Skip to playerSkip to main content
Idinetalye na ng mga awtoridad ang mga nakuhanan ng mga CCTV sa paaralan sa Tacloban kung saan tatlo ang nasawi sa pamamaril ng dalawang estudyante.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Dinetalyo na ng mga otoridad ang mga nakuhanan ng mga CCTV sa paaralan sa Tacloban
00:06kung saan tatlo ang nasawi sa pamamaril ng dalawang estudyante.
00:10At mula pa rin doon, nakatutok live si Rafi Tima.
00:15Rafi!
00:18Vicky, katatapos lang itong isinagawang candlelighting at misa kanina
00:21para sa tatlong estudyante na nagbuwis ng buhay
00:23sa nangyaring pamamaril dito sa San Jose National High School noong lunes
00:26ng mga alumni nitong eskwelahan.
00:29Emosyonal ang ilan sa nangyari lalupat masaya o mano
00:31ang kanilang alaala nitong kanilang paaralan na ngayon ay napalitan ng matinding kalungkutan.
00:37Pero tulad nung tumamarito ang Baguong Yolanda, babangon doon sila mula sa trahedya.
00:41Samantala, binilikan Vicky ngayong araw ng mga investigador
00:44ang kuha ng CCTV nitong San Jose National High School
00:46para himayin ang iba pang detalye sa nangyaring pamamaril dito noong lunes.
00:51Bahagero ito ng pagpapalakas nila ng ebidensya
00:53sa sinampang kaso sa 15 taong gulang na shooter
00:55at sa iba pang sasampahan ng kasong kriminal
00:57bunsod ng insidente.
01:03May ipit pa rin pinag-aaralan ng mga investigador ng Tacloban City Police
01:07ang CCTV na ito ng San Jose National High School.
01:10Pinihagan kaming kunan ang screen monitor ng kanilang CCTV
01:12pero ang mismong kuha noong lunes,
01:15mga investigador pa lang daw muna ang may akses.
01:18Walong anggulo ang CCTV ng eskwelahan.
01:20Kita rito ang entrance, bahagi ng harapan ng main building
01:23at likurang bahagi kung saan nahuli ang 15 taong gulang na shooter.
01:28Nakunan daw ang pagpasok ng dalawang minority edad na sospek
01:31pero hindi na nakita ang kanilang aktual na pamamaril.
01:34Basa sa report ng mga investigador,
01:3621 basyon ng 9mm na baril ang kanilang narecover.
01:39Labing-anin naman ang live ammunition
01:41o mga hindi na iputok na bala.
01:44Isang spent case at limang live ammunition naman
01:46ang nakita sa caliber .38 revolver
01:49na hawak ng kinasuhang minority edad.
01:52Kanina,
01:53binalikan namin ang bahay ni Alias Rod
01:54pero wala ang kanyang mga kaanak dito.
01:56Umalis daw ayon sa nagbabantay sa bahay.
01:59Patuloy naman ang psychological first aid
02:01para sa mga estudyante,
02:03guro at pati na sa mga magulang
02:05na nakaranas ng krimen noong lunes.
02:07Takot, galit at pagkakonsensya
02:10ang lumalabas umano sa karamihan.
02:12Takot, pangamba,
02:15yung pag-aalala
02:17kung safe pa ba sila,
02:20kung ano pa ba ang magiging future nila.
02:23Galit sila, bakit nangyari ito,
02:26galit sila,
02:27meron yung iba guilty,
02:28bakit sila nabuhay.
02:30Oo, yung iba,
02:31lalo na yung mga best friends,
02:33yung mga close friends,
02:34yung mga namatay talagang,
02:36andun yung guilt feeling sa kanila.
02:38Magiging mahaba o manong proseso ng paghilom,
02:40kaya naman ang mga guro
02:41na nakaranas din ang trauma,
02:43kailangan din isa ilalim sa orientation
02:44para maobserbahan ang kanilang mga estudyante
02:47kapag bumalik na sila sa eskwela.
02:49I-go-oriented sila
02:50about the red flags,
02:52yung mga signs, symptoms,
02:54para kung meron man silang makita,
02:56kasi hindi yan agad-agad ngayon
02:57makikita lahat,
02:59it will take weeks,
03:01two weeks,
03:02and maybe months pa,
03:03yung iba,
03:04na magmamanifest.
03:05Para sa mga registered guidance counselor
03:07tulad ni Julien,
03:08kayang iwasan
03:09ang mga ganitong pangyayari.
03:11Sabihin natin,
03:12may batang,
03:13hindi kumikilos ng tama,
03:15pero pag kinausap mo,
03:19mapakinggan mo ang kanyang kwento,
03:21then may pag-asa na matutuwid siya.
03:25Kaano po kadami yung pwede
03:26maiwasan ganito
03:27kung may guidance counselor
03:28ng mga eskwela ha?
03:29Napakarami po,
03:30napakarami.
03:32Hindi ko pa ma-underscore.
03:34Sa ngayon,
03:35malaki daw ang kakulangan
03:36sa mga guidance counselor.
03:37Mula sa ideal na isang counselor,
03:39kada limandang learner.
03:40Ngayon,
03:41umaabot daw ito
03:41sa isa kada liman libo
03:43hanggang pitong libong istudyante.
03:45Para naman mapaiting ang siguridad
03:47dito sa San Jose National High School
03:48bago ito muling magbukas,
03:50sisimulan na ng kontraktor
03:51na kinuha ng lokal na pamahalaan
03:52ng Takloban
03:53ang pagpapataas sa backcode
03:55at paglalagay
03:55ng barbed wire
03:56sa taas nito.
03:57Ipinakita ng kontraktor
03:59ang planong pagkumpleto
04:00sa backcode
04:00sa paligid ng eskwelahan.
04:02Kanina,
04:03dumating na
04:03ang ilang materyales
04:04para rito.
04:10Inanunsyo naman Vicky
04:11ng Deped Region 8
04:12na out of danger na
04:13ang isa sa mga istudyanteng sugatan
04:14bagamat nananati pa rin siya
04:16sa intensive care unit
04:17ng ospital.
04:18Ayon naman sa isang opisyal
04:19ng Deped District Office
04:20dito sa Takloban
04:21na ating nakausap
04:22kanina lang
04:22ay responsive
04:23at out of danger na
04:24ang lahat
04:25ng tatlo nilang istudyante
04:26na nasa ICU.
04:27Isang magandang balita
04:28anya sa pagtatapos
04:29ng lingkong ito
04:30na naging matinding
04:30pagsubok sa kanila.
04:32Yan ang latest
04:32mula rito sa Takloban.
04:34Vicky?
04:35Maraming salamat
04:36sa iyo, Rafi Tima.
Comments

Recommended