00:00Tiniyak ng Pilipinas ang patuloy na pinaigting ng pakikipagtulungan sa United Nations Member States para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at
00:10rules-based international order.
00:12Ito ay sa kabila ng kabiguan ng bansa na makakuha ng non-permanent seats sa United Nations Security Council.
00:19Ayon kay Foreign Affairs Secretary Maria Teresa Lazaro, nire-respeto ng Pilipinas ang desisyon ng UN Member States.
00:27Nagpaabot din ng pagbati ang bansa sa Kyrgyzstan na nakakuha ng pwesto sa ginawang butohan.
00:35Nagpasalamat naman aniya ang Pilipinas sa international community na sumuporta sa ating kampanya na nakaangkla umano sa matagal ng pagsusulong
00:44ng bansa sa kapayapaan, international law at pakikipagtulungan sa ibang mga bansa.
00:50Ang mga prinsipyo aniya na ito ay patuloy na isasakatupara ng Pilipinas para sa pagkakaroon ng maunlad na global community.
Comments