00:00Baja at landslide ang namerwisyo sa ilang lugar sa Mindanao dahil po sa malalakas na ulan.
00:06Sa Cagayan de Oro City, nagtulong-tulong ang ilang residente para makatawid ang isang motorcycle rider
00:12sa kalsadang natabunan ng gumuhong lupa sa barangay Tignac, Puloan.
00:18Wala namang nasirang bahay at walang nasaktan sa landslide.
00:22Nagmistulang dagat naman ang mga palayan at taniman ng palmera sa barangay Busok
00:28sa Bagumbayan Sultan, Kudarat.
00:31Binaha ang kalsada kaya pahirapan ang pagdaan ng mga residente.
00:35Pinasok din po ng baha ang ilang bahay.
00:38Wala namang inilikas.
00:40Sa Santo Niño, South Cotabato, nasira ang ilang bahagi ng dike sa barangay M. Rojas.
00:46Dahil po yan sa ragasan ng Ala River, dulot ng malakas na ulan itong mga nakalipas na araw.
00:52Ayon sa DPWH Region 12, abot sa 20 metro ng masabing flood control project ang napinsala.
01:00Ininspeksyon na ang nasirang dike para masimulan ang pagkukumpuni.
Comments