00:08Mga kapuso, mag-ingat po sa mga naniningil ng pera kung hindi kakilala.
00:14Isa pong tindahan sa Cebu City ang nakuhanan ng 4,500 pesos ng may nagpanggap na kolektor ng upa.
00:22Kita po sa CCTV ang paglalakad ng lalaking nakaputing damit at bed ng sombrero sa barangay Guadalupe.
00:30Tumawid po siya ng kalsada at dumiretsyo sa isang tindahan.
00:34Kwento ng kasamahan ang nabiktimang tindera,
00:37nagpanggap ang lalaki na inutusan daw siya ng may-ari ng tindahan para singilin ang buwan ng upa.
00:43Naniwala raw ang tindera kaya ibinigay naman ang pera.
00:49Huli na raw nang malaman niyang modus pala yun.
00:53Ayon sa pulisya, marami nang nabiktima ang sospek.
00:56Patuloy pa siyang hinahanap.
00:58Para huwag maging biktima, paalala po ng mga pulis,
01:01ay huwag basta magtiwala, lalo na kung may kinalaman sa pera.
Comments