00:00Tapatay sa bugbog ang isang binatiliyong PWD.
00:04Ang mga sangkot umanong sa krimen, mga minor de edad din.
00:08Hawak na sila ng City Social Welfare and Development Office.
00:11May unang balita si Gabriel Gonzalez.
00:16Patay sa pambubugbog ang 14-anyos na lalaki sa barangay BF Homes, Paranaque noong biyernes.
00:23Ang minor de edad na biktima, isang person with disability.
00:27Ang mga nambugbog umanong sa kanya, anim na minor de edad din.
00:32Ayon sa pulisya, nakipagkita ang biktimang si John Raven Tabinas sa mga kapwa minor de edad para ihatid daw ang
00:41binili nilang shorts sa kanya.
00:43Bale, after noong naibigay na nila yung shorts, pag-akyat noong biktim natin doon sa footbridge, doon na ha, pinagsusuntok
00:51na siya.
00:52Nakatakbo pa raw ang biktima sa istasyon ng pulisya, pero sumusuka na raw siya ng dugo noon.
00:57Kaya isinugod siya sa paggamutan.
01:00Sa report ng Paranaque City Police, lumalabas na dahil sa tinamong severe traumatic brain injury, dulot ng pambubugbog, kaya namatay
01:09ang biktima.
01:10Nahuli sa follow-up operation, ang isinasangkot na anim na minor de edad na naituro raw ng biktima bago siya
01:18mamatay.
01:19Noong nai-report sa atin, nag-conduct na tayo ng follow-up.
01:23Nakuha natin sila. Then, pina-identified through video ko kasi nasa hospital na yung biktima.
01:30Ang ina ng biktima, hindi matanggap ang nangyari sa anak.
01:34Masakit po sa akin yung ginawa nila eh.
01:37Na walang kamalay-malay yung anak ko na ginawa lang nilang pangsuntok, binugbog nila walang kalaban-laban.
01:45Hindi na nakuna ng pahayag ang anim na minor de edad na nasa kustudya na ng City Social Welfare and
01:51Development Office.
01:52Inirefer na rin sa Paranaque City Prosecutor's Office ang reklamong murder na isinampa laban sa kanila.
01:59Patuloy na inaalam ang motibo sa krimen.
02:02Ito ang unang balita.
02:05Gabriel Gonzalez, GMA News.
Comments