00:00Ah!
00:11Magandang gabi Luzon, Visayas at Mindanao.
00:14Mga kapuso, umakyat pa sa 37 ang nasawi
00:18dahil sa magnitude 7.8 na lindol na yumanig sa Mindanao kahapon.
00:23Pinangangambahang tataas pa ang bilang na iyan
00:26lalo't may mga lugar na hirap pa rin maabot.
00:30Dahil sa mga sirasirang kalsada at tulay.
00:32Dagdag problema ang mayat-maya pa rin aftershocks
00:35sa mahigit 1,300 sa huling tala ng PBOX.
00:44At isa nga po sa mga pinakanapuruhan ng lindol,
00:47ang bayan ng Glan sa Sarangani Province,
00:50nakatabi lamang ng bayan ng Maasim
00:52kung saan naitala ang epicentro ng magnitude 7.8 na lindol.
00:57Hirap marating mga kapuso ang lugar.
01:00Dahil sa mga kalsada at tulay na hindi po madaanan.
01:03Sinoong yan ng GMA News Team.
01:06At nakatutok doon live si Maki Pulido.
01:09Maki, kamusta ang sitwasyon diyan?
01:14Ay talaga naman, Emil, napakahirap marating
01:18ang bayan ng Glan sa probinsya ng Sarangani
01:21kaya halos isolated na ito
01:23matapos ang malakas na lindol kahapon ng umaga.
01:27So yung problema ng maraming residente rito ay
01:29basic, pagkain, maiinom na tubig,
01:33kuryente, pati signal ng telepono.
01:40Para makarating kami sa bayan ng Glan, Sarangani,
01:43tatlong beses kaming nagpalipat-lipat ng masasakyan
01:46dahil kung may sirang tulay o kalsada,
01:48kailangang mag-arkila ng panibagong masasakyan
01:51tulad ng motorsiklo.
01:52Sa bayan pa lamang ng malapatan,
01:54ang bayan, bago Glan, sarado na ang tulay.
01:57Nang lumindol, bumabang isang bahagi nito
02:00nang masira raw ang beams sa ilalim.
02:02Dahil hindi na matawiran yung tulay,
02:04ang ginagamit na ay yung mga maliliit na bangka
02:07o itong tinatawag nilang alul.
02:09Dito sa alul na isasakay nila yung mga motorsiklo
02:13para makatawid dito sa ilog.
02:15So ang single dito, pwede naman yung tao,
02:17kaso 50 pesos per head.
02:19Kung motorsiklo ang isasakay mo, 100 pesos isa.
02:23Ilang kilometro mula rito,
02:24mararating ang boundary ng bayan ng Glan.
02:27Hindi pa rin naaalis ang sasakyang ito
02:29na nagulungan ng malalaking tipak ng bato
02:32habang binabaybay ang highway.
02:34Mabuti na lamang at hindi raw nasaktan ang driver.
02:37Pagkalampas ng arko,
02:38naharangan uli ang kalsada
02:40ng mga naglalakihang bato
02:42mula sa gumuhong bahagi ng bundok
02:44kaya't hindi na ito madaanan
02:46kahit ng motorsiklo.
02:48Kahit matanggal sa kalsada ang landslide,
02:51hindi pa rin madaraanan
02:52dahil ang kalsada parang hiniwa
02:54kaya't naghiwa-hiwalay
02:56habang ang ibang bahagi
02:58nag-angatan na ang simento.
03:00Kung titignan ninyo,
03:02ito o, putol na
03:04tuong highway.
03:05Butas na talaga siya.
03:08Hindi na talaga yan madaraanan.
03:10Maliban dito sa landslide,
03:12na natakpan yung kalsada
03:14na hindi pa nakli-clear.
03:17May mga portions na talaga nitong kalsada
03:20na butas-butas na.
03:23Ito, itong portion na ito
03:25ng kalsada,
03:27biyak na talaga.
03:28In fact, maliban sa
03:31napakalaking butas na ito
03:32kung saan naghiwalay na yung kalsada,
03:35banda rito.
03:37Kung makikita ninyo,
03:39umangat na itong portion
03:40ng kalsadang ito.
03:42Well, may butas dito,
03:43kailangan daw mag-ingat.
03:44Ito, kung titignan ninyo,
03:46umangat na itong portion
03:48ng kalsadang ito.
03:49Hindi na talaga madaraanan
03:50kahit na maklear pa
03:52yung landslide
03:53sa bahaging yan.
03:55Ayon kay Glenn Mayor
03:56Victor James Yap Sr.,
03:58sa inisyal na report,
03:59aabot na sa dalawampu
04:01ang namatay sa kanilang bayan
04:02dahil sa lindol.
04:03Tatlo sa mga biktima
04:05mag-iina ni Roldan Dante.
04:07Dalawang anak niya
04:08na eight months
04:09at three years old
04:10at kanyang misis.
04:12Inabutan namin
04:12ang nasawing mag-iina
04:14na nakabalot ng kumot
04:15sa loob ng bahay.
04:17Ihahatid pa lang daw
04:17ng punerarya
04:18ang mga kabaong.
04:20Nang lumindol,
04:21nadaganan ang paderang
04:22mag-iina sa loob ng bahay.
04:24Nagtratrabaho noon
04:25sa bukid si Roldan.
04:26Hindi na niya
04:27naabot ang buhay
04:28ang kanyang mag-iina.
04:29Ang iniisip ko,
04:30yung pamilya ko,
04:31yung unang na lagay sa isip ko.
04:33Hindi ako makauwi dito
04:35kaya ang dalan bay ba?
04:39Daan.
04:40Na ano na...
04:41Yung slide, ma'am.
04:43Hindi ako makauwi
04:44ng duritso ba?
04:46Tumakbo ako,
04:47duritso.
04:48May ambak po ito sa...
04:51Tumalon pa ako,
04:52hindi ko matanggap.
04:53Maraming nasira
04:54at gumuhong bahay sa glan
04:55pero wala pang maibigay
04:57na eksaktong bilang
04:58ang lokal na pamahalaan.
05:00Isa sa wala nang mauwian
05:02ang pamilya ni Mona Lisa.
05:03Sana matalungan kami
05:05na magkabahay
05:07kasi ewan,
05:09hindi namin alam
05:09kung sino bang tutulong sa amin.
05:11Mga gobyerno sana.
05:12Wala din kami
05:14pangkain,
05:15panggasto araw-araw.
05:17Wala talaga.
05:19Mga basic na pangangailangan
05:20ang kinakailangan ngayon
05:22ng mga tagaglan sa Rangani.
05:24Tubig,
05:24pagkain,
05:25kuryente
05:26at signal ng telepono.
05:28Hindi ko na sila in-evacuate
05:29kasi yung evacuation center ko
05:30nasira noong 2023.
05:32Humingi akong funding,
05:33hindi ako binigyan ng funding
05:34so nasira ngayon.
05:35Wala na akong mapaglagyan
05:36ng evacuist.
05:37Hindi pa raw lubos
05:38na nakakabango ng glan
05:40mula sa lindol noong 2023.
05:42Ngayon,
05:43mas mapaminsala pa
05:44ang naranasan nila.
05:46Tumagilid na
05:46ang lumang munisipyo,
05:48gumuho
05:48ang ilang mga gusali
05:50sa poblasyon ng bayan.
05:51Ang isang bahagi
05:52ng palengke,
05:54nakatagilid na
05:54ang mga paderna
05:55para bang babagsak na rin.
05:57Gumuho
05:58ang isang bahagi
05:59ng gusali
05:59ng Notre Dame of Glan
06:00pero wala raw nasaktan
06:02dahil nasa flag ceremony
06:03ang mga estudyante
06:04ng lumindol.
06:06Umaapila
06:06ng tulong
06:07ang mga residente
06:08ng glan.
06:09Inabutan namin silang
06:10nakapila
06:11sa pag-asang
06:11may ibibigay na ayuda
06:13pero pila pala
06:14para i-report
06:15sa DSWD
06:16ang sira
06:17sa kanilang mga bahay.
06:18Wala na kaming bahay.
06:20Sa karsada na kami, ma'am.
06:23Dami ang mga bahay doon.
06:25Wala na katirahan.
06:31Ang sabi sa atin ni Mayor Yap
06:33ay magdedeklara na raw sila
06:35ng state of calamity
06:36para magamit nila
06:37yung calamity funds
06:38ng bayan.
06:39Pero posible naman
06:40na ang maging problema nila
06:41ay yung withdrawal
06:42ng pera
06:43dahil hanggang sa ngayon
06:44ay sarado pa rin
06:45yung land bank
06:46sa may glan.
06:47Emil?
06:51Maraming salamat,
06:53Maki Pulido.
Comments