00:00Isaka din ba sa mga dog owner na nawawala ang stress at pagod kapag nakikita ang inyong alaga?
00:07Yung tipong sa salubong at yakap pa lamang nila, maginhawa na ang iyong buong araw.
00:13Tulad na lamang ng sampung aso sa Davao Region na pumasa bilang Dr. Dogs ng DSWD at isang NGO.
00:21Kung paano sila makapapagaling, silipin sa sentro ng balita ni Regine Lanusa.
00:29Base sa pag-aaral ng isang unibersidad sa Utah, nakatutulong ang pag-google ng oras kasama ang isang therapy dog
00:36sa mga taong may karamdaman.
00:38Ang pagkikipaglaro sa aso ay nagpapalabas ng oxytocin o love hormone sa utak ng tao at aso.
00:45Dahil dito, nababawasan ang cortisol o stress hormone.
00:49Napapatibay ang social connection, napapababa ang blood pressure.
00:53At nakatutulong sa pagpapahinga ng isip at katawan.
00:57Dahil dito, isa ang mga aso sa nakikitang paraan ng isang non-government organization o NGO upang makatulong sa mga
01:04may mental health issues.
01:06Noong 2024, nakipagtulungan sila sa Department of Social Welfare and Development o DSWD-11 para sa Dr. Dogs sa ilalim
01:14ng Angel Pets Project.
01:16Layunin ang proyekto na maghanap ng mga asong maaaring sanayin bilang Dr. Dogs.
01:22Noong Hunyo 3, ngayong taon, nagsagawa sila ng temperament testing sa Home for Girls and Women sa Maadavo City sa
01:29labing tatlong aso.
01:30Tinitingnan dito ang pag-uugali at kahandaan ng mga aso para sa Animal Assisted Therapy Program.
01:36First, requirement namin is at least 2 years old yung aso kasi mature na siya.
01:42Hindi na siya yung puppy na sobrang harot, na makulit.
01:46Tapos basically, kung ano yung ugali niya, yun na yun, hindi na siya magbabago.
01:51Pangalawa, dapat po kapon yung kanilang mga dogs bago nila is-admit for temperament test.
01:58And then, yun, dapat mapasa po yung temperament test.
02:02Ayon sa DSWD-11, malaking tulong ang proyekto sa pagpapatibay ng emosyonal at mental na kalusugan ng mga kliyente sa
02:10mga residential care facilities sa buong bansa.
02:12Inaasahan din itong mapapalakas ang rehabilitasyon, social interaction at pangkalahatang kapakanan ng mga benepisyaryo sa pamamagitan ng positibong pakikipag-ugnayan
02:22sa mga Dr. Dogs.
02:23Maaring makatulong ang mga Dr. Dogs sa mga kabataang biktima ng pangaabuso, mga nakatatanda sa home for the aged, mga
02:30may karamdaman at iba pang may mental health issues.
02:33So, ang kalagan, para sa amin, yung pinaka-objective ng Angel Pets Project ay ma-uplift yung well-being ng
02:40ating mga clients na kin-cater dito sa ating programa.
02:44So, yung mga kliyente natin, ang target beneficiaries natin ay ang mga kliyente na nasa ilalim na pangangalaga ng DSWD
02:51sa iba't ibang centers across the country from Luzon, Visayas, and Mindanao.
02:55Sa kasalukuyan, may sampung aso ang nakapasa at sasa ilalim sa pagsasanay upang maging ganap na Dr. Dogs.
03:02Nagsimula ang Dr. Dogs program noong 1997 at nakatulong na sa mga senior citizens, pasyente at mga kabataang nangangailangan ng
03:11espesyal na pag-aaruga.
03:13Mula sa PTV Davao, Regine Lanuza, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments