00:00Inaasahang mas bibilis pa ang pagtugon ng mga otoridad sa mga emergency.
00:05Ito ay sa tulong ng karagdagang apat na Unified 911 Command Centers.
00:11Sa harap niyan, Philippine National Police may babala sa mga gagawa ng prank calls.
00:16Si Ryan DeSiguez sa Sentro ng Balita.
00:22Gamitin ng responsable ang emergency hotline ng bansa.
00:26Ito ang panawagan ng Philippine National Police o PNP matapos ang paglulunsag ng karagdagang apat na Unified 911 Command Centers
00:35sa bansa.
00:35Kabilang dito, ang mga bagong command centers sa Batak, Ilocos Sur, Tacloban, Salayte, Isabela at Leganes, Iloilo.
00:43Kahapon, pinangunahan ni PNP Chief, Police General Jose Melencio Nartates Jr.
00:48at PRO6 Acting Regional Director, Police Brigadier General Randolph Tuanyo ang pagbubukas ng command center sa Liganes, Iloilo.
00:57Sabi ni Tuanyo na ang activation ng kanilang command center sa Liganes ay magagamit sa mas mabilis na emergency response.
01:06Mapapalakas din daw nito ang kanilang law enforcement, fire, medical at disaster response sa kanilang rehyon at iba pa.
01:14Pakiusap ng PNP, wag gamitin sa prank call ang 911.
01:19Sa sistema na yan ay kapag tumawag ka tatlong beses prank call, ibablock ka na doon.
01:28At by that time na kailangan mo na ng totoong pangangailangan, nakablock ka na. Sorry.
01:34May kakibat din na pananagutan ang pang-abuso sa emergency line at maritong makaapekto sa mismong tumatawag kapag siya ay
01:43naharap sa isang tunay na krisis.
01:46We are fully committed na ang responses na ito ay magagawa namin sa kahit anong oras.
01:55At we are committed para ito po ay mas mabilis, mas tapat at nararamdaman ng ating kababayan.
02:03Sabi ng PNP, hindi lang nakadepende sa teknolohiya ang tagumpay ng Unified 911,
02:09kundi maging ang kooperasyon ng publiko kung kaya't mahalaga ang responsabling paggamit ng emergency hotline
02:16para makarating ito sa tunay na nangangailangan ng saklolo.
02:21Ryan Lisigues, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments