Skip to playerSkip to main content
Babala: Sensitibong balita na may kinalaman sa pagkasawi ng mga indibiduwal. Maging responsable at disente sa pagkomento. 


Patay ang pitong sakay ng tricycle matapos itong salpukin ng SUV sa San Juan, Batangas.


Ang isa sa mga nakaligtas, 2 taong gulang lang.


 24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patay ang 7 sakay ng tricycle matapos itong salpukin ng SUV sa San Juan, Batangas.
00:05Ang nahulikam na disgrasya, tinutukan ni Tina Panganiban Perez.
00:13Nakasunod ang coaster bus na ito sa isang SUV sa kahabaan ng National Highway sa Barangay Abong, San Juan, Batangas.
00:22Nang biglang, lumipat ng linya ang SUV pakaliwa at sinalubong ang isang tricycle.
00:29Sinubukan pang umiwas ng tricycle pero inabot pa rin.
00:34Sa lakas ng banggaan, tumalsik pa ang ilang sakay ng tricycle at nagulungan ng coaster bus.
00:59Bus na pasalubong yung mga passenger na tumalsik po.
01:07Wasak na wasak din ang tricycle na nayuping parang lata.
01:12Dead on arrival sa ospital ang limang sakay nito.
01:15Sinubukan pang gamutin ang dalawa pang biktima pero kalauna ay binawian ang buhay.
01:22Patuloy namang nagpapagaling sa ospital ang dalawang taong gulang na bata.
01:27Hawak na ng mga otoridad ang babaeng driver ng SUV at mahaharap sa asunto.
01:33Kakasuhan din ang driver ng coaster bus.
01:36Sinusubukan pa namin makuha ang kanilang panig.
01:39Tina Panganiban Perez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments

Recommended