00:00Samantala, mas pinalawak ng TESDA ang pagtuturo ng Artificial Intelligence
00:06sa Cordillera State Institute of Technical Education
00:09para hasain ang abilidad ng mga mag-aaral
00:13at pagtitiyak ng paaralan na hindi makokompromiso
00:16ang sariling kakayahan ng mga learners sa paggamit ng AI.
00:21Si Audrey Villena sa Sentro ng Balita.
00:27Kasabay ng planong pagiging Techno Hub o Innovation Center ng TESDA
00:31Cordillera State Institute of Technical Education sa siyudad ng Baguio
00:34isasabay na rin ang institusyon ng pagtuturo at paggamit ng Artificial Intelligence
00:39sa mga short courses at diploma programs nito.
00:43Paghahanda ito ng TESDA dahil inaasahan na sa taong 2028
00:47AI-driven na ang iba't-ibang manufacturing processes.
00:50Ibig sabihin, maghahanap na ang mga malalaking kumpanya
00:54ng mga technical at skilled workers
00:55na nakakaunawa at may abilidad gumamit ng Artificial Intelligence.
01:21Sa pamamagitan ng programa, mapabilis, mapagaan at ma-improve pa ang kasanayan ng mga mag-aaral
01:27para sa kanilang employability.
01:29Hindi na may iwasang i-adopt ng industry sector ang AI sa mga susunod na dekada.
01:34We are integrating AI in TESDA.
01:38For example, yung welding.
01:39I think in the near future, baka meron na tayong welding training with AI.
01:45Or cooking, cooking training with AI.
01:49Kasi yan ang trend eh.
01:50AI is not going to replace you, but it's going to help you.
01:53Kung baga, si AI is secretary mo.
01:55Tiniyak din ang paaralan na hindi makukompromiso ang kakayahan ng mga learners
01:59dahil sa integration ng AI sa kurikulum,
02:02kundi makakatulong pa ito sa kanilang skills competency.
02:05We are going to update or review our kurikulum
02:11because we are having naman the annual review of our kurikulum,
02:15not only annual, as needed.
02:18We need to integrate those innovations.
02:22Audrey Villana, Para sa Bayan.
Comments