Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Pasintabi po sa susunod na balita, natagpuan patay at nakasilid sa sako ang isang sanggol sa Quezon City.
00:06Ang suspect sa krimen ang mismong nag-aalaga sa biktima.
00:11Balitang hatid ni Katrina Son.
00:16Nakasilid sa sako, duguan at wala ng buhay.
00:20Ganito natagpuan ang 11-month-old na sanggol sa isang kwarto sa bahay na ito sa Ilang-Ilang Street,
00:27Barangay Pasong Putik proper sa Quezon City.
00:30Bago nito, ay nagsumbung na noong May 29 ng 11.30 ng gabi sa mga otoridad,
00:35ang 26 na taong gulang na babae na kinuho-umano ang alaga niyang bata ng dalawang lalaki.
00:42Ang isa sa mga lalaking kumuha-umano ay ang ama ng bata.
00:46Yung alaga niyang bata na 11 months is may dalawang lalaki na kumuha.
00:52Ang sabi ayon sa kanyang kwento is kukunin niya yung kanyang anak na kasi ayaw ipakita ng nanay.
01:05Tapos kinuha, inilagay sa balikat, kinalukbuhan ng jacket na itim, then umalis sila.
01:14Ngunit nang i-check umano ng mga otoridad ang mga CCTV sa lugar,
01:18wala umanong nakitang dalawang lalaking lumabas mula sa bahay.
01:23Kinausap din nila ang nanay ng sanggol na nasa ibang bansa.
01:26Sabi nito, nasa probinsya ang ama ng sanggol, kaya ang asawa ng kanyang pinsan ang nag-aalaga sa bata.
01:33Noon na nagduda ang mga otoridad.
01:36Nang balikan ng bahay ay ayaw na silang pagbuksan ng nag-aalaga sa bata.
01:40Kung nung binis niya yung pakibukas, nung pagbukas is may amoy na. May naamoy na kami.
01:48Tanggang sa tinanong namin sa kanya, wala ka bang naamoy na paiyak.
01:54Sabi niya, andun sa taas yung bata.
01:57Noon na umano umamin ang nag-aalaga na patay na ang sanggol.
02:01Sabay turo kung saan niya itinago ang labi nito.
02:03Pagdating sa taas, andun yung parang sako bag na may nakadapo na nalangaw.
02:14With that, confirm na yun.
02:16Itinuro niya ang nakatatandang kapatid ng piktima na nasa edad limang taong gulang na lagi umanong nag-uuntog sa sanggol.
02:23Hanggang sa makita niya noong May 29 ng alas 6 ng gabi na muli umanong inuntog ang sanggol.
02:30Binuhat niya umano ito, ngunit nangingisay na.
02:33Dahil dito, nabitawan niya ang bata at nauntog muli.
02:47Noong wala ng buhay, saka niya ito ibinalot sa plastic, saka isinilid sa sako.
02:53Tuloy-tuloy ang ginagawang investigasyon ng mga otoridad ukol sa insidenting ito.
02:57Naharap naman ang sospek sa reklamong murder at perjury.
03:02Katrina Son, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended