00:00Samantala, may iba pang posibleng reklamo na isasampa ang National Bureau of Investigation
00:06kaugnay ng umanoy human trafficking operations sa isang KTV bar at hotel sa Pasig City.
00:13Ayon kay NBI Director Attorney Melvin Matibag,
00:17hindi pare-pareho ang papel ng mga individual na isasama sa reklamo.
00:23Sinadating Congressman Mike Defensor at kanyang asawa ang sasampahan ng kasong qualified trafficking
00:29habang ang iba pang opisyal ng KTV bar at hotel ay pasok sa iba pang probisyon ng batas.
00:36May isa rin naabutan sa raid ang naisama sa reklamo.
00:40Pero ayon kay Matibag, hindi qualified trafficking ang kasong tinitignan dito,
00:46kundi trafficking pa rin na may kaugnayan umano sa solicitation.
00:51Tinututukan din ng NBI ang angulo ng iligal na droga,
00:55lalo't may mga nauna ng nakasuhan dahil sa umanoy paggamit ng ipinagbabawal na gamot.
01:02Nakatakdang maghain ngayong hapon si Matibag ng reklamo laban kina Defensor sa Pasig City Prosecutor's Office.
Comments