Skip to playerSkip to main content
Dalawang Senado na may dalawang Blue Ribbon Committee. Ganiyan ang lumalabas ngayong parehong iginiit ng mga paksyon nina Sen. Win Gatchalian at Sen. Alan Peter Cayetano ang kontrol sa Senado.


Nagkasubukan nang ituloy ni Cayetano ang pagdinig sa flood control scandal na ni-reschedule na ng Gatchalian bloc sa Lunes.


Ilang pulitiko at personalidad naman ang pinangalanan ng 18 nagpakilalang dating sundalo na hinatiran umano nila ng male-maletang pera, at kabilang daw diyan si Pangulong Bongbong Marcos, Sen. Tito Sotto, at ang iniluklok ng Gatchalian bloc bilang chairman ng Blue Ribbon Committee na si Sen. Erwin Tulfo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magandang gabi po Luzon, Visayas at Mindanao.
00:04Dalawang Senado na may dalawang Blue Ribbon Committee.
00:08Ganyan ang lumalabas ngayong parehong iginiit ng mga paksyon ni na Sen. Wynne Gatchalian at Sen. Alan Peter Cayetano ang
00:16kontrol sa Senado.
00:18Nagkasubukan ng ituloy ni Cayetano ang pagdinig sa flood control scandal na nilischedule na ng Gatchalian Block sa lunes.
00:25Ilang politiko at personalidad naman ang pinangalanan ng labing walong nagpakilalang dating sundalo na hinatiran umano nila ng maliang maletang
00:34pera.
00:35At kabilang daw dyan, si Pangulong Bongo Marcos, Sen. Tito Soto at ang iniluklok ng Gatchalian Block bilang chairman ng
00:42Blue Ribbon Committee na si Sen. Erwin Tulfo.
00:46Nakatutok live si Ian Koo.
00:49Ian?
00:52Vicky, Emil, Pia, kabila nga daw sa pinuntahanan nitong mga dating sundalo para maghatid ng mali-maletang pera ang ilokos
01:00kung saan nakita pa raw nila roon ang ilang miyembro ng first family.
01:06Blue Ribbon Committee hearing is now called to order.
01:09Bago mag-alas 10 sa umaga, pinangunahan na ni Sen. Apia Cayetano ang pagdinig.
01:14Ang mahirap na pagpasok ng resource person ang isa sa agad na ipinunto niya.
01:19Nagulat na lang ako na nakita ko doon si Secretary John Vic Romulia.
01:24Tinaharang ako.
01:26I never thought the day would come that somebody would prevent me from entering the Senate.
01:32May isa pa raw kasabay na pagdinig si Sen. Apia Cayetano sa Committee on Ways and Means.
01:36Kaya ipinasan na nito kay Sen. Rodante Marcoleta na isa niyang vice chairman ang pamumuno sa pagdinig.
01:42Pinunan ni Marcoleta na wala ang inimbitahan si dating speaker Martin Romualdez, pati na ang mga aid nito, gayon din
01:49ni dating congressman Zaldico.
01:51Pero nasa bulwaga ng mga dating sundalo na naging tauhan ni dating congressman Zaldico kasama si Atty. Levy Baligod.
01:58Ang hindi po sasabihin ngayon ay magiging record na ng kasaysayan ng Senado at kasaysayan na rin ang ating bansa.
02:07Hindi naman ang natiling parang naratibo lamang.
02:12Wala ang mga taga Blue Ribbon Committee sekretaryat.
02:15Kaya si Sen. President Cayetano na ang nanguna sa pag-take ng oath ng resource persons.
02:21May punto rin naputol ang live feed ng Senado.
02:24Dati na nagsalita ang mga dating sundalo ukol sa pagdedeliver ng mali-malitang pera na bahagi ng pondo mula sa
02:31mga substandard o ghost flood control projects at iba pang infrastruktura.
02:36Ang kanilang affidavit na isumite na rin nila sa Office of the Ombudsman, nagbigay ng kopya sa komite si Atty.
02:43Baligod.
02:43Sa pagdiling ng paksyon ni Cayetano, sinabi ng mga dating sundalo na nagsimula ang pagdedeliver ng mali-malitang pera mula
02:50ng maupo bilang Appropriations Committee Chairman si dating Congressman Zaldico hanggang sa mawala ito sa puder.
02:57Ayon sa isa sa kanila, tatlo hanggang apat na beses kada linggo sila nagdedeliver ng malitang may pera na hindi
03:04bababa sa dalawampung maleta.
03:06Ibat-iba raw ang sukat na mga maleta.
03:09Gano ba ang laman nung tinatawag niyong small?
03:12Yung small, your honor, is naglalaman po ng 20 to 25 milyon.
03:21Yung medium?
03:22Yung medium po is 40 to 50. Then yung large po, 50 to 70 po.
03:31Ilang personalidad ang nabanggit nilang tumag-umano ng mali-malitang pera.
03:36Sir, si dating speaker Martin Romaldes po.
03:42Meron po kaming video at saka mga pictures, your honor.
03:45Nakapaghatid pa raw sila sa Ilocos.
03:48Para kanino naman yung dinalan ninyo?
03:51Ang narinig ko po nun, sir, para kay President Marcos.
03:57Narinig mo lang, baka naman eh, baka naman hindi ito mong totoo yung...
04:03Kasi nandun ka ba nung i-deliver?
04:06Kami po kasi yung nagdala doon sa Delta Getser at si Sergeant Tumay po ang kasama ni Boss Aldi na
04:12pumunta doon sa Ilocos.
04:13Si Senadora Aimee Marcos sa Kapitid ng Pangulo ang umusisa upo sa delivery ng maleta sa Ilocos.
04:19May mga retrato pa ng aeroplano?
04:23Yung nag-receive lang po kung sino po doon sa Pauay pong nag-receive po.
04:29Alam ninyo yung address o yung bahay kahit barangay lamang?
04:35Your Honor, hindi po kasi gabi po kami dumating ni Kong Saldi doon sa area po.
04:41Ani Tube.
04:42Ang pinuntahan nilang bahay ay tabing tubig pero hindi niya chak kung lawa ito o dagat.
04:47At doon ma'am sa little view na bahay ma'am kasi nakikita ko po yung mga picture nung dating
04:52president po na si Marcos din po.
04:57May picture din po sila ng family din po.
04:59Then yung room po may mga, yung telepono po kasi may mga pangalan po ng mga anak niya at saka
05:04ni...
05:04So nakapasok pala kayo?
05:06Tinanong pa ng Senadora kung may nakita ba silang opisyal sa Ilocos.
05:10Si Kong Sandro, then next po si president, then si first lady po yung dumating nag-dinner po sila ni
05:16Kong Saldi.
05:17Binasa ni Sen. President Alan Peter Caetano na nakasaad sa affidavit ng mga dating sundalo na kasama sa nahatiran ng
05:24maleta si Sen. Tito Soto noong panahon ng kampanya noong 2024.
05:29Nagulat ako dito po sa letter E42, nakalagay dito, nag-deliver kay Sen. Tito Soto.
05:36In-advise na kami ng team leader namin na mag-proceed na sa building ni Tito Soto sa Baklaran.
05:43So after lunch, nandun na po kami.
05:47Inungkat din ni Kayetano kung bakit nakasama sa listahan si Sen. Erwin Tulfo.
05:52Nakapag-deliver po ko doon kay Sen. Erwin Tulfo ng dalawang bisis.
05:57Yung una po, dalawang maleta, tapos yung pangalawa po, anim.
06:01Ano yung dalawang maleta? Anong size?
06:03Malit na po. Small tsaka medium siguro.
06:06Maraming mambabatas din ang nabanggit na karamihan mga prominenteng figura sa mga imbisigasyon
06:12ukol sa mga confidential funds si Vice President Sara Duterte,
06:15kabilang na si Bicol Saro Representative Terry Redon.
06:19Si Terry Redon, sir. Nakita ko, sir, yung sasakyan niya, BMW yun, sir.
06:26Terry Redon, yung congressman ngayon?
06:29Yes, sir.
06:30Ilang maleta naman ang binigay mo?
06:32Isang maliit din, sir.
06:33Dawit din daw, pati na, mga miyembro ng Makabayan Block.
06:37At si ML Partylist Representative Leila de Lima.
06:41Kasama rin daw sa nahatiran ng pera si Father Flavi Villanueva,
06:45na kinilang tumutulong sa pamilya ng biktima ng extrajudicial killings noong panahon ng war on drugs.
06:50Si Father Flavi ay hinatiran ko ng pera doon sa Minadao Ab.
06:59Isang sobre yun, sir.
07:00Nakalkal din pati ang mga imbisigador mula sa International Criminal Court na dumating sa bansa
07:06na inasistlihan rin daw ng mga dating sundalo kasama ang isang aid ni dating congressman Zaldico.
07:12May delivery rin daw kay dating DOJ USEC, Jojo Cadiz, noong December 2 at 5.
07:19Inalmahan naman ang mga dating sundalo ang binasang report ni Senate President Alan Peter Cayetano
07:24tungkol sa sinabi ni NBI Director Melvin Matibag na binayaran daw ni dating congressman Mike Defensor
07:30ang mga dating sundalo ng 5 milyon pesos para sa kanilang pagtestify.
07:36Ang pamilya namin ngayon gutong. Bakit? Dahil sa ginawa namin.
07:41Totoo.
07:43Kasi itong ginawa namin hindi ito bang sarili para sa bayan nito.
07:47Kaya tuwag niyong sabihin na na tumanggap kami ng 5 milyon.
07:51Pagpalit yung dignidad namin bilang isang dating sundalo.
07:55Hindi po totoo yun kasi ako po, nagkaroon po ng tumor yung kapatid ko.
08:02Actually, namatay po siya ngayon eh.
08:04Kanina, yung kapatid ko.
08:07Sorry po.
08:11Namatay po siya kanina.
08:14Ngayong araw na ito?
08:15Yes po.
08:16Patuloy pang kinukuha ng GME News,
08:18ang panig na mga nabanggit na mga dating sundalo.
08:25Pia, umaasa naman sino Sen. Alan Peter Quetano at Rodante Marcoleta
08:31na hindi ito ang huling araw ng pagdinig ng Blue Ribbon Committee
08:35ukol nga sa flood control la scandal.
08:37Marami pa raw kasing dapat busisiin,
08:39lalo na sa iba't iba pang mga ebidensya at detalye
08:42ukol sa mga i-deliver na mali-maletang pera.
08:45Ang bagong mayorya naman,
08:47tinawag na bogus at iligal ang pagdinig
08:51na isinagawa ng kampo ni Quetano.
08:53Yan ang latest mula rito sa Senado.
08:55Balik sa iyo, Pia.
08:57Maraming salamat, Ian Cruz.
08:59At abangan po, maya-maya lamang
09:01ang reaksyon ng mga nabanggit na pangalan
09:03sa pagdinig ng paksyon ni Sen. Alan Peter Quetano.
Comments

Recommended