00:00Nasa 8.2 billion ang bilang ng mga tao sa buong mundo as of 2025.
00:05Ayon sa United Nations pagdating ng taong 2030, posibleng mas marami na ang bilang ng mga edad 80 pataas kumpara
00:13sa bilang ng mga sanggol.
00:14At pagdating ng 2080, ang bilang ng edad 65 pataas ay mas marami na sa mga batang edad 18 pababa.
00:22Isa sa mga dahilan nito ay ang pagbaba ng global fertility rate o bumababang bilang ng mga nagbubuntis at nanganganak
00:29sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.
00:32Sa katunayan, record low ang fertility rate sa ating bansa nitong 2025.
00:38Batay sa pag-aaral ng Philippine Statistics Authority, bumaba ang total fertility rate o TFR ng mga Pilipinang 15 to
00:4549 years old sa nakalipas na mahigit tatlong dekada.
00:48Ang TFR ay average na bilang ng magiging anak ng isang babae hanggang sa edad na pwede pa siyang magbuntis,
00:55batay sa kasalukuyang age-specific fertility rate.
00:58Ayon sa PSA, noong 1993, ang TFR sa Pilipinas ay 4.1 children kada babae.
01:05Ibig sabihin, on average, nasa 4 ang anak ng kada babaeng edad 15 to 49 years old.
01:10Pero pagdating ng 2025, 1.7 na lang ang TFR o isa hanggang dalawa na lang ang anak ng bawat
01:17Pinay sa nabanggit na age group.
01:19Ang 1.7 na TFR na itong 2025 ay higit na mas mababa sa 2.1 replacement level fertility o
01:27ang kinakailangang bilang ng mga anak para magkaroon ng kapalit ang kanyang mga magulang at magkaroon ng stable population.
01:35Ayon sa mga eksperto, parehong may disadvantage at benepisyo rin ang pagkakaroon ng low fertility rate ng isang bansa.
01:42Ang record low fertility rate sa Pilipinas, good news kaya o dapat bang ikabahala?
01:51Ayon sa International Monetary Fund, ang low fertility rate ay pwedeng maging balakid sa pagunlad ng ekonomiya.
01:58Mas kukunti kasi ang workers o bilang ng mga nagtatrabaho, kumikita ng pera, gumagasta at nag-iipon.
02:04Liliit din ang bilang ng taxpayers kaya posibleng magkaroon ng funding gaps o mas kukunting pondo para sa mga programa
02:11ng gobyerno.
02:12Pwede rin bumagal ang innovations.
02:22Sa kabilang banda, sinasabi naman ng ilang eksperto na pwedeng makabuti ang low fertility rate ng isang bansa.
02:29Ayon sa pag-aaral na binanggit ng Population Connection, isang advocacy organization sa Amerika na nagsusulong ng universal access sa
02:36reproductive healthcare at family planning,
02:39kung kukunti ang anak ng mag-asawa, mas malaki ang pwede nilang ilaang gastos at investment kada anak.
02:46Kaya kahit kukunti ang workforce sa bansang mababa ang fertility rate, mas mataas naman ang kalidad ng mga manggagawa.
02:53Ayon din sa ekonomista at co-chairman ng Energy Transitions Commission sa United Kingdom na si Adair Turner,
02:59hindi magiging problema ang pagtaas ng dependency ratio o ang paglobo ng bilang ng dependence kumpara sa bilang ng working
03:07age population.
03:08Kasama kasing binibilang sa dependency ratio ang mga sanggol at mga bata,
03:13kaya kung mas kukunti ang isinisilang, liliit din ang dependent population.
03:21Dito sa Pilipinas, kasabay ng pagbaba ng total fertility rate ay ang pagkunti rin ng teenage pregnancy.
03:27Mula sa 10.1% noong 2013, 4.8% na lang na mga babaeng 15 to 19 years old
03:34ang nagbuntis pagdating ng 2025.
03:37Bagaman marami sa batang ina ay mula sa vulnerable sectors o yung mga mababa ang pinag-aralan at galing sa
03:43mahirap na pamilya.
03:45Dumami rin ang institutional births o yung mga nanganganak sa mga pasilidad na may sapat na gamit at trained healthcare
03:51personnel,
03:52gaya ng mga ospital, birthing center o klinik.
03:55Bumaba ang bilang ng under 5 mortality o yung mga batang namamatay bago sila umabot ng 5 years old,
04:02maging ang infant mortality o pagkamatay ng sanggol bago ang first birthday,
04:06at ang neonatal mortality o mga batang namamatay sa loob ng 28 araw mula sa kanilang pagkakasilang.
04:14Dumami ang mga batang nabigyan ng mga basic antigens o bakuna
04:19at lumiit ang porsyento ng mga misis na nagsabing nakakarana sila ng physical, sexual o emotional abuse mula sa kanilang
04:27partner.
04:29Ayon naman sa Commission on Population and Development,
04:32bagamat positibong economic indicators ang pagbaba ng fertility at birth rate sa Pilipinas,
04:37dapat umanong paitingin ng gobyerno ang mga programa para sa reproductive health education,
04:42pagtuturo ng life skills, access sa adolescent friendly health services,
04:47pagbabawas ng speed dropouts at pagsubpo sa kahirapan.
04:51Lumalabas din kasi sa survey ng PSA na mas maraming anak ang pamilyang mahihirap kumpara sa mga mayayaman.
04:57Mas marami rin ang anak ng mga babaeng nasa mas mababa ang pinag-aralan.
05:02Tuloy ang debate kung mabuti ba o masama ang magiging epekto ng mababang fertility rate.
05:08Pero ang laging paalala sa mga mag-asawa,
05:10magplano munang mabuti kung bubuo ng pamilya.
05:13Pagdating sa kakayahang physical, emosyonal at pinansyal,
05:17kayo'y dapat nakahanda.
05:19Ako po si Dano Tingkungko para sa GMA News.
Comments