin at sinundan ang ating mga tauan.
02:01Nagkaroon na tayo ng drug net operation na nagresulta po ito sa arm confrontation.
02:05Armado ito at sila ay bumibiktima at lumalakad na walang mga armas at syempre na-alertor sila
02:14dahil ang ating kapulisan ay nakapwesto na sa lahat ng exits ng NLEX at dito nga natin naabutan dito sa
02:21lugar na ito.
02:22Na-recover sa mga suspect ang isang caliber .45 pistol at isang 9mm pistol,
02:28pati tatlong granada, isang flashbang, 7 sachet ng hinihinalang shabu at 6 na pakete ng hinihinalang marihuana.
02:36Ayon sa Bulacan Police, mula sa malaking grupo ng robbery hold-up sa Calabar Zone at Central Zone ang mga
02:42suspect
02:42at nagkahasik din sa NCR at ilang bahagi ng Region 1.
02:46Mayroon din silang minakawan sa pwad din ng Region 1 at dito po sa NCR po.
02:53Palipat-lipat po sila.
02:55Inaalam pa ng pulis siya kung may iba pa silang kasabuat at kung sangkot din sa iba pang pagnanakaw sa
03:00ibang bahagi ng bansa.
03:02Jamie Santos, Nakatutok, 24 Ora.
03:05Kritikal ang kondisyon na isang mabaing 15 anyos matapos pagsasaksakin ng dati umano niyang kinakasama.
03:11Ang 26 anyos na suspect na buntis umano ang biktima noong 13 anyos pa lang siya.
03:19Nakatutok, si Gabriel Gonzalez.
03:24Pasad o las 8 ng gabi noong Webes, naglalakad ang 15 anyos na babaeng ito
03:29kasama ang isang lalaki sa AFP Road, Barangay Holy Spirit, Quezon City
03:33nang biglang sumulpot ang isang lalaking may hawak na kutsilyo at inatake ang babae.
03:41Nakatakbo pa ang babae palayo pero sinundan siya ng lalaki.
03:50Narinig ang mga sigaw sa dikalayuan.
03:53Sakto namang dumaan ang mobil ng Barangay Holy Spirit at agad nirespondehan ng kaguluhan.
03:59Maya-maya pa, inaakay na ang babae papunta sa Barangay Mobil.
04:03Ang minor de-edad na babae, inundaya ng saksak ng lalaking dati niya palang ka-live-in.
04:10Sa investigasyon ng pulisya, pinaghiwalay ng magulang ng biktima ang dalawa
04:15dahil minor de-edad pa ang babae.
04:17Minasama umano ito ng sospek na 26 anyos kaya humantong sa pananaksak.
04:23Dahil hindi na sila nagsasama, parang gusto makipagbali ka ng lalaki sa kanya, ayaw na rin ng babae.
04:30Pinuntahan siya ng lalaki na ex-live-in partner niya nga.
04:34Nagkaroon sila ng di pagkakaunawa hanggang sa nasaksak siya ng sospek.
04:39Nasa ICU pa ang biktima dahil sa mga saksak sa muka at balikat.
04:46Sa follow-up operation, natunto ng sospek na natutulog sa labas ng bahay sa matandang balara.
04:53Ayon sa sospek, matinding selos ang mitsa ng krimen pero hindi ang kanyang ex-live-in partner ang kanyang target,
05:01kundi ang lalaking kasama nito noong gabing mangyari ang insidente.
05:05Siguro di ko na nakakontrol sarili ko siya dun. Di ko na alam na pinagsaksak ko na pala siya.
05:11Sorry siya nga ang nagawa ko kasi dalalan talaga ng selos paghihimutok.
05:17Desidido ang nanay ng biktima na magsampan ang kaso laban sa sospek.
05:22Critical pa po yung anak ko. Kailangan po makulong siya talaga.
05:27Galit rin siya sa sospek dahil nabuntis niya ito noong 13 anyos pa lang ang biktima.
05:33Yung anak ko po, 13 years old pa lang po yan. Tinangay niya po yan. Binala po ng kamar.
05:40Tatlong-20 po yan ang nangyari.
05:41Anong nabuntis eh, napasubo na po ako. Pinanindigan ko na po. Pero ayaw po na magulang eh.
05:47Nakakulong na sa QCPD Station 14 ang sospek na maaharap sa reklamong paglabag
05:53sa Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004, Statutory Rape at Frustrated Homicide.
06:00Gabriel Gonzalez, nakatutok 24 oras.
06:05Matapos ang big-time rollback nitong Martes, taas presyo na naman ang sasalubong sa mga motorista sa susunod na linggo.
06:12Ayon sa isang source sa oil industry, papalo ng 2 piso kada litro ang taas presyo sa gasolina.
06:19Piso naman sa kada litro ng diesel.
06:21Nao na lang sinabi ng Oil Industry Management Bureau ng Energy Department na hindi consistent
06:26o pabago-bago rin ang presyuhan ng kudo sa world market ngayong linggo.
06:31Tila hindi napahinga sa malalakas na pagyanig ang Mindanao ngayong buwan.
06:36Kagabi po, magnitude 6.5 na lindol ang gumimbal sa mga residenteng
06:41hindi pa rin nakakabangon sa matinding lindol noong June 8.
06:44Mula sa Davao City, nakatutok live, si Jandy Esteban ng GMA Regional TV.
06:50Jandy.
06:53Ivan, hindi pa man na lubusang nakakabangon ang mga naapektuhan na magnitude 7.8 na lindol sa ilang lugar sa
06:59Mindanao.
07:00Muli na naman silang niyanig ng magnitude 6.5 na lindol kagabi.
07:11Nang yumanig ang magnitude 6.5 na lindol kagabi.
07:19Nabalot ng takot ang pamilyang ito na lumabas na sa kanilang bahay sa Fatima Ohao, General Santos City.
07:27Nagyakapan sila sa labas ng bahay habang inuuga ng lindol.
07:30Wala namang nasaktan sa kanila.
07:35Ang bata namang ito, mabilis na binuhat ang nakababata ang kapatid sa kanilumabas ng bahay kasama ng dalawa pa niyang
07:43kapatid.
07:46Sa Gland, Sarangani Province, mabilis na napabalikwas mula sa pagkakahiga ang babaeng niyan at napatakbo palabas ng bahay.
07:55Rino! Rino! Rino! Rino! Rino!
08:04Alas 7 at 34 kagabi, tumama ang magnitude 6.5 na lindol na ang epicenter ay sa 70 kilometers southwest
08:13ng Balut Island sa Sarangani, Davao Occidental.
08:17Bukod sa General Santos City, naramdaman ang pagyanig sa ibang bahagi ng Sarangani province.
08:25Maging sa Davao City, pati sa South Cotabato at Davao Occidental.
08:40Apektado rin ang Sultan Kudarat, Davao del Sur, Sambuanga City, Basilan, Davao ni Oro, Maguidanao del Norte, Lanao del Norte,
08:49Sulu at Bukinon.
08:50Ayon sa Sarangani MDRRMO, walang naiulat na sugatan.
08:54Gayunman, may isinugod sa ospital dahil sa panic attack.
09:04Marami pa rin ang namamalagi sa mga evacuation centers sa Sarangani province, Davao Occidental at General Santos City.
09:12Ang ilan ay nakikituloy muna sa mga kamag-anak.
09:15Andyan pa rin yung takot dahil sa nararamdamang aftershocks.
09:19Yan muna ang latest mula rin nyo sa Davao City. Balik sa inyo.
09:23Ingat, naghang salamat, John D. Esteban ng GMA Regional TV.
09:28Nailibig na po sa Nigeria ang Ateneo student-athlete na si Divine Adili.
09:33Inilagak po ang mga labini Adili sa kanyang hometown.
09:37Si Adili at ang kanyang teammate na si René Baterboña ay parehong nalunod sa gitna ng kanilang training sa Dipakulaw
09:44Aurora noong June 8.
09:46Ito merkoles ay nailibig na rin si Baterboña sa Agusan del Sur.
09:50Inay-rekomendan ng PNT Criminal Investigation and Detection Group o CIDG
09:55na kasuan ng paglabag sa Anti-Hazing Act ang coaching staff ng Ateneo Blue Eagles,
10:00kabila si Resigned Head Coach Tab Baldwin.
10:04Kagunay naman sa tri-hiding sinapitin na Baterboña at Adili pati na sa school shooting sa Tacloban,
10:09inatasan na ni Pangulong Bombo Marcos ang mga ahensya sa mga sektor na edukasyon at kalusugan,
10:15pati na ng mga LGU at pulisya na palakasin ang mahakbang para sa kaligtasan na mamag-aaral, lalo na sa
10:22eskwalahan.
10:47Pauwi na ng trabaho ang isang rider na mapansin na nasa linya niya.
10:51Ang isang nag-counterflow ng motosiklo sa nag-carlan, Laguna.
10:55Sumenyas siya sa kasalubong na rider pero nagpang-abot pa rin sila at nagsalpukan.
11:01Sa lakas ng impact, tumilapon sa kalsada ang dalawang rider.
11:05Dinala ang dalawa sa ospital at nagkausap na tungkol sa gastusin sa pagpapagamot.
11:11Bagong lindol noong June 8 sa Mindanao, may nadetect na kumpul ng malilit na lindol o earthquake swarm sa Cotabato
11:18Trench.
11:18At kamakailan meron din mga earthquake swarm sa West Philippine Sea malapit sa Pangasinan.
11:24Ang paliwanag dyan na Feebog sa pagtuto ni JP Soriano.
11:31Bago ang magnitude 7.8 na lindol na tumama sa Sarangani at kalapit na probinsya sa Mindanao,
11:37naitala ang napakaraming mahihinang lindol o earthquake swarm sa Cotabato Trench.
11:43Nasa Cotabato Trench din ang epicenter ng lindol noong June 8,
11:47bagamat malayo ito sa pinagmulan ng naobserbahang earthquake swarm.
11:51Ang earthquake swarm ay sunod-sunod na pagyanig na walang malinaw na main shock o pangunahing lindol.
11:58Maliliit na lindol na moderate-sized earthquakes.
12:01So around magnitude 5, 4, tapos madalas siya sa isang araw, marami sa isang araw.
12:08Nagtatagal siya ng mga araw, linggo, minsan tumatagal pa ng isang taon.
12:12Yung earthquake swarm hindi yun direkta nag-trigger ng Manila 7.8 event.
12:18So mas tamang sabihin natin na pareho silang bahagi ng tectonic activity ng Cotabato Trench.
12:23Sa Luzon, may naitala rin earthquake swarm sa West Philippine Sea, malapit lang sa Pangasinang.
12:30Sa tala ng PIVOX mula May 26 hanggang sa mga unang linggo ng Hunyo,
12:35nasa 152 ang naitala sa Manila Trench.
12:38At umabot na sa 287 as of June 26, ang Manila Trench, sakaling magdunot ng malakas na lindol,
12:46ay makakaapekto sa maraming probinsya sa Norte.
12:50Maaari ring maramdaman ang pagyanik sa Metro Manila.
12:53Itong Manila Trench, may potensyal yan na above magnitude 8.
12:57Ang senaryo dyan, pwede mawawala lang yan, walang mangyayari, pwede may malaki.
13:03So hindi na ito masasabi talaga.
13:04Pero paglilinaw ng PIVOX.
13:07An earthquake swarm may or may not lead to stronger earthquakes.
13:11So many earthquake swarms gradually decrease and eventually they stop without producing a large earthquake.
13:17Sabi ng PIVOX, maaaring makatulong ang earthquake swarm na mapigilan ang isang mas malakas na lindol.
13:24Slowly releasing energy, instead of yung one big event na naipon lahat yung energy,
13:31ito slowly releasing energy.
13:33Walang katiyakan kung kailan tatama ang lindol.
13:36Kaya ang mahalaga, ayon sa PIVOX.
13:39Ang sigurado niyan, kailangan maging ready yung mga tao.
13:45JP Soriano, nakatutok 24 oras.
13:48Isang low-pressure area ang binabantayan ng pag-asa sa loob ng Philippine Area of Responsibility.
13:54Huli itong namataan sa layong 965 kilometers silangan ng northeastern Mindanao.
13:59Ayon sa pag-asa, mababa ang chance na itong maging bagyo sa loob ng 24 oras.
14:04Pero nagdadala ito na maulap na panahon na may kalat-kalat na pagulan sa eastern Visayas, northern Mindanao, Caraga at
14:12Davao region.
14:13Southwest monsoon o habagot naman ang nakaapekto sa Luzon at Visayas.
14:18Localized thunderstorms naman ang nararanasan sa natitirang bahagi ng Mindanao.
14:23Basa sa rainfall forecast ng Metro Weather, posibleng light to heavy rains bukas sa Ilocos Norte, Cagaya, Kalinga, Camarines Norte
14:31at Palawan.
14:32May chance na rin ang light to heavy rains sa buong Visayas at Mindanao pagdating ng hapon.
14:37Asahan naman ang light to moderate rains sa Metro Manila.
14:41Ilang sunog ang naitala sa magdamag, tatlo pong nasaktan na matupok ang isang bahay sa Malabon.
14:47Sa Maynila nagkasunog sa isang mall sa Binondo.
14:50Nakatutok si Jomera Presto.
14:55Nabalot ng makapal na usok ang bahagi ng mall na ito sa Binondo, Maynila, pasado alas 10 kagabi.
15:02Kasunod yan ang sunog na sumiklab sa ikalawang palapag ng naturang gusali.
15:07Napasugod ang mga stall owners at mga tindera sa establishmento.
15:10Hindi na sila pinayagang makalapit at kinordunan na rin ang paligid ng mall.
15:14Pag kapasok ko lang sa bahay, ayun po tumawag na po yung amo ko na nasunog.
15:19May sunog na po sa likod ng pwesto namin.
15:22Kaya napabilis po ako ng takbo dito.
15:24Hindi namin alam kung kailangan kami makakapapasok neto ulit.
15:30Dahil sa kapal ng usok, hindi makapasok ang mga bumbero na walang breathing apparatus.
15:38Kinailangan din basagi ng mga salamin at gumamit din sila ng mga ventilators para mas mabilis na lumabas ang usok.
15:43Tumagal na ng halos apat na oras, ganito pa rin kakapal ang usok na bumalot na sa Solar Street at
15:49kumalat na rin sa iba pang bahagi ng gusali.
15:52Kailangan mo muna ma-eject yung usok para magkaroon tayo ng clear.
15:57Pero ginamita po natin ng thermal para makita natin kung nasaan po yung apoy para dun tayo magpapokus.
16:05Tumagal ng halos limang oras bago tuluyang naapula isang minuto bago magalas tres ng madaling araw.
16:11Walang napaulat na nasugatan o namatay sa sunog.
16:14Pansamantalang isasara ang bahagi ng mall na naapektuhan ng sunog.
16:19Patuloy pa na inaalam ng mga otoridad kung ilang stall ang nasunog at kung magkano halaga ng mga napinsalang ari
16:24-arian kasunod ng nangyari.
16:27Sa Malabon, tatlo ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Burgo Street, Barangay Concepcion.
16:33Ayon sa BFP Malabon, natrap ang 17-anyos na babae sa second floor kaya tumalon na lang siya para makaalis.
16:40Sinalo siya ng kanyang tsahe na siyang may-ari ng bahay pero kapwa sila bumagsak.
16:45Nagasgasan naman ang 13-anyos na babaeng anak ng may-ari ng bahay.
16:48Dinala na sa ospital ang 17-anyos na biktima habang nilapatan ng paunang lunas ang kanyang tsahe at kanyang anak.
16:54Mag-aalas tres ng madaling araw nang itaas sa unang alarmang sunog na tumagal ng kalahating oras bago naapula.
17:00Sa ngayon po, sir, ang investigation pero ang hinala po ng mga nakatira po dito dahil sa kalumaan na rin
17:06po ng bahay,
17:07doon po sa mga electrical wiring po.
17:09Patuloy na inaalam kung magkanong halaga ng napinsalang ari-arian kasunod ng nangyaring sunog.
17:15Jomer Apresto, nakatuto 24 oras.
17:19Tuwing may tinderong sisigaw ng taho, abay meron ding excited na four-legged na suki.
17:26Yan ang husky na si Gangan na naging bahagi na raw ng morning routine at diet ang taho.
17:32Marinig lang ni Gangan ang taho ay inaabangan niya si Kuyang Magtataho.
17:37At dahil naging suki na si Gangan ay laging may pasobra sa kanyang order.
17:41Pero paglilinaw ng fur parent ng husky, plain tofu o tokwa at walang halong sagot-arnibal ang taho ni Gangan.
Comments