00:00Latest naman tayo sa Kamara kung saan sa ikalawang pagkakataon ay in-impeach si Vice President Sara Duterte.
00:07May update pa sa bilang ng mga boto ng Pumabo.
00:11At mula roon, nakatutok live si Tina Panganiban-Penis.
00:16Tina!
00:19Vicky Bumoto ang Kamara ngayong hapon para i-impeach si Vice President Sara Duterte.
00:25Sobra sa kailangang one-third ng lahat ng kongresista ang nakuhang boto.
00:36With 255 members voting in the affirmative, 26 against, 9 abstention, House Resolution No. 989,
00:48together with the findings, conclusion, recommendations contained in Committee Report No. 261
00:56are hereby adopted.
01:00Mas marami sa kailangang 106 na kongresista ang bumoto pabor sa Committee Report ng House Committee on Justice
01:07pati na sa resolusyon nagtatakda ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.
01:14This is not about 2028. This is not about political alliances.
01:22This is about whether we still believe that no one is above the law.
01:29Sabi naman ang isang nag-no.
01:31Sara Duterte is our nation's most vocal anti-corruption figure.
01:35As she's the first one to reveal the massive flood control corruption,
01:38yet instead of congratulating her for these achievements, you instead seek to remove her.
01:43As you believe that her presidential ambitions will interfere with the traditional political practices
01:48that our nation has grown accustomed to,
01:50I will not waste our nation's future, which is why my vote is no.
01:54Sa kanyang sponsorship speech, nilinaw ni Chair Luis Tro kung ano lang ang isyong pagbobotohan nila.
02:01Hindi po kami narito upang humatol ng pagkakasala.
02:06Hindi rin kami narito upang magparusa.
02:12Ang tanong lamang na nasa harap natin ngayon,
02:18may sapat bang dahilan upang ipagpatuloy ang paglilitis sa Senado?
02:26Kasama sa mga ebidensyang binanggit ni Luis Tro ang certification mula sa Philippine Statistics Authority
02:33na walang birth, death, at marriage certificates ang ilang tumanggap ng confidential funds,
02:39notices of disallowance ng Commission on Audit,
02:42at transaction reports galing sa Anti-Money Laundering Council
02:45sa bilyong-bilyong pisong pumasok at lumabas sa bank accounts ng Bise at kanyang asawa.
02:51Paalala ni Luis Tro, pera ito ng taong bayan.
02:55Kahit wala siya sa pagdinig,
02:58pinag-aralan pa rin ang Committee on Justice
03:00ang bawat dipensang inilabas ng kanyang kampo.
03:05Idiniin pa ni Luis Tro na maraming kailangang ipaliwanag ang Bise.
03:09May mga aligasyong pinansyal na kailangan sagutin.
03:13May mga dokumentong kailangang ipaliwanag.
03:16Kapag ang isang mataas na pinuno ng bansa
03:19ay nagsasalita tungkol sa pagpatay sa Pangulo ng Republika,
03:25tungkol sa pakikipag-usap o mano sa isang asasin,
03:30at tungkol sa posibilidad ng karahasan
03:32laban sa pinuno ng Estado,
03:36hindi maaaring ipagkibit balikat iyon
03:39bilang simpleng bugso lamang ng emosyon
03:42o ordinaryong alitan sa politika.
03:45Isa-isang tinawag ang mga kongresista
03:48at inilista ang kanilang mga boto
03:50at sa huli nga ay nanaib ang mga pabor
03:53sa pag-impeach kay Duterte.
03:55Oo, dahil ang mga ebidensyang iniharap
03:57ay nararapat masuri sa isang ganap na paglilitis.
04:01Oo, dahil walang sinuman,
04:03gaano mang kataas ang katungkulan,
04:05ang dapat mangibabaw sa batas.
04:07Nakita natin lahat ang smoking guns,
04:12ang bilyong-bilyones na perang dumaan sa accounts
04:15ni Vice President Sara Duterte
04:18sa kabila ng milyones lang na dineklara
04:21sa kanyang salen,
04:23ang halos kalahating bilyong piso
04:26na confidential funds na niwinaldas niya
04:30at marami pang iba.
04:33I could go on and on, Mr. Speaker.
04:37Ngayon, panahon na na panagutin
04:41ang nagkasala.
04:43Vice President Sara,
04:46see you in the impeachment court.
04:53Vicky sa updated na bilang ng mga boto
04:56sa plenaryo kanina,
04:58257 ang nag-yes,
05:0025 ang nag-no
05:02at 9 ang nag-abstain.
05:04Ito na nga yung ikalawang pagkakataong
05:06in-impeach ng Kamara si VP Duterte
05:08at tulad noong 19th Congress,
05:10inendorso ng Kamara
05:12ang Articles of Impeachment
05:13laban sa Vice
05:14sa Senado na uupong impeachment court.
05:17Vicky?
05:18Maraming salamat sa iyo,
05:19Tina Panganiban Perez.