00:00Pinag-aaralan ng Japan ang iba pang mga hakbang para mapadali ang visa application para sa mga Pinoy.
00:06Sabi ni Japanese Ambassador to the Philippines, Endo Kazuya,
00:10malayo na ang narating ng relasyon ng Pilipinas at Japan,
00:13at mahalagang bahagi nito ang people-to-people exchanges.
00:17Mula June 2024, ay niluwagan na ng Japan ang kondisyon
00:21para sa multiple entry visa ng mga Pilipinong merong substantial level of income.
00:25Mula naman October 2024, ay visa-exempt na ang mga Pinoy na may hawak ng diplomatic passport.
00:33Dahil sa pagdami ng visa application,
00:35nagbukos na rin ang Embahada ng Japan Visa Application Center
00:39at e-visa system para naman sa mga sasali sa package tours ng ilang travel agency.
00:45Sa tanong kung pwede na visa free entry para sa mga Pinoy,
00:49sinabi ni Endo na kailangan itong dumaan sa kanilang maingat na pag-aaral.
00:53Kabilang daw sa mga konsiderasyon ay ang epekto nito sa lipunan at ekonomiya,
00:58public safety and security ng Japan.
01:29As for the specific benchmark,
01:32that is not something I am able to elaborate on
01:35as it touches upon the internal criteria of our screening process.
Comments