00:00Nagpapatupa ng Contingency Measures ang National Water Resources Board sa gitna po
00:05ng patuloy na pagbaba ng tubig sa ilang dam dito po sa Luzon.
00:09Sa panayam sa Super Radio DZBB, sinabi ni NWRB Executive Director Dr. Seville David Jr.
00:16na kabilang dyan ang pagpapahintulot muli ng paggamit ng mga balon o deep well kung kinakailangan.
00:22Isa ring alternatibo ang Upper Wawa Dam sa Rizal.
00:26Malapit na raw itong matapos at posibleng mapakinabangan na sa 2027.
00:32Nitong Pebrero pa nagsimula ang pagbaba ng water level sa ilang pangunahing dam sa Luzon.
00:37Sa bagong datos po ng pag-asa, ang water level sa Anggat Reservoir ay nasa 182.11 meters.
00:45Mas mababa na sa rule curve elevation na mahigit 186 meters.
00:50Ayon sa ahensya, kapag naabot na ang rule curve elevation sa isang dam,
00:55pinag-aaralan na ang pagbabawas sa ilang itinakdang allocation ng tubig nito.
01:00Ang Anggat Dam ang pangunahing pinagkukuna ng tubig ng Metro Manila.
01:04Bukod po sa Anggat, naitala rin ang pagbaba ng water level sa Ipo,
01:08Ang Buklaw, San Roque, Pantabangan at Caliraya Reservoirs.
01:13Tumaas naman ang tubig sa Lamesa, Bing at Magat Reservoirs.
01:19Outro
01:20Outro
01:23Heitim
Comments