00:00Tipid na sa oras ng pagluluto o humahaba parawang shelf life ng mga pagkain kapag inilalagay sa freezer.
00:07Suportado yan ng ilang eksperto basta't maging maingat sa paghahanda nito.
00:12Alamin yan sa Tip Talk ni Katrina Son.
00:19Nilaga, kare-kare, pati tsamporado.
00:22Ang mga pagkain niyan hinahango at hinahandaan ng 34-year-old working mom na si Izel Straight from the Freezer.
00:29Backup niya raw ang mga ito kung hindi makapagluluto agad.
00:33So malaking help po siya in terms of sa time, sa budget, and even mental load ko.
00:39Big help din in making sure na nakakakain ng tama yung family ko.
00:44Isang taon niya na raw ginagawa tuwing day off ang pag-prepare ng mga pagkain para i-freeze na natutuhan
00:50niya raw online.
00:53Maging kay Alvin Pablo, laking ginhawa rin daw ang pag-freeze ng pagkain.
00:58Gaya ng adobo, sinigang, maging pasta, ngayong kabubukod lang niya sa mga magulang.
01:04When I moved out, na-realize ko na gosh, ang hirap pa lang mabuhay mag-isa.
01:09Like I have to cook for myself every day.
01:11Madalas daw tumatagal ng hanggang tatlong buwan ang kanyang frozen meals.
01:15Para sa kanya, must try ang frozen baked sushi.
01:19It's now the next day and my sushi bake is hard as a rock.
01:22To bring back moisture to the rice, nalalagyan ko siya ng tablespoon of water before putting it in the baking
01:27dish.
01:27Microwave this for three minutes.
01:29Ayon sa isang eksperto, sa pag-freeze ng mga niluto, mas marami raw ang nilalaang oras para sa sarili at
01:36pamilya.
01:37Lalo na kung abala sa trabaho.
01:39Ang pag-meal prep ng ganito ay maganda dahil ito ay tipid at actually maganda rin at masustansya.
01:45Dahil ang mga pagkain na frozen, madalas hindi agad nasisira at nagde-degrade yung nutrition nito.
01:52Paalala ng eksperto, dapat maging maingat sa paghahanda nito.
01:56Dapat malinis ang kusina, malinis ang pag-prepare.
01:59Dapat airtight and freezer safe ang ating mga lalagyanan.
02:04I-check kung negative 18 degrees Celsius ang temperatura ng freezer.
02:09Sa ganitong lamig kasi, hindi na papanis ang pagkain at napipigilan ang pagdami ng mga mikrobyo.
02:15Pero kapag inalis na sa freezer at muling ininit ang pagkain,
02:19agad itong kainin at huwag nang ibalik sa freezer para hindi na masira.
02:24Katrina Son, GMA News.
Comments