00:00At bago po ang pagdinig na yan, ay nagtulakan muna si Sen. Robin Padilla at Interior Secretary John Vic Remulia.
00:07Dahil umano yan sa tangkang huwag papasukin ang resource person ng Cayetano Block.
00:13At nakatutok live si Sandra Ginaldo.
00:17Sandra!
00:20Yes, Vicky, mula pakagabi hanggang ngayong araw ay nagkasubukan nga po ng puwersa ang dalawang grupo dito sa Senado.
00:29So yan po yung Gatchelian Block at Cayetano Block.
00:36Nagpangabot si na Sen. Robin Padilla at DILG Secretary John Vic Remulia sa hallway na ito ng Senado.
00:47Ang balyahang ito, bunsod ng kagustuhan ni Sen. Pia Cayetano na papasukin ang 18 ex-marines na panauhin sa pagdinig
00:56ng Blue Ribbon Committee ng Cayetano Block.
00:59Bagay na hindi rin pwede, sabi ng paksyon naman ni Sen. Sherwin Gatchelian.
01:07Ang nanaig ang grupo ni Padilla at Cayetano na nagtagumpay na makarating sa session hall kasama ang mga ex-marines.
01:14Pero bakit nga ba humantong sa isa na namang tensyonadong sitwasyon ng Senado?
01:19Ang ganitong pangyayari, epekto ng sigalot sa liderato ng Senado sa pagitan ng nagpakilalang paksyon ni Sen. Wynn Gatchelian na
01:28nagsasabing siya ang acting Senate President.
01:31At sa paksyon ni Sen. Alan Peter Cayetano na nagsasabing nananatili siyang Pangulo ng Senado.
01:37Ang dalawang kampo may kanya-kanyang Senate Blue Ribbon Committee.
01:41Ang kumite ni Sen. Erwin Tulfo ng Gatchelian Block.
01:44At kumite ni Sen. Pia Cayetano ng Cayetano Block.
01:47Kaya kagabi, minstulang labanan ng memo ang nangyari.
01:52Sa memo ni Cayetano, sinabi niyang may hearing ang Sen. Blue Ribbon Committee.
01:56Lahat daw ng Sen. official at personnel na assigned sa aktibidad ng mga kumite ay dapat magbigay ng full cooperation
02:04and assistance.
02:05Sa memo naman ni Gatchelian, sinabihan niya ang Sen. offices na work-from-home arrangement ang mga empleyado sa araw
02:12na ito.
02:12Nag-labas rin kagabi si Tulfo ng notice na kanselado ang public hearing ng Blue Ribbon ngayong araw.
02:19Pero giit ni na Cayetano, tuloy ang pagdinig ng kanilang kumite.
02:23Kaninang umaga, maagang dumating si na Cayetano at Gatchelian sa Senado.
02:27Si Cayetano, nasa loob ng session hall.
02:30At nag-inspeksyon sa paghahanda para sa kanilang pagdinig.
02:34Pero sa kanyang press con, iginiit ni Gatchelian, walang Senate hearing ngayong araw.
02:39Kaya walang resource person na papapasukin.
02:41Papadlak po ba ang session hall or any committee room para hindi nila magamit?
02:45Hindi naman ako, hindi ako mahilig sa mga padlak-padlak.
02:51Basta sundan lang yung protocol.
02:54So ibig sabihin, may mga protocols tayo for security.
02:57For example, kung walang hearing, di walang resource persons.
03:04So, wala rin mga arrangements kung walang hearing.
03:08Kasi wala naman officially hearing today.
03:10So, ano po yung aktuan na mangyayari o gagawin kapag ka po sila ay dumating?
03:15I cannot speculate, NIMFA, pero our position ay walang hearing today.
03:20Ang presensya ng Rimulya sa Senado dahil daw sa hiling ni Gatchelian.
03:25Personally, ako umingi ng tulong kay Sekretary Rimulya para masigurado natin na ang premises ng Senado ay laging protectado at
03:35orderly.
03:36Pero ang patigasan ng dalawang panig na sumok kanina.
03:40Nang dumating sa Senado ang mga inimbitang resource person ng Cayetano Block.
03:45Paliwanag naman ng Rimulya.
03:47Palabas umano siya noon nang biglang nakasalubong ang grupo ni Napadilla at ng ex-marines.
03:52At wala umano siyang planong mangarang.
03:55I have to protect myself kasi siguro they were nga 50 sila eh.
03:59I wouldn't say tinulak niya ako pero siya yung nasa harap ko.
04:02Nung parang isang wave ng tao biglang nasa harap ko.
04:06Nagulot na na ako eh.
04:08Kung hindi ako, kung hindi matibate ba yung katawan ko, nahulog na ako noon eh.
04:14Paliwanag niya, nasa Senado siya para tumulong sa kaayusan sa labas ng Senado dahil sa mga rally.
04:20Nakipagugdayan din daw siya dahil pinatawag daw ng Cayetano Block si dating DPWH engineer Bryce Hernandez
04:26na nasa ilalim ng kustudiya ng BJMP na nasa ilalim naman ng opisina ni Rimulya.
04:32There was a summon of the Sandigan Bayan na para iproduce si Bryce Hernandez dito.
04:37Nag-order yung Old Blue Ribbon Committee.
04:41So kanina pinakita niya sa akin na yung new Blue Ribbon Committee sumulat na sa Sandigan Bayan
04:47na they no longer recognize the request.
04:52Nakapasok man sa loob ng session hall ang grupo ni Cayetano, wala naman ang staff ng Blue Ribbon Committee.
04:58Bagay na pinunaan ang grupo ni Cayetano.
05:00Walang staff so you can take the chairs over there, over here.
05:05May I remind that you got our own employees.
05:07Pagka tinitarap niyo or dinisturbed or pipigilan niyo yung ating hearing, yan po ay criminal offense.
05:18Pinag-aaralan daw ng grupo ni Cachillian ngayon ang pagsasagawa ng special session
05:23para aksyonan ang mga nabimbing trabaho sa dalawang araw na hindi nagsesyon.
05:28Sinabi rin niyang siya ang magiging presiding officer ng impeachment court na nilitis kay VP Sara Duterte.
05:35Ayaw ang magpapreside.
05:36When will this happen, sir?
05:37I have to consult with the clerk of court kung ano yung mga procedures.
05:44But definitely pagbukas ka lang mag-oath.
05:47Plano rin daw niyang makipag-ayos sa grupo ni Cayetano.
05:51I plan to extend my hand to all the senators, whether majority, minority, but of course in this case, the
05:58new minority.
05:59Pero tilang walang planong makipag-ayos sa ngayon si Cayetano.
06:04Sino ang susundin niyo? Yung peke na acting Senate President o yung sinasabi ng ating konstitusyon na Senate President?
06:21Vicky, maaasaha na hindi ito yung huli na magkakasubukad ng kapagyarihan ng dalawang grupo na ito.
06:27Lalo na nagsabi yung grupo ni Cayetano na maaaring magsagawa sila ng susunod pang hearing.
06:32At yung kay Gatchalya naman, sila ay pinag-aaralan po nila kung sila ay magsasagawa ng special session.
06:38Vicky?
06:39Maraming salamat sa iyo, Sandra Aguinaldo.
Comments