Skip to playerSkip to main content
Iginiit ni Sen. Loren Legarda na siya pa rin ang senate president pro tempore kasunod ng aniya'y unconstitutional na pagpapalit ng Senate leadership. Tugon diyan ni Sen. Sherwin Gatchalian, mas mabigat ang opinyon ng mga eksperto na kinikilala ang mga bagong pinuno ng Senado.


24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews


Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!


GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.


For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta


For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Iginiit ni Senadora Loren Legarda na siya pa rin ang Senate President Pro Temporate
00:05kasunod ng anya ay unconstitutional na pagpapalit ng Senate leadership.
00:09Tugon dyan ni Senador Sherwin Gatchalian, mas mabigat ang opinion ng mga eksperto
00:13na kinikilala ang mga bagong pinuno ng Senado.
00:17Nakatutok si Jonathan Andal.
00:22Nag-post si dating presidential spokesperson at kilalang kalyado ng mga Duterte
00:26na si Atty. Harry Roque na may isa pa rin senador na kakala sa Cayetano Block
00:31o yung grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano na ang kapalit daw ay para mawala ang mga kaso.
00:37Tinanong namin ito kay Sen. Sherwin Gatchalian kanina
00:39nang magabot siya ng tulong sa mga nasulugan sa Baseco, Maynila.
00:42Siguro sa tabi muna natin yung politika ngayon,
00:45na intindihan ko yung sentimento ng taong bayat na yung galit,
00:50yung pagkadismaya ngayon, pagkalito, pero ang aking mensahe ay tuloy-tuloy ang trabaho.
00:55Sabi ni Gatchalian, wala pa silang pag-uusap ni Pangulong Bongbong Marcos
00:58at wala pang formal request sa Malacanang para sa isang special session.
01:02Anya, buong Senado ang kailangang mag-desisyon dito.
01:05Wala pang specific target, but kinokulate this morning,
01:09kausap ko lang ang Senate Secretary para malaman namin kung ano yung mga kailangan i-discuss.
01:14Lalo na yung limang general na hindi na-promote.
01:18Kasunod ng palitan ng liderato sa Senado noong miyerkules,
01:20inanunsyo ng palasyon na ang liderato ni Gatchalian nang kinikilala nito.
01:24Na noong pa noon si Gatchalian bilang Senate President pro-tempore at acting Senate President.
01:28Pero si Sen. Loren Legarda,
01:31Si Loren Legarda po ang inyong Senate President pro-tempore.
01:36Naninindigang siya at hindi si Gatchalian ang Senate President pro-tempore.
01:40Iginit niyang iba ang numero na kailangan sa pagdeklara ng quorum
01:43at iba rin ang numero sa paghalal ng mga opisyal ng Senado.
01:47Batayan niya ito sa Rule 14, Section 44 ng Senate Rules.
01:50Labag sa konstitusyon at alituntunin ng Senado
01:55ang nangyaring pagtatalaga ng Senate President pro-tempore,
02:01Senate Secretary at Sergeant at Arms
02:05dahil labindalawang senador lamang ang nasa plenario na bumoto.
02:12Kulang ng isang boto para masabing mayorya
02:16ng lahat ng miyembro ng Senado
02:19ang bumoto para sa pagbabago ng liderato.
02:24Sabi ni Legarda,
02:25hindi pwedeng gamitin pang shortcut ang Avelino vs. Cuenco ruling
02:28para bawasan ang bilang ng senador sa kurum
02:31at pagbalasa sa mga posisyon sa Senado
02:33dahil anya nakabatay ito sa lumang konstitusyon.
02:361949 pa ang kasong ito
02:39at naganap sa ilalim ng 1935 Constitution.
02:43Nagbago na ang ating saligang batas,
02:471987 Constitution na ang sumasaklaw po sa atin.
02:52Tugon dito ni Gatsalian?
02:53Of course, we respect her opinion
02:55but matibay rin ang opinion ng Integrated Bar of the Philippines,
03:01yung association ng mga law school deans,
03:04of course, yung mga former Senate President.
03:06Mas mabigat yung opinion nila
03:08dahil yung mga ganitong bagay pinag-aaralan nila.
03:12Ani Gatsalian,
03:13maging ang Civil Service Commission,
03:14siya na ang kinikinalang leader ng Senado.
03:17Pinapalitan ng araw
03:18ang mga pipirma sa payroll o sweldo ng Senate staff.
03:20Kaninang tanghali, kamiting ko lang yung union ng Senate
03:24at in-assure ko sa kanila
03:26na yung kanilang salary, sweldo, bonuses, tuloy yan.
03:31Sabi naman ni Sen. Robin Padilla,
03:33dapat anyang matuwa ang taong bayan
03:35sa hindi pagkakasundo ngayon ng mga senador.
03:38Natatrabaho kami.
03:39Democracy ito.
03:40Dapat kayong matuwa.
03:41Sa pangkat hanggat ang mga senador
03:44ay hindi nag-conspiracy,
03:47ibig sabihin,
03:48tama ang binabayad yung tax.
03:50Matakot kayo pag kami
03:52ay nagkasundu-sundu na
03:53at kami meron ng konspiracy.
03:56Sa lunes,
03:57gate ni Gatsalian,
03:58tuloy ang Blue Ribbon Committee hearing
03:59ng kanyang grupo
04:00tungkol sa flood control scandal
04:02at imbitado lahat ng senador
04:03kahit ang mga nasa Kayatano Block.
04:05Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended