00:00Sa gitna ng masamang panahon, kanya-kanyang pagsagip ang mga residente sa kanilang alagang hayop sa barangay Nagboalaw sa Basay,
00:08Negros Oriental.
00:10Umapaw ang tubig sa ilog at naipit sa rumaragas ang tubig ang isang baka.
00:14Lumusong ang dalawang lalaki para sumaklolo sa baka.
00:18Nakaligtas ang mga lalaki at ang baka ayon sa uploader ng video.
00:21Sa ilang lugar na binaha, binuhat na ng isang residente ang alagang kambing para sagipin.
00:27Sinagit din ang isang residente ang dalawang alagang manok matapos masira ang kulungan nito dahil sa baha.
00:33Nalubog din po sa baha ang ilang kalsada at bahay, pati ang ilang paaralan.
00:38Nag-clearing operation sa ilang kalsada dahil sa mga natumbang puno.
00:41Sa bayan naman ng Shaton, nagmistulang ilog ang ilang kalsada.
00:46Pahirapan tuloy ang biyahe ng mga motorista.
00:50Binaharin ang lugar sa Sofronio Española, Palawan.
00:54Kabilang dyan ang Panitian Elementary School.
00:58Naglutangan ang ilang gamit dahil sa mataas na baha.
01:02Ayon sa pag-asa, hanging habagat ang nagdulot ng pagulan sa Palawan at Negros Oriental.
Comments