00:00Nihilinaw ng PhilHealth na may beneficyo dapat sa mga pasyente kahit hindi umaabot sa 24 oras ang pananatili nila sa
00:08ospital.
00:10Kasunod ito ng ulat na isang PhilHealth member na na-ospital at namatay sa emergency room ang niraw na bigyan
00:16ng beneficyo.
00:17By unang balita, si Darling Kai.
00:23Sa bisperas ng college graduation ng anak na matay sa brain hematoma o pagdurgo sa utak si Marvin Sulit,
00:30hindi umano nila kaya ang apat na milyong pisong gasto sa surgery sa unang tinakbuhang ospital at ang hinihinging isang
00:38milyong pisong deposit sa ikalawa.
00:40Heartbreaking ito ayon sa asawang si Lourdes pero wala silang magawa bilang ordinaryong pamilya na sapat lang ang kinikita sa
00:48araw-araw.
00:48Pero lalong ikinasama ng loob ni Lourdes nang sabihan siyang hindi eligible o hindi makakakuha ng PhilHealth benefits ang kanyang
00:57asawa dahil wala pa siyang 24 oras sa ospital.
01:01Himutok niya? Ano pang silbi ng ilang dekadang kontribusyon ni Marvin kung hindi naman magamit ang mga beneficyo kung kailan
01:08pinakakailangan?
01:10Tumanggi na sa panayam si Lourdes pero nagpasabing sana magbago ang healthcare system sa Pilipinas.
01:16Paglilinaw ng PhilHealth, binago na ang dating patakaran na nagsasabing walang PhilHealth benefit kung wala pang 24 oras sa ospital
01:24ang pasyente.
01:24Nagkaroon tayo ng tinatawag na outpatient emergency room benefit package.
01:28Less than 24 hours ay kinukover na yan ng PhilHealth.
01:32Kung halimbawa matatransfer ka, na-admit ka, matatransfer ka in less than 24 hours, meron din tayong polisiya on those.
01:40Kung katulad nito na namatay, meron din tayong polisiya.
01:43Base sa implementing guidelines for the PhilHealth Outpatient Emergency Care Benefit Package Facility-Based Emergency,
01:49covered ng benepisyo ang mga serbisyong binigay sa beneficiary na nasa emergency setting,
01:54kung na-discharge siya sa loob ng 24 oras na pagkakapasok sa emergency department,
01:59o kaya kung pumanaw siya sa emergency department bago pa ma-admit sa ospital.
02:04Especially, particularly for this case, meron po tayong pakete or beneficyo na pwedeng i-apply.
02:10Kung may benepisyong dapat natanggap ang yumahong PhilHealth member, ang tanong ano ang nangyari?
02:15Yan ang inaalam ngayon ng pamunuan ng PhilHealth,
02:18kaya hinihingi nila yung kumpletong mga dokumento at mga impormasyon mula sa pamilya
02:23at pamunuan ng ospital para makumpleto ang kanilang investigasyon.
02:27Habang wala yan, ay di pa masabi ng PhilHealth kung sino ang nagkulang.
02:31Siguro nagkaroon lang po ng misinterpretation.
02:37Hindi ko po alam kung ito ay sa ospital o sa amin din mismo dahil baka kailangan natin i-check.
02:44Ito ang unang balita. Darlene Kai, GMA News.
Comments