00:00Inirekomenda ng PNPCIDG sa Department of Justice na ireklamo ng paglabag sa Anti-Hazing Act of 2018,
00:07ang dating head coach ng Ateneo Blue Eagles na si Tab Baldwin.
00:11Para yan sa pagkamatayan ng student-athletes na si Rene Batarbonia at Divine Adili sa gitna ng kanilang training noong
00:18June 8 sa Aurora.
00:19Bukod kay Baldwin, inirekomenda ring ireklamo ang 10 iba pang miyembro ng coaching staff.
00:25Ayon kay DILG Secretary John Vic Rimulia, lumabas sa embesigasyon na itinuloy pa rin ng aktibidad
00:31kahit nagpahayag ang lima sa mga manalaro na hindi sila marunong lumangoy.
00:36Lumabas din na noong 2016 ay marunong mga muntik malunod sa kaparehong team building activity na inorganisa ni Baldwin.
00:45Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng mga pinasasampahan ng reklamo.
00:50Walang kasamang opisyal ng unibersidad sa rekwendasyon ng CIDG,
00:54pero sabi ni Rimulia na hindi pa sila tuluyang abswelto.
00:59Sinabi naman ni Ateneo de Manila University Spokesperson Father R.B. Hezon,
01:05patuloy sila makikipagtulungan sa iba't ibang ahensya na nag-iimbestiga sa trahedya
01:09at kumpiyansa silang matitimbang ng patas ang lahat ng detalya ng insidente sa pamamagitan ng tamang proseso.
01:17Pinanindigan din ng Ateneo ang commitment nito para isulong ang accountability at kapakanaan ng kanilang mga estudyante
01:24habang patuloy na pinalakas sa mga reformang ipinatutupad para hindi na maulit ang trahedya.
Comments