00:00Sa mga kapwa ko Pilipino, malinaw na nakasaad sa konstitusyon.
00:05Walang sinumang senador ang maaaring lehitimong tumayo bilang Pangulo ng Senado, batay lamang sa labindalawang boto.
00:14Ito ay pinagtibay sa ilalim ng 1987 Constitution.
00:19Sa Article 6, Section 16, Subsection 1 ng 1987 Constitution.
00:26The Senate shall elect its president by a majority vote of all its members.
00:33Ang ibig pong sabihin, makakapaghalal lamang ng isang Senate President kung makakuha siya ng mayoryang boto ng lahat ng miyembro
00:43ng Senado.
00:44Ayon po sa konstitusyon, 24 ang kabuang bilang ng mga halal na senador.
00:52Kaya naman, labintatlo po ang kinakailangan para magkaroon ng mayorya.
00:59Nakalagay din sa alituntunin ng Senado sa Rule 2, Section 2, na
01:14Ang mga opisyal po ng Senado ay ang Senate President, Senate President Pro Tempore, Senate Secretary, at Sergeant at Arms.
01:24Hango at nakabase po sa ating konstitusyon, hango at nakabase po sa ating konstitusyon ang mga alituntunin ng Senado.
01:31Kung kaya tulad sa Senate President, boto rin ng mayorya ng lahat ng miyembro ng Senado ang kinakailangan upang magtalaga
01:43ng Senate President Pro Tempore, Senate Secretary, at Sergeant at Arms.
01:49Malinaw, labing tatlong boto ang kailangan.
01:54Sabi din po sa Rule 15, Section 44 ng alituntunin ng Senado, na
02:03Except during the election of officers, a majority of the senators shall constitute a quorum.
02:12Simple lang po ang kahulugan nito.
02:15Iba po ang bilang na kailangan para sa quorum.
02:21Iba rin po ang bilang na kailangan para po sa eleksyon.
02:26Kapag eleksyon po ng mga opisyal ng Senado,
02:31kailangan ang mayoryang boto ng lahat ng miyembro ng Senado upang sila'y mahalal.
02:38Kaya naman, sa kabila ng aking paggalang sa aking mga kasamahan, labag sa konstitusyon, at alituntunin ng Senado,
02:51ang nangyaring pagtatalaga ng Senate President Pro Tempore, Senate Secretary, at Sergeant at Arms,
03:00dahil labindalawang senador lamang ang nasa plenaryo na bumoto.
03:06Kulang ng isang boto para masabing mayorya ng lahat ng miyembro ng Senado ang bumoto para sa pagbabago ng liderato.
03:18Samantala po, sa chairmanship naman ng mga komite ng Senado,
03:24malinaw din ang saligang batas sa ilalim ng Article 6, Section 16, Subsection 2,
03:32kung saan sinabi na,
03:34A majority of each house shall constitute a quorum to do business.
03:40Ibig sabihin po, labing tatlong senador din ang kinakailangan na kabilang sa sesyon ng Senado
03:49upang makagawa ng anumang opisyal na gawain o quorum kung kaya't labag din po sa konstitusyon
03:58ang naganap na pagdeklarang bakante at pagtatalaga ng mga chairperson sa mga ilang komite.
04:07Madalas pong binabanggit ang mga nasa minorya ang kasong Avelino v. Cuenco
04:15upang palabasing lehitimo ang naganap na takeover sa Senado.
04:21Pero hindi po maaring gawing shortcut ang Avelino upang pababain ang bilang ng mga senador
04:28na kailangan para sa quorum sa eleksyon at para magkaroon ng reorganization sa Senado.
04:351949 pa ang kasong ito at naganap sa ilalim ng 1935 Constitution.
04:43Nagbago na ang ating saligang batas, 1987 Constitution na ang sumasaklaw po sa atin.
04:52Dito, malinaw na labing tatlo ang kinakailangang boto para maghalal ng Pangulo ng Senado
05:02at parehong bilang din ang kinakailangan para sa pagboto ng mga opisyal.
05:09Hindi rin bago ang patakarang ito.
05:12Noong pang 1973 Constitution, malinaw na rin nakasaad na ang Speaker ng National Assembly
05:20ay dapat mahalal sa pamamagitan ng mga mayoryang boto ng lahat ng membro.
05:28Kung tatanggapin natin na maaring basta-basta na lamang bawasan ang bilang ng mga senador
05:35na kinakailangan para sa eleksyon ng mga opisyal at pinuno ng mga komite,
05:42malaki ang magiging epekto nito sa operasyon ng mataas na kapulungan.
05:49Sa tuwing may mga senador na nagkakasakit,
05:52na sa abroad, pansamantalang wala sa sesyon,
05:55na aresto, na detina, at iba pang kadahilanan.
06:00Maaring gamitin ang dahilan na ito para palaging mag-reorganize ng Senado.
06:06Pag nang nari po yun, hindi na representasyon ng taong bayan.
06:11Interes at isyo ng panahon ang magtatakda kung sino ang nasa mayorya at mga opisyal ng Senado.
06:20Ang magiging labanan na lang ay kung sino ang makakapagbawas ng pisikal na presensya
06:28ng kabilang panig sa bulwagan.
06:32Dapat manatiling representasyon,
06:36interes ng nakararami,
06:39performance ng bawat isa,
06:41at isyo ng panahon ang batayan kung sino ang magiging mayorya at pinuno ng Senado.
06:51Ang konstitusyon,
06:52ang gabay ng ating demokrasya.
06:55Ito ang dapat nating ipaglaban para sa Senado,
07:00para sa ating mga institusyon,
07:03at higit sa lahat,
07:04para sa bawat Pilipino.
07:06Si Loren Legarda po ang inyong Senate President pro tempore.
07:11Maraming salamat.
Comments