00:00Nasa Davao City na ang bangkay ng basketball player na si Rene Baterbonia.
00:05Si Baterbonia ay nagtapos sa Ateneo de Davao Senior High School
00:09na naging bahagi ng kanyang basketball journey
00:12hanggang hiranging Most Valuable Player ng Palarong Pambansa 2025.
00:17Nakilala siya roon bilang si Bobet,
00:20kasama ang pamilya ni Baterbonia
00:22nang dalhin sa Christ the King Chapel ang bangkay niya.
00:26Makikita ang pagdating nila sa mga larawan
00:28na pinos ni Ateneo de Davao University President Father Karel San Juan.
00:34Mahigpit ang seguridad sa paligid ng paaralan.
00:37Ayon sa pamunuan ng eskwelahan,
00:40bubuksan sa publiko ang burol ni Baterbonia
00:42simula mamayang alauna hanggang alas 5 ng hapon.
00:46Itutuloy ang public viewing bukas
00:49at sa linggo simula alas 10 ng umaga hanggang alas 10 ng gabi.
00:54Gabi-gabi rin ang magkakaroon ng MISA.
00:56Ayon sa abogado ng pamilya Baterbonia,
00:59pagkatapos ng tatlong araw ay iuwi na ang bangkay ni Bobet
01:03sa hometown nila sa Talacogon, Agusan del Sur.
Comments