00:00Kalaboso ang isang lalaki na namboso sa mga katrabahong babae
00:04gamit ang spy camera na mukhang ball pen.
00:07May report si Jomer Apresto.
00:11Ilang beses kinakalikot ng lalaking yan
00:14ang sineset up na camera at sinisipat ang tamang anggulo
00:17habang nasa loob ng banyo ng isang staff house sa Malate, Maynila.
00:21Ang pakay niya, bosohan umano ang mga katrabahong babae.
00:25Yung katrabaho ko, sinabi sa akin na may nakita silang object sa may ipit ng CR.
00:35So yung isang katrabaho ko, habang siya naliligo, nagtaka siya kasi parang akala niya pen lang.
00:41Nang suriin ang admin ng staff house, nakita niya ang isang memory card
00:45at tumambad ang mga video ng mga babaeng katrabaho habang naliligo.
00:49Pilit namin siyang pinapaamin kung bakit niya ginawa yun.
00:52Kung binibenta niya ba, pinagkakitaan niya ba yung dito kami?
00:57Sabi niya hindi daw, addict daw siya sa pornography.
01:01Agad isinumbong sa otoridad ang sospek na hawak na ngayon ng mga otoridad.
01:05Malamang ko na matagal niya nang ginagamit yun, nakakabit doon sa CR na yun.
01:12Inimbestigahan kung ibinibenta ng sospek ang mga video.
01:15Pero sa payag niya sa polis siya,
01:17Pang personal niya lang na pong consumption, yun po ang pagkakasabi.
01:21Tumanggi magbigay ng pahayag ang sospek sa reklamong paglabag sa Anti-Photo and Video Voyeurism Act.
01:28Sa pag-usbong ng iba't ibang teknolohiya, paano nga ba mapoprotektahan ng sarili mula sa kaparehong insidente?
01:35Ayon sa isang US-based cyber safety software company, suriin muna ang paligid.
01:40I-check ang mga pader, mga saksakan at iba pang bahagi ng silid.
01:43Tignan kung may LED lights o maliliit na ilaw sa kwarto at gumamit ng flashlight para sipatin kung may spy
01:50camera.
01:50Ilan sa mga posibleng pagtaguan ng spy camera ay mga ilaw, appliances, salamin at butas na pader.
01:57Pwede rin itest ang salamin kung two-way mirror ito o yung tagusang nakikita sa kabila.
02:01Pusibleng may spy camera kung walang puang sa pangitan ng daliri.
02:05Ayon sa PNP, makatutulong din ang paggamit ng smartphone app o professional bug detector sa pag-check ng paligid.
02:13Jomer Apresto, GMA News.