00:00Dahil lunes na po, bukas na muli ang mga kadiwa ng Pangulo Outlets tulad sa Quezon City
00:05kung saan ibinibenta naman ang pinipilangang 20 pesos na bigas.
00:09Kung ano-ano pa ang mabibili dyan, alamin sa report ni Carlo Candelaria live. Carlo?
00:17Happy Monday morning Joshua!
00:19Nagpapatuloy pa rin yung bentahan ng 20 pesos per kilo na bigas sa mga kadiwa ng Pangulo Outlets
00:24sa iba't ibang bahagi ng bansa ngayong araw matapos iyong a long weekend.
00:27At dito naman sa Bureau of Animal Industries sa Quezon City ay maaga pa lang
00:31nakapila na yung ating mga kababayan na naghahanap ng mura at sariwang mga pagkain.
00:38Ang senior citizen na si Sonia Ramirez na abutan naming namimili ng gulay dito sa kadiwa ng Pangulo
00:43na anya'y pang dalawang linggo na nilang mag-asawa. May panawagan din siya sa Pangulo.
00:51Pintulong po kasi ang araw lang ng asawa ko, 700 lang po.
00:57Ang ano, doon kukunin yung pamasahe, yung baon.
01:01Di magkano na lang po may uwi sa amin.
01:04Ang ano ko po sa kay presidente, sana ipagpatuloy niya po ito kahit wala na siya.
01:11Pero kami hindi. Para kumpara sa akin, siya ang gusto ko.
01:16Ang 60 taong gulang naman na si Margie Macarilay, maaga pa lang gumising na para maghanda ng baon ng kanyang
01:23mga anak
01:23at dumiretsyo na dito sa kadiwa para bumili ng murang bigas.
01:27Malaking tulong anya sa kanilang pamilya ang nabibiling murang bigas.
01:31Siyempre, murang bigas kaya pumila ako.
01:33Dahil marami akong anak.
01:35Kasi yung asawa ko, hindi na siya nakapagtrabaho.
01:37Dahil may sakit siyang diabetes.
01:39Kaya ako nalang nagpitila.
01:43Bukod nga sa 20 pesos per kilo na bigas,
01:46ibat-ibang murang gulay, prutas at mga produktong agrikultura ang mabibili dito.
01:50Samantala, patuloy naman ang pag-arangkada ng BBM o Benteng Bigas
01:54meron na program ng pamahalaan sa ibat-ibang mga lugar sa bansa.
01:58Sa Katanduanes, dinala mismo sa mga barangay ang murang bigas
02:01para hindi na kailangang bumiyahe ng malayo ang mga residente.
02:05Sa Palawan naman, formal nang inilunsad ang Benteng Bigas
02:08meron na Rice Project LGU Expansion Rollout.
02:11Sa programang ito ng pamahalaan,
02:12bukod sa nakapaghahatid ito ng murang bigas sa ating mga kababayan,
02:16ay nakapagbibigay din ito ng siguradong merkado
02:18para sa ani ng ating mga magsasaka.
02:26Joshua, sa mga kababayan naman natin na naghahanap ng murang bigas,
02:29maaaring bisitahin ang Facebook page ng Kadiwa
02:31para alamin ang pinakamalapit na Kadiwa ng Pangulo Outlet sa inyong lugar.
02:35Joshua?
02:36Maraming salamat, Carl, Local Delaria.
Comments