Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00As Ibang Balita, nabalian sa paa ang isang rider matapos sumalpok ang minamanehong motosiklo sa pick-up sa Bulacan.
00:07Ang nahulikam na disgrasya sa pagsaksi ni Jamie Santos.
00:15Wasak na wasak at hindi na mapapakinabangan ang motosiklong ito matapos sumalpok sa isang pick-up nitong linggo ng gabi.
00:23Sa CCTV footage na nakuha ng GMA News, makikita ang isang tricycle na sinusunda ng isang pick-up sa kahabaan
00:31ng National Highway sa Barangay Guyong, Santa Maria, Bulacana.
00:34Mabaga lang ang kanilang takbo hanggang sa huminto ang tricycle kaya naman nagpreno ang kasunod na pick-up.
00:41Maya-maya, makikita ang humaharurot ng motosiklo hanggang tuluyang sumalpok sa pick-up.
00:47Sa lakas ng impact, bumagsak ang rider.
00:50Sa inisyal na investigasyon ng Santa Maria Municipal Police Station, rider ang may kasalanan sa insidente.
00:57Kung mapapansin niyo sa video, ang pick-up po ay medyo dahan-dahan at pumreno na.
01:03Samantalang ang rider natin ay dire-direcho at wala hong bakas ng paghinto at pagpreno, paggamit ng preno.
01:10Ang kalsada po kasi natin doon, ma'am, marami pong traffic jam po doon.
01:14Hindi ho ganun dapat kabilis magpatakpo po doon at isa pa may mga ibang ginagawang kalsada.
01:20Kaya ho, kung mapapansin niyo din po sa video, talagang ang makikita natin at malinaw po na ang may pananagutan
01:29ay ang mismong rider natin.
01:30Agad naman daw na itakbo sa ospital ang rider at kinailangan sumailalim sa operasyon dahil sa bali sa paa.
01:37Nagtamu rin siya ng sugat sa noo.
01:40Nagkausap na raw ang dalawang panig at lumagda ng kasunduan sa barangay.
01:44Paalala naman ang mga otoridad sa mga motorista.
01:47Maging matalas po ang ating isip.
01:49Tignan po natin na maayos po ang ating pakiramdam bago po tayo humawak ng manobela o sumakay sa anumang motor.
01:56At magsuot po ng protective gear, lalo na po yung helmet, yung full-face helmet po.
02:00Para yun po ang magliligtas sa ating buhay.
02:04Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments

Recommended