- Motorsiklo, sumalpok sa nag-u-turn na kotse
- Dalawang ahensya sa Cebu, ipinasara dahil sa umano'y illegal recruitment
- Amerikanong wanted sa child abuse at paglabag sa Bawal Bastos Law, nagwala nang arestuhin
- 17 sangkot sa "Baggage Tag-Twitching" kabilang ang nahulihan ng shabu sa maleta sa Pilipinas
- Tulfo, nagbabalang ipaaaresto ang mga magdaraos ng aniya'y pekeng Blue Ribbon Committee Hearing
- Habagat at Localized Thunderstorm, nagpabaha sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao
- #BagyongEster
- Visa-free entry para sa mga Pinoy sa Japan, kailangan ng maingat na pag-aaral -- Japanese Amb
- Bata, tumalsik mula sa pickup truck na bumangga sa isa pang pickup at police mobile
- Pagpapalit ng pangalan, kailangang may legal na basehan
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Dalawang ahensya sa Cebu, ipinasara dahil sa umano'y illegal recruitment
- Amerikanong wanted sa child abuse at paglabag sa Bawal Bastos Law, nagwala nang arestuhin
- 17 sangkot sa "Baggage Tag-Twitching" kabilang ang nahulihan ng shabu sa maleta sa Pilipinas
- Tulfo, nagbabalang ipaaaresto ang mga magdaraos ng aniya'y pekeng Blue Ribbon Committee Hearing
- Habagat at Localized Thunderstorm, nagpabaha sa ilang lugar sa Visayas at Mindanao
- #BagyongEster
- Visa-free entry para sa mga Pinoy sa Japan, kailangan ng maingat na pag-aaral -- Japanese Amb
- Bata, tumalsik mula sa pickup truck na bumangga sa isa pang pickup at police mobile
- Pagpapalit ng pangalan, kailangang may legal na basehan
State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:04State of the Nation
00:14Payuter ng kotse niya ng salpuki ng humaharurot ng motorsiklo.
00:18Tumilapo ng rider na walang helmet. Agad siyang nakatayo.
00:23Wasa kang unahan ng kotse pero ligtas ang driver.
00:26Nangyari ang disgrasya sa malasiki, Pangasinan.
00:28Nagkaayos din ang dalawang panik.
00:32Dahil umano sa illegal recruitment at paniningin ng daang libong piso na processing fee,
00:39ipinasara ng Department of Migrant Workers ang isang visa consultancy agency sa Cebu City
00:43at Language Learning Center sa Mandawi.
00:46May report si Katrina Zon.
00:52Nasayangan. Nasayangan, sir.
00:54Ang pangarap sanang makapagtrabaho sa Japan ng mga mag-aaral na ito sa isang Japanese Learning Center sa Mandawi City.
01:03Naging bangungot.
01:05Sinalakay ng Department of Migrant Workers ang Learning Center dahil sangkot umano sa illegal recruitment.
01:11Ayon kay DMW Secretary Hans Leo Kakdak, nangangako ang Learning Center na magbibigay ng trabaho kapag natapos ng mga biktima
01:20ang mandatory training program bago umano sila i-refer sa isang partner agency.
01:26Hanggang sandaang libong piso umano ang hinihingi processing fee ng Learning Center.
01:51Nangako ang DMW na tutulungan ng mga biktima.
01:55Babawiin daw ng Mandawi City LGU ang permit ng Learning Center.
01:59Maharap sa asunto ang may-ari at manager ng Learning Center.
02:04Sa Cebu City naman, ipinasara ng DMW ang isang visa consultancy agency na anilay walang lisensya
02:11para mag-recruit at mag-deploy abroad ng mga manggagawang Pinoy.
02:15Nag-aalok umano ang agency ng mga trabaho sa Amerika, Finland at Dubai na may malalaki umanong sweldo.
02:22Hanggang 300,000 piso ang processing fee na hinihingi nito sa mga kliyente.
02:28Tumanggi namang magbigay ng pahayag ang katiwala ng consultancy service.
02:32Katrina Son, GMA News.
02:35Nagwala at pilit na nanlaban ng isang Amerikanong inaresto sa Angeles, Pampanga.
02:50Toto Tanggi at nakipagtalo pa sa mga polis ang dayuhan.
02:54Kinasuhan ang sospek ng Child Abuse at paglaba sa Safe Spaces Act o Bawal Bastos Law.
03:01Nadiscovery rin sa kanyang cellphone ang mga malalaswang litrato at video ng mga estudyante
03:05at mga senior citizen na nabiktima umano niya.
03:08Nakikipag-ugnay na ang polisya sa Bureau of Immigration para alamin ang kanyang estado sa Pilipinas.
03:15Tumanggi yung magbigay ng pahayag ang sospek.
03:20May pag-iingat ngayon sa Canada sa gitna ng ulat doon
03:24ng labing-pitong nasangkot sa modus na baggage tag switching o mga bagahing nagpapalit
03:30at nabibistong may droga.
03:32May pag-iingat ngayon sa Canada sa gitna ng ulat doon
03:38ng labing-pitong nasangkot sa modus na baggage tag switching o mga bagahing nagpapalit
03:44at nabibistong may droga.
03:46Ganyan daw ang nangyari sa isang Canadian citizen na noong isang taon ay nahuli sa Pilipinas
03:51pero pinalaya.
03:52Kung paano yan may iwasan na alamin sa report ni Bon Aquino.
04:01Todo tanggi ang babaeng pasaherong ito na isa sa dalawang galing Canada
04:05na sa ulat ng GMA News noong July 2025
04:08ay inaresto dahil sa milyong-milyong pisong umano'y siyabong nakita
04:12sa mga maletang nakapangalan sa kanila.
04:15Nung lumabas sa conveyor belt may tag yung luggage
04:19eh yung tag na nakita ito was under her name.
04:23So the presumption is pangka-ari mo yan
04:26pero she denied that that was her luggage.
04:28Na-detain ng halos isang buwan ang babae
04:31at naharap sa reklamo pero dinismiss ng DOJ ang asunto.
04:35Based on the appreciation of facts by the Department of Justice, hindi rinw sa kanya.
04:40Kaya na-dismiss ko yan.
04:41Yes.
04:42Pag-uwi ng babae sa Canada,
04:44naningil siya ng compensation sa sinakyan niyang airline
04:47na dapat daw ay responsable sa kanyang bagahe
04:50base sa ulat ng isang Canadian news program.
04:53Pero tumanggiraw ang kumpanya.
04:55Naungkat din sa Canadian report
04:57na isang babae sa di bababa sa labimpitong nasangkot
05:01sa tinawag nilang baggage tag switching sa nakalipas na taon.
05:05We already coordinated with our foreign counterparts.
05:08Binigyan naman natin yung information na ganito yung nangyari
05:11para maabisuan din ho sila
05:14and they could also make their own investigation.
05:17Payo ng CAAP o Civil Aviation Authority of the Philippines
05:21mainam na malitratuhan ang bagahe habang sinicheck-in.
05:24Sabi mo, una, this is my bag.
05:27Ito yung klase ng bag ko.
05:30Bakit ito black sa akin, blue?
05:32So you have reasons na sabi mo, hindi akin yan.
05:35Because you have an evidence.
05:37Ganyan ang diskarte ng ilang nakausap naming pasahero
05:40bilang pag-iingat.
05:42Pinituran lang po.
05:43Tapos sinend po sa messenger ko
05:45tsaka sa mga family ko po.
05:47Pipituran namin yung maleta namin.
05:50With the, yung tag...
05:51Para halimbawa mangyari sa amin na magkapalit,
05:53meron kaming pangahawakan.
05:55After your luggage leaves your hands
05:58and goes on the belt,
06:00you really have no, you know,
06:02control over it then.
06:03So basically, hope for the best.
06:06Payo rin ang ka-app.
06:07Kung kaya,
06:08maglagay ng tracking device
06:10sa bag na nakalink sa smartphone app
06:12para malocate ito.
06:14Ingatan din ang boarding pass
06:15na may bag identification tag.
06:17Dapat daladala mo ito kahit na naka-uwi ka na
06:20dahil you're protected.
06:21Dahil meron yung barcode.
06:23Matitrace yan.
06:24Ilang kilo ba yung bagahe mo?
06:26And beside, may camera eh.
06:28You can prove na hindi akin yan.
06:30Sabi ng Bureau of Customs,
06:32sa mga nakalipas na buwan,
06:33wala silang natanggap
06:35na kaso ng baggage tag switching.
06:38Nakikipagugnayan daw sila
06:39sa mga otoridad
06:39para matiyak ang kaligtasan
06:41at siguridad ng mga pasahero.
06:44Von Aquino, GMA News.
06:46Stumbling block ngayon sa Senado
06:48kung alin ng lehitimo
06:49sa grupo ni na
06:50Sen. Wynne Gatchalian
06:51at Alan Cayetano.
06:53Si Sen. Erwin Tulfo
06:55ng Gatchalian Block
06:55nagbantang ipapahuli
06:57ang mga magdaraos
06:58ng Anyay Peking Heating
07:00matapos ang Blue Ribbon Committee
07:01hearing ng Cayetano Block.
07:03May report si Sandra Aguinaldo.
07:06The Blue Ribbon Committee
07:07hearing is now called to order.
07:09Nang ituloy kahapon
07:10ang Blue Ribbon Committee
07:12ng grupo ni na Sen. Alan Peter Cayetano
07:14ang pagdinig sa flood control projects,
07:17Walang staff.
07:18Walaya tayong mga staff namin
07:20sa Blue Ribbon Committee.
07:21Walang Senate Secretariat.
07:23Si Cayetano ang nagpanumpa
07:26sa mga resource person
07:27na labing walong dating
07:29tauhan umano
07:29ni dating Congressman Zaldico.
07:32Do you swear or affirm
07:34to tell the truth,
07:35the whole truth,
07:36and nothing but the truth
07:38in these proceedings?
07:42Wala rin nag-record
07:43sa kabuuan ng Committee
07:45hearing.
07:45Nang matapos ang pagdinig,
07:47sinabi ni Sen. Rodante
07:48Marcoleta
07:49na may kasunod pa ito.
07:50Marami po tayong kukunin.
07:52Binanggit po ninyong mga adresses
07:54na kung saan dinala
07:55yung mga pera.
07:56May patatabag po tayong mga tao
07:58para ikonpin po
07:59na talagang na-delivery
08:00yun yung mga kasasakyan
08:01na ginamit.
08:02Spend the hearing
08:03until pardon notice.
08:05Pero ang pagdinig,
08:07walang saisay
08:07ayon kay Sen. Erwin Tulfo
08:09ang itililagang
08:11Blue Ribbon Committee Chairman
08:12sa ilalim ng grupo
08:13ni Sen. Sherwin Gachalian.
08:15Hindi na po papayag
08:17na maghihiring-hiringan kayo dyan
08:19at I will have you arrested.
08:21I promise.
08:22Kahit na senador ka,
08:24kahit na sinasabi mong
08:25matanda ka na ilang taong
08:27ka na sa Senado,
08:28try me.
08:30Magpahiring ka ng Blue Ribbon
08:31ulit.
08:32Magpahiring ka.
08:33I don't care
08:34kung dati kang Senate President,
08:36dati kang Speaker of the House,
08:38I don't give up.
08:40Italagang papahuli kita.
08:42Kung hindi papahuli,
08:43kung ayaw nung usaha,
08:45bibiting kita,
08:46kwilyuhang kita,
08:46napalalayasin kita dyan
08:48sa floor na yan.
08:49Because I am the legitimate
08:50Blue Ribbon Chairman.
08:53Para sa Presidente
08:55na Integrated Bar of the Philippines,
08:57ang kawalan ng Senate Secretary
08:58at stenographer,
09:00indikasyon ng irregularidad
09:01ng pagdinig.
09:03Kasi nga,
09:04walang nga authority.
09:05Kung baga,
09:05yung proceeding,
09:06it is as if,
09:07it did not happen
09:08or it did not take place.
09:09Mahalaga pa naman
09:10ang records
09:11ng committee hearings
09:12dahil layo
09:13ng mga pagdinig
09:14na makatulong
09:15sa pagbabalangkas
09:16ng batas
09:16o in aid of legislation.
09:20Sa lunes,
09:21ang hearing
09:21ng Blue Ribbon Committee
09:23ni Tulfo.
09:24Imbitado rin dito
09:25ang mga dumalo
09:26sa pagdinig
09:27ng grupo ni Cayetano.
09:29We are inviting them.
09:30Pag hindi po sila sumunod,
09:32papaliwanagin po namin sila
09:34and then mag-i-issue po kami
09:35ng site them for contempt.
09:39And then,
09:40entonces po,
09:40yung aming po nga osa,
09:42yung aming po mga pulis,
09:43pwede po namin i-order
09:44na hulihin po sila,
09:46dalhin sila dito
09:47sa Senado.
09:49Hininga namin ang reaksyon
09:50si Attorney Levy Baligod,
09:52ang abogado
09:53ng labing balo
09:54pero wala pa siyang tugon.
09:57Ang kawalang katiyakan
09:58kung aling grupo
09:59sa Senado
10:00ang masusunod,
10:01idinilog na
10:02ng isang guro
10:03sa Korte Suprema.
10:04Inaas ko lang po
10:05yung Supreme Court
10:06kung balit ba yung quorum
10:07o hindi.
10:07Kasi nagkakagulo eh.
10:08Pati yung mga tao
10:09sa social media,
10:11pati iba't ibang mga
10:12legal expert
10:13nagkakagulo sila.
10:14So at least
10:14nasa Supreme Court
10:15naman yung final say.
10:17Habang wala pang
10:18nakikitang solusyon
10:19sa girian
10:19sa liderato ng Senado,
10:21lumulutan ngayon
10:22ang pagkakaroon
10:23ng special session
10:24ng Kongreso
10:25para matapos
10:26ang ilang priority measures
10:27pati na rin
10:28ang nabimbing trabaho
10:30ng Commission on Appointments.
10:32I'm willing to talk
10:33to anyone
10:34including the 11
10:35to find common ground
10:36but ilalabang ko
10:38yung tama.
10:39Pati yung Senate Presidency.
10:40We're not going to give up.
10:42I plan to extend
10:44my hand
10:44to all the Senators
10:45whether majority,
10:47minority
10:47but of course
10:48in this case
10:48the new minority.
10:51Sandra Aguinalo,
10:53GMA News.
10:54Kabi-kabilang pagbaha
10:56bunsod ng walang tigil na ulan
10:58ang namerwisyo
10:59sa Visayas at Mindanao.
11:00Sa Cebu City,
11:01abot bewang ang baha
11:02sa bahagi ng
11:03Hakusalim Street.
11:05Matagal namang humupa
11:06ang baha
11:07sa bahagi ng
11:07Osmenia Boulevard
11:08dahil sa baradong drainage.
11:10Ligtas namang nakatawid
11:12sa rumaragasang ilog
11:13ang isang tricycle
11:14sa General Santos City.
11:16Landslide ang nagpahirap
11:18sa mga motorista
11:19sa Kalamansig,
11:21Sultan Kudarat.
11:22Ayon sa pag-asa,
11:24habagat
11:25at localized thunderstorms
11:26ang nagdudulot
11:27ng mga pag-ulan
11:28sa malaking bahagi
11:29ng bansa.
11:32Mga kapuso,
11:33asahan ng maulang weekend.
11:34Nasa Philippine Area
11:36of Responsibility pa
11:37ang Bagyong Esther.
11:38Sa 11pm bulletin
11:40ng pag-asa,
11:41nakataas ang signal
11:42number 1
11:42sa northern portion
11:44ng Batanes.
11:45Puning namataan
11:46ng bagyo,
11:46300 kilometers
11:47hilaga ng Itbaya.
11:49Taglay ang lakas
11:50ng hangin
11:50na 45 kilometers
11:51per hour,
11:52bugso nga abot
11:53sa 55 kilometers
11:54per hour
11:55at galaw
11:56na 15 kilometers
11:57per hour
11:57pahilagang silangan.
11:59Bukod sa bagyo,
12:00nagpa-paulad pa rin
12:01ang habagat
12:02sa northern
12:02at central Luzon.
12:04Base sa datos
12:05ng Metro Weather,
12:06posibleng ulanin bukas
12:07ang buong Luzon,
12:08ilang lugar sa
12:09Western Visayas
12:10at sa Mindanao.
12:12Asahan naman
12:12ang katamtaman
12:13hanggang malakas
12:14sa buhos ng ulan
12:14sa linggo
12:15sa buong Luzon
12:16lalo sa tanghali
12:18hanggang hapot.
12:19Patas din
12:20ang chance
12:20ng pulupulong
12:21pagulan
12:22sa Visayas
12:23at Mindanao.
12:24Sa Metro Manila,
12:25asahan bukas
12:25na mag-uumpisa
12:27ang ulan
12:27sa tanghali
12:28na posibleng
12:29tumagal
12:29hanggang hapot.
12:30Pusibleng
12:31tumagal
12:32hanggang gabi
12:32ang mga pagulan
12:33sa linggo.
12:35Pinag-aaralan
12:36ng Japan
12:36ang iba pang
12:37mga hakbang
12:38para mapadali
12:39ang visa application
12:40para sa mga Pinoy.
12:41Sabi ni Japanese
12:42Ambassador to the Philippines
12:43Endo Kazuya,
12:45malayo na
12:46ang narating
12:46ng relasyon
12:47ng Pilipinas
12:48at Japan
12:48at mahalagang
12:49bahagi nito
12:50ang people-to-people
12:51exchanges.
12:52Pula June 2024
12:53ay niluwagan na
12:55ng Japan
12:55ang kondisyon
12:56para sa multiple
12:57entry visa
12:58ng mga Pilipinong
12:59merong substantial
13:00level of income.
13:01Mula naman
13:02October 2024
13:03ay visa-exempt na
13:04ang mga Pinoy
13:05na may hawak
13:06ng diplomatic passport.
13:08Dahil sa pagdami
13:09ng visa application,
13:11nagbukos na rin
13:11ang Embahada
13:12ng Japan
13:13Visa Application Center
13:14at e-visa system
13:16para naman
13:16sa mga sasali
13:17sa package tours
13:18ng ilang travel agency.
13:20Sa tanong
13:21kung pwede na
13:22visa-free entry
13:22para sa mga Pinoy,
13:24sinabi ni Endo
13:25na kailangan itong
13:26dumaan
13:26sa kanilang
13:27maingat na pag-aaral.
13:29Kabilang daw
13:29sa mga konsiderasyon
13:30ay ang epekto nito
13:32sa lipunan
13:33at ekonomiya,
13:34public safety
13:35and security
13:35ng Japan.
13:38Actually,
13:39this is
13:41one of the most
13:42frequently
13:43asked questions
13:45against me.
13:46Our embassy
13:47has been
13:48making steady
13:51efforts
13:52to improve
13:53and streamline
13:54the application
13:56processes.
13:56We will
13:57continue
13:58to explore
13:59what
14:00better
14:01further
14:01measures
14:02may be
14:03possible
14:03going forward.
14:05As for
14:06the specific
14:06benchmark,
14:08that is not
14:08something I'm able
14:09to elaborate on
14:11as it touches
14:11upon the
14:13internal criteria
14:14of our
14:15screening
14:16process.
14:19data
14:20Ita sa dashcam ng Police Mobile sa Georgia, sa America, ang isang pickup truck na habang pakaliwa ay tinumbok ng
14:27isa pang pickup truck.
14:29Tumalsik ang lumikong pickup at ang sumalpok na sasakyan bumanggarin sa Police Mobile.
14:35Hagip sa dashcam ang pagtalsik dito ng batang sakay ng bumanggam pickup.
14:40Timala siyang nakaligtas at may konting sugat lang.
14:43Ayon sa polisya, may pananagutan ng lumikong pickup gayon din ang sasakyan na lula ng bata na hindi naka seatbelt.
14:56Nakapagpanotaryo na rao si Charmaine para kilalani ng kanyang name from Orange to Charmaine.
15:02Pero legal nga bang hakbang na yan? Usuhan natin ang diskusyon dito sa report ni JP Suryat.
15:10Naiinis naman ako, te, kasi parang hindi naman ako pinag-isipan.
15:13Ayon gusto ko sana ang pangalan ay Charmaine.
15:15Dahil kay Charmaine ay este Orange, nag-iusap-usapan tuloy ngayon sa tunay na buhay.
15:19Pwede bang palitan ang inyong pangalan?
15:21Ano yung pinagpapantasyahan mong name, dream name?
15:24Ann.
15:25Ann Cortez.
15:28Batay sa Republic Act 10172, na na-amienda sa naunang batas na RA 9048,
15:34pwedeng magpapalit ng first name kahit di na kumuha ng court order.
15:38Ipanotaryo natin niya.
15:39Pero hindi ka dideretso sa notaryo ha, kundi sa civil registrar ng lugar kung saan ka pinanganap.
15:46Dito gagawan ka ng verified petition kung saan maglalakit ng ebidensya o grounds.
15:51Sabi ng legal expert na nakausap namin, pwede nyo itong gawin.
15:54Basta meron kang makatwilang daylan kung bakit nyo kailangang palitan ang inyong pangalan.
15:59Ay, ang ganda no, no.
16:00Ang ground sa pagpapalit ng first name o nickname ayon sa RA 9048
16:05ay kung may kailangang itama, gaya ng maling spelling, o kung medyo nakakahiya itong pakinggan.
16:11Ang term ng batas is ridiculous.
16:14Halimbawa, or tainted with dishonor.
16:16Diba, syempre, mapapahiya ka, embarrassing.
16:18That is a ground to change your first name.
16:21Halimbawa, itong first name mo ay mahirap, extremely difficult to pronounce or spell.
16:27May point ka dyan.
16:28Dapat kasi, ginagawa nila ng paraan niya mga yan din.
16:31Pwede rin magpapalit kung kilala ka na ng lahat sa pangalang na pili mo o established na
16:36o kung marami kang kapangalan sa pamilya na maaaring makalito.
16:41Katulad niya, pinagamalam mo akong abogado, abogado naman baga.
16:45Paglilinaw rin ang abogado, aeste, abogado.
16:48Di ka pwedeng magpalit dahil ayaw mo lang ng pangalan mo.
16:51Eh, di maganda yan. Pati kami nadadamay sa'yo.
16:53O di ba, iket-ket ka naman.
16:55O ay kahit na.
16:55Maman, naasar ka lang sa pangalan mo or nagising ka kinabukasan.
16:59Gusto mo ikaw si Charmaine, ikaw si Ana, hindi pwedeng ganda.
17:05Lalong bawal yan kung balak mong tumakas sa krimet.
17:08Kaya kung wala raw sa grounds ang dahilan ni Orange.
17:12Pasensya na Charmaine, pero kung talaga namang wala kang ground palitan yan,
17:16magiging Orange ka talaga. Maganda naman ang Orange.
17:19O ay, anong ang gusto mong pangalan?
17:20O ay, gusto ko sana talagang pangalan ay Bernadette.
17:23Ay, ayaw ko na ganyan.
17:24JP Soriano, GMA News.
17:28At yan ang mga balitang dapat niyong malaman.
17:31Ito ang GMA News.
17:32Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
17:35Noon at ngayon, servisyong totoo.
17:37Ako po si Atom Raulio at ito ang State of the Nation.
Comments