00:00Samantala, inaprobahan ng Senado para sa huling pagbasa ang ilang panukala sa ginanap na special session kahapon.
00:06Kinutirma na rin ng Commission on Appointments ang lahat ng pending appointments sa AFP at EFA sa plenary session.
00:12Ang detali sa report ni Carlo Candelaria.
00:17Sa pag-convene ng Kongreso para sa isang special session,
00:20nagpatuloy ang Senado sa pagpasa ng mga batas sa ilalim ng bagong majority na pinamumunuan ni Senate President Sherwin Gatchalian.
00:27Naprobahan na sa third and final reading ang mga panukalang batas gaya ng Senate Bill 2092 na nagdedeklara sa Waling
00:34-Waling o Vanda Sanderiana bilang National Orchid ng Pilipinas.
00:38House Bill 6639 at House Bill 6644 na nagbibigay ng Philippine citizenship kina Benny Boatwright at Matthew Ramos.
00:45Samantala, pinangunahan naman ni Senate President Win Gatchalian ang plenary session ng Commission on Appointments o CA
00:51kasabay ng ipinatawag na special session present ang contingent mula sa House of Representatives at mga senador na miyembro nito,
00:57maliban kay Sen. Jingoy Estrada na kasalukuyang nakakulong.
01:00Itinalaga bilang acting majority floor leader si Sen. Joel Villanueva para sa session ng CA.
01:06Matapos nito ay tumuloy na ang meeting ng Committee on National Defense para i-rekomenda sa plenaryo ng CA
01:11ang pagkumpirma sa ad-interim appointments ng mga generals at flag officers ng Armed Forces of the Philippines.
01:17Kapilang dyan ang isang lieutenant general, isang major general, isang vice admiral at dalawang brigadier general.
01:23Sa isang bahagi ng session, kinwestiyon ni Sen. Rodante Marcoleta ang pagkumpirma sa kanila at si Knight ang RA 11939
01:30na nagre-require na dapat ay mayroon pang isang taong active service ang mga ipopromote na general bago ang kanilang
01:36compulsory retirement.
01:37Anya, kulang na ng isang taon ang mga general.
01:39Paliwanag naman ni Sen. Laxon, isinagawa ang ad-interim appointments sa kanila bago pa mag-adjourn sine die ang kongreso
01:46at ang special session ay pagpapatuloy lamang nito, kaya't hindi pa nag-a-apply sa kanila ang one-year ban.
01:51Nagkaroon din ng meeting ang Committee on Foreign Affairs kung saan ni-rekomenda rin sa plenaryo
01:56ang nominations at ad-interim appointments ng 85 foreign service officials ng Department of Foreign Affairs.
02:02Sa huli ay kinumpirma rin ng Commission on Appointments ang lahat ng pending appointments sa AFP at DFA.
02:08Sa pagpapatuloy ng session, muling binuksan ang period of amendments para sa panukalang Magna Carta for Barangay Health Workers
02:14kung saan mainit na tinalakay ni na Sen. Pia Cayetano at Sen. Risa Ontiveros ang ilang probisyon ng batas.
02:20Sa pagpapatuloy ng special session, minasahang matatalakay pa ang ibang mga mahalagang panukalang batas
02:25at priority legislation na nangangailangan ng agarang aksyon mula sa lehislatura.
02:30Carlo Luis Candelaria para sa Bayan.
Comments