00:00.
00:04Huling weekend bago ang balik eskwela, 24 oras ng bukas ang mga tindahan ng school supplies sa Divisoria sa Maynila.
00:11Ang presyo po ng mga gamit pang eskwela, sa Balitang Hatid ni Jomer Apresto.
00:19Hindi na nagsasara ang bilihan ng school supplies sa Ilaya Divisoria ilang araw bagong pasukan.
00:24Sa pwesto ng tinderang si Evelyn, shifting sa pagtitinda ang ginagawa nila.
00:29Sayang daw kasi kung magsasara pa, lalot inaasahang mas marami na ang mamimili ngayon ng school supplies.
00:34Although mas malakas po ang pangumaga, dahil talagang sa umaga, sa gabi rin kahit paano meron pa rin po.
00:40Kasi po mahirap din na mailigpit ito.
00:42At saka talagang minsan po sa gabi, yung mga biyahero po, ng mga manggulay, prutas, bumibili rin po sa amin.
00:49Pero kahit malapit na ang pasukan, hindi pa rin daw ganun kalakas ang bentahan ng mga ito.
00:53Kung presyo ang pag-uusapan, wala naman daw paggalaw dito sa ngayon.
00:57Nasa 20 pesos pa rin ang writing notebook, composition notebook, spiral notebook at yarn notebook.
01:03Kung gustong makatipid, mayroong mga bundle dito na nasa 180 pesos lang ang kada 10 piraso ng notebook.
01:08Ang pad paper, mabibili ng 35 pesos.
01:11Habang nasa 55 pesos ang intermediate pad paper.
01:14Mayroon din silang bundle para sa iba't ibang klase ng papel na nasa 120 pesos lang.
01:1940 pesos daw ang matitipid dito kumpara pagbinili ng hiwalay.
01:23Pasok ang presyo na mga yan sa inilabas na gabay sa pagbili ng school supplies ng Department of Trade and
01:28Industry.
01:29Sa price guide, hanggang 18 pesos ang kada piraso ng lapis.
01:32Hanggang 21 pesos naman ang kada piraso ng ballpen.
01:35Ang eraser, hanggang 20 pesos ang kada piraso.
01:38Hanggang 69 pesos naman ang sharpener o pantasa.
01:40Bukod sa murang school supplies, mayroon din dito mga black shoes na nasa 150 pesos ang pinakamura.
01:46Habang nasa 300 hanggang 500 pesos naman ang mga backpack.
01:50Sabi ng mga nagtitinda kung maraming bibilhin, may discount pa rin naman na makukuha sa kanila.
01:55Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
Comments