00:00Umakyat pa sa 235 ang nasawi sa magkasunod na magnitude 7.2 at 7.5 na lindol sa Venezuela.
00:14Mahigit 4,000 naman ang sugatan.
00:17Isa sa mga nasagip sa 24 oras ng search and rescue operations,
00:22ang nalaking ito na nabagsakan ang gumuhong restaurant sa Laguayra State.
00:27Pero marami pang hinahanap.
00:30At pinangangambahang natabunan sa mga gumuhong gusali at bahay.
00:34Posibleng 46,000 pa ang nawawala ayon sa isang website tracker.
00:40Hindi rin bababa sa walong ospital ang nawasak.
00:43Napinsala pati ang headquarters ng Venezuelan Red Cross.
00:48Nakikipag-ugnay na po ang gobyerno sa mga pribadong kumbanya
00:51para mapabilis ang rescue at pagdadala ng heavy equipment,
00:56lalo na sa Laguayra at Caracas, na itinuturing na disaster zone.
01:01Nagpadala na ng tulong sa Venezuela ang iba't ibang bansa
01:04gaya ng Amerika, Spain, Mexico, Panama, Chile at El Salvador.
01:08Batay sa predictive modeling ng United States Geological Survey o USGS,
01:15e posibleng libo-libo ang nasawi dahil sa mga pagyanig.
01:18Outro
Comments