00:00Sa halip na tubig, apoy ang lumabas sa posong niyan sa isang palayan sa Duenas, Iloilo.
00:07Ayon sa caretaker ng lupa, gagamitin sana ng mga magsasaka ang poso para sa kanilang mga pananim.
00:13Kinordunan ng Bureau of Fire Protection ang lugar at pinaiiwas doon ang mga tao.
00:18Ayon sa pagsusuri ng Environmental Management Bureau ng DENR Region 6, may nadetect na 10% volume ng methane sa
00:26poso.
00:26Ang methane po ay isang highly flammable gas, kaya binalaan ang mga residente na iwasang manigarilyo at huwag magsindi ng
00:34apoy.
00:35Patuloy na sinusuri ng mga otoridad ang poso.
Comments