00:01.
00:10Pasado alas 7.30 ng umaga nitong lunes nang yumanig ang magnitude 7.8 na lindol sa Maasim Sarangani,
00:17isa sa mga pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng Pilipinas.
00:21Nataon ito sa balik-eskwela ng mga mag-aaral sa public school kaya naantala ang pagpasok ng mga estudyante
00:27sa iba't ibang bahagi ng Mindanao.
00:29Ang pinsalang iniwan ng lindol sa ilang paralan, nakita rin sa iba pang mga gusali at establishmento sa lalawigan.
00:36Batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council,
00:41tinatayang 15 milyong piso na ang halaga ng pinsala ng lindol sa infrastructure sa Soxargen Region o Region 12
00:48hanggang sa Davao Region at Sambuanga Peninsula.
00:52Sa Region 12, mahigit 2,400 bahay ang nasira o kaya'y gumuho.
00:57Halos 580 naman sa Region 11.
01:01Apektado ng lindol ang halos 33,600 pamilya.
01:06Mahigit 8,800 ang nananatili sa halos 60 evacuation center.
01:11Patuloy ngayon ang iba't ibang operasyon ng mga otoridad kasunod ng lindol.
01:17Mahigit 3,700 tauhan ang dineploy para sa search, rescue and retrieval operations.
01:22Halos 500 naman ang nakatoka para sa pag-alis ng mga debris.
01:27Nagpamahagi na rin ang mahigit 12,000 family food pack para sa mga taga-General Santo City at Davao Occidental.
Comments