Skip to playerSkip to main content
Ilang sunog ang naitala sa magdamag. 3 ang nasaktan nang matupok ang isang bahay sa Malabon.
Sa Maynila, nagkasunog sa isang mall sa Binondo.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kila ang sunog ang naitala sa magdamag, tatlo pong nasaktan na matupo ang isang bahay sa Malabon.
00:06Sa Maynila, nagkasunog sa isang mall sa Binondo.
00:09Nakatutok si Jomera Presto.
00:14Nabalot ng makapal na usok ang bahagi ng mall na ito sa Binondo, Maynila, pasado alas 10 kagabi.
00:21Kasunod yan ang sunog na sumiklab sa ikalawang palapag ng naturang gusali.
00:25Napasugod ang mga stall owners at mga tindera sa establishmento.
00:28Hindi na sila pinayagang makalapit at kinordunan na rin ang paligid ng mall.
00:32Pagkapasok ko lang sa bahay, ayun po, tumawag na po yung amo ko na nasunog.
00:37May sunog na po sa likod ng pwesto namin.
00:40Kaya napabilis po ako ng takbo dito.
00:43Hindi namin alam kung kailanang kami makakapapasok neto ulit.
00:48Dahil sa kapal ng usok, hindi makapasok ang mga bumbero na walang breathing apparatus.
00:56Kinailangan din basagi ng mga salamin at gumamit din sila ng mga ventilators para mas mabilis na lumabas ang usok.
01:02Tumagal na ng halos apat na oras.
01:04Ganito pa rin kakapal ang usok na bumalot na sa Ksoler Street at kumalat na rin sa iba pang bahagi
01:09ng gusali.
01:10Kailangan mo muna ma-eject yung usok para magkaroon tayo ng clear.
01:15Pero ginamita po natin ng thermal para makita natin kung nasaan po yung apoy para dun tayo magpapokus.
01:23Tumagal ng halos limang oras bago tuluyang naapula isang minuto bago magala stress ng madaling araw.
01:29Walang napaulat na nasugatan o namatay sa sunog.
01:32Pansamantalang isasara ang bahagi ng mall na naapektuhan ng sunog.
01:37Patuloy pa na inaalam ng mga otoridad kung ilang stall ang nasunog at kung magkanong halaga ng mga napinsalang ari
01:43-arian kasunod ng nangyari.
01:46Sa Malabon, tatlo ang sugatan matapos sumiklab ang sunog sa isang bahay sa Burgo Street, Barangay Concepcion.
01:52Ayon sa BFP Malabon, natrap ang 17-anyos na babae sa second floor kaya tumalon na lang siya para makaalis.
01:59Sinalo siya ng kanyang tsahe na siyang may-ari na bahay pero kapwa sila bumagsak.
02:03Nagasgasan naman ang 13-anyos na babaeng anak ng may-ari ng bahay.
02:07Dinala na sa ospital ang 17-anyos na biktima habang nilapatan ng paunang lunas ang kanyang tsahe at kanyang anak.
02:13Mag-alas 3 na madaling araw nang itaas sa unang alarmang sunog na tumagal ng kalahating oras bago na apula.
02:19Sa ngayon po, sir, ang investigation.
02:20Pero ang hinala po ng mga nakatira po dito dahil nakalumaan na rin po ng bahay.
02:26Doon po sa mga electrical wiring po.
02:28Patuloy na inaalam kung magkanong halaga ng napinsalang ari-arian kasunod ng nangyaring sunog.
02:33Jomer Apresto nakatuto 24 oras.
Comments

Recommended