00:00Magbabalik operasyon na ngayong araw ang General Santos International Airport
00:04matapos itong mapinsala ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
00:08Ayon sa DOTR at CAAP, nagsagawa na sila ng kompletong safety assessment sa lugar
00:13kaya magiging tuloy-tuloy na muli ang biyahe ng mga commercial flight
00:17matapos ang isang linggong pagkaantala nito.
00:19Nagsagawa na rin ang CAAP ng pagpupulong sa airline operators, stakeholders
00:23at ilan pang ahensya ng pamahalaan para tiyakin ang ligtas na pagbubukas ng paliparan.
00:28Ang hakbang na ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:33na pabilisin ang pagsasayos sa Naturang Airport.
Comments