Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inimbitahan ng Blue Ribbon Committee na pinamumunuan ni Sen. Irwin Tufo, si Atty. Levito Baligod at ang 18 nagpakilalang dating
00:07sundalo para sa kanilang pagdinig sa Lunes.
00:10Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng Cayetano Block kanina, pinanglanan ng mga dating sundalo ang mga tumanggap-umano na
00:17mga maleta ng pera.
00:18Ang mga inakusahan, mariing itinanggi ang paratang.
00:22Saksi, si Ian Cruz!
00:27Matapos ang tatlong araw na hindi pagdalo sa sesyon sa Senado, present ngayong araw si Sen. Alan Peter Cayetano na
00:35nanindigang siya pa rin ang Sen. President.
00:37Siyang nanguna sa pagpapanumpa sa mga resource person na dumalo sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ng kanilang paksyon.
00:45Wala kasi ang mga taga-sekretaryat ng kumite.
00:50Ang chairperson na si Sen. Pia Cayetano may kasabay raw na pagdinig sa Committee on Ways and Means kaya ipinasan
00:58niya ang pangunguna sa pagdinig kay Sen. Rodante Marcoleta.
01:02Pino na ni Marcoleta na wala si dating Speaker Martin Ramualdez, pati na ang mga aid nito, gayon din ni
01:09dating Congressman Zaldico.
01:11Ang humarap sa pagdinig, ang mga dating sundalo na naging tauhan umano, idating Congressman Zaldico.
01:18Kasama nila abugadong si Atty. Levy Baligod.
01:21Ayon sa mga dating sundalo, nagsimula ang pagde-deliver ng mali-maletang pera mula ng maupo bilang House of Operations
01:28Committee Chairman si Coe hanggang sa mawala siya sa puder.
01:32Sabi ng isa sa kanila, tatlo hanggang apat na beses kada linggo sila nagde-deliver ng maletang may pera.
01:38Gano ba ang laman nung tinatawag niyong small?
01:43Yung small, your honor, is naglalaman po ng 20 to 25 milyon.
01:51Pesos?
01:52Pesos po, your honor.
01:53Yung medium?
01:55Yung medium po is 40 to 50. Then yung large po, 50 to 70 po.
02:03Ilang personalidad ang nabanggit nilang tumanggap umano ng mali-maletang pera.
02:08Si dating speaker Martin Romandes po. Meron po kaming video at saka mga pictures.
02:16Nakapaghatid rin daw sila sa Ilocos.
02:18Para kanino naman yung dinalan ninyo?
02:21Ang narinig ko po nun sir, para kay President Marcos.
02:28Narinig mo lang, baka naman eh, baka naman hindi ito pong totoo yung, kasi nandun ka ba nung i-deliver?
02:37Kami po kasi yung nagdala doon sa Delta Getser at si Sargent Tumay po ang kasama ni Boss Aldi na
02:42pumunta doon sa Ilocos.
02:43May mga retrato pa ng aeroplano?
02:45Ah, yung nag-receive lang po kung sino po doon sa Pauay po ang nag-receive po.
02:53Alam ninyo yung address o yung bahay kahit barangay lamang?
02:59Ah, yun ronan, hindi po kasi gabi po kami dumating ni Kong Saldi doon sa area po.
03:05Ayon kay Belnard Tube, tabing ilog ang pinuntahan nilang bahay.
03:10Pero hindi niya chak kung lawa ito o dagat.
03:12At doon ma'am sa, ano, sa Litter U na bahay ma'am kasi nakikita ko po yung mga picture
03:16nung dating president po na si Marcos din po.
03:22May picture din po sila ng family din po.
03:25Then yung room po, may mga, yung telepono po kasi may mga pangalan po ng mga anak niya.
03:29So nakapasok pala kayo?
03:31Yes po.
03:32Tinanong pa ni Senadora Amy Marcos kung may nakita ba silang opisyal sa Ilocos.
03:37Si Kong Sandro, din na next po si President, din si First Lady po yung dumating nag-dinner po sila
03:43ni Kong Saldi.
03:43May dala kayong mga maleta. Iniwanan ninyo doon?
03:47Yes po yun.
03:47Kanino po?
03:49Nag-receive po ma'am si Kong Sandro na po eh.
03:53Binasa ni Cayetano na nakasaad sa affidavit ng mga dating sundalo na kasama sa nahatira ng maleta si Senador Tito
04:01Soto noong panahon ng kampanya noong 2024.
04:04Nag-ulat ako dito po sa letter E42, nakalagay dito, nag-deliver kay Senador Tito Soto.
04:11Inadvise na kami ng team leader namin na mag-proceed na sa building ni Tito Soto sa Baclaran.
04:18So after lunch, nandun na po kami.
04:21Inungkat din ni Cayetano kung bakit nakasama sa listahan si Senador Erwin Tulfo.
04:27Nakapag-deliver po ako doon kay Senador Erwin Tulfo ng dalawang bisis.
04:32Yung una po, dalawang maleta tapos yung pangalawa po, anim.
04:36Ano yung dalawang maleta? Anong size?
04:38Malit na po, small at medium.
04:41Maraming mambabatas din ang nabanggit na karamihan mga prominenteng figura sa mga investigasyon ukol sa mga confidential funds.
04:49Di Vice President Sara Duterte, kabilang na si Bicol Saro Representative Terry Ridon.
04:55Si Terry Ridon, sir. Nakita ko, sir, na yung sasakyan niya, BMW yun, sir.
05:03Terry Ridon, yung congressman ngayon?
05:05Yes, sir.
05:06Ilang maleta naman ang binigay mo?
05:07Isang maliit din, sir.
05:08I-dinawit din nila ang ilang miyembro ng Makabayan Block at si ML Partylist Representative Layla Dilima.
05:16Yung pagkabanggit nyo kay congresswoman Layla Dilima, kasama siya sa mga congressmen ng 19 Congress.
05:26Hindi pa siya congresswoman noon eh.
05:29Bakit siya kasama rito dun sa listahan ninyo sa paragraph 43?
05:33Yan po yung siguro po may lapses po kami dyan kasi your honor nung nag...
05:40Napagkamala nyo siyang congresswoman nung panahon na yun?
05:43Nung congresswoman, nung panahon na yun, your honor, hindi pa po siya kong kongresista.
05:49Pero yung namimit na po kami ni Atty. Baligod, kong kongreswoman na po kasi siya.
05:54Kasama rin daw sa nahatira ng pera si Father Flavi Villanueva,
05:58na kilalang tumutulong sa pamilya ng biktima ng extrajudicial killings noong panahon ng war on drugs.
06:06Ang palasyo, hinamon ang mga nag-akusa sa Pangulo na patunayan ang mga aligasyon.
06:13Pakita mo na nila yung ebidensya, madali kasi magturo.
06:15Tinawag naman ni Sen. Tito Soto na Bogos Investigation in Aid of Restabilization ang pagdinig.
06:22Kanya, ang nabanggit na pangalang Mark na umano yung executive assistant niya na tumanggap ng pera,
06:29ay namatay noon pang 2015.
06:32Binigyang diin niyang hindi pa siya senador mula 2022 hanggang 2025.
06:37Pumalag din si Sen. Erwin Tulfo sa akusasyon sa kanya ng isang Bernard Gumban.
06:43Kasinungalingan daw ito, kaya kahit si Gumban ay nalilito.
06:47Partikular niyang pinuna ang paiba-iba umanong bilang ng maleta at halagang laman nito na binanggit ni Gumban.
06:54Pinuna rin ni Tulfo ang pagpili lang na mga binanggit kahit marami umanong nasa unang affidavit.
07:01Ang ibang ang binanggit kanina, wala umano sa unang affidavit.
07:05Hamon pa ni Tulfo, magkita-kita na lang sa lehitimong Blue Ribbon Committee hearing.
07:11Kabilang alabing walong marinsa inibitahan ni Tulfo sa pagdinig sa lunes.
07:16Si Tulfo ang chairman ng Blue Ribbon Committee sa kabilang paksyon.
07:21Itinanggirin ni dating Sen. Antonio Trillanes IV ang mga aligasyon.
07:25Pag didiin ni Trillanes, hindi siya tumanggap ng pera mula sa dating mamabatas na si Saldico para ibigay sa ICC
07:33o sa anumang rason.
07:35Dahil daw dito, kaya muling maghahain ang kaso si Trillanes.
07:40Dati na rin sinabi ng ICC na di sila tumanggap ng pera kanino man, kauglay ng mga kaso dito sa
07:46Pilipinas.
07:48Itinanggirin ang mga kongresistang binanggit ang mga aligasyon.
07:51Kasi nungalingan po, yung sinasabi po ni Jolin Cadiao, kahit anong panahon, sa kahit anumang lugar, wala pong diniliver sa
08:01akin na kahit anumang maleta.
08:04Wala kami ang transaksyon na maaari ko siyang bigyan o maaari niya akong bigyan ng pera.
08:11Itong ginagawa po nila ay para lamang i-discredit yung mga miyembro ng prosikusyon.
08:17Ngayon, sinasabi naman nila, binigyan daw ako sa townhouse. So dito kitang-kita na yung pagsisinungaling nila.
08:24Sabi naman ni Congressman Pepito Alvarez, ang pagdawid sa kanya ay posibleng may kinalaman daw sa hindi niya pag-endorso
08:32sa impeachment complaint laban sa Pangulo.
08:35Si Mike Defensor nagpadala sa akin ng impeachment ni Pangulo. Ako yung unang, nandito sa cellphone ko, gusto niyo makita.
08:43Na kung maaari daw, i-endorso ko. Eh nung hindi ko in-endorso, bigla na lang ako nagkapangalan dito.
08:51Ayon naman kay Congresswoman Jervie Luistro.
08:55Layon lang ng aligasyon na sirain ang kanyang kredibilidad.
08:58Muli rin iginiit ni Congresswoman Layla D. Lima na wala siyang tinanggap na pera, mapasamaleta man, paper bag o anuman.
09:08Nagkakabuhol-buhol na anya ang paratang laban sa kanya dahil imbento lang umano ang mga aligasyon.
09:15Tinawag naman ni Congressman Zia Adyong na political theater at pamumulitika ang ginagawang ito laban sa kanila.
09:23Naniniwala rin siyang sinadya ito para maging distraction sa papalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
09:31Sa pinagsamang pahayag ni na dating representatives, Franz Castro, Arlene Brosas at Raul Manuel,
09:39tinawag nilang nakakahiyang kasinungalingan ang mga pahayag laban sa kanila.
09:44Walaan nila silang anumang proyektong pang-imprastruktura na inirekomenda o ipinanukala.
09:50Tugo naman ni dating Congressman Ace Barbers sa korte na lang daw magpaliwanag ang mga dating sundalo.
09:57Political destabilisasyon umano ito para malihis ang atensyon ng publiko sa impeachment ng Vice.
10:04Kahapon ay naghahain ng reklamang cyber libel sa Justice Department si Iloilo Representative Julian Baronda
10:11laban sa labing walong nagpakilalang ex-Marines at sa kanilang abugadong si Attorney Baligod.
10:17Sabi pa ng kampo ng mamabatas, ang karapatan sa malayang pamamahayag ay hindi sumasaklaw sa anilay
10:24sa dyang paglikha ng mga gawagawang aligasyon na ang tanging layunin ay sirain ang reputasyon ng iba,
10:31iligaw ang publiko at pahinain ang tiwala sa public institution.
10:36Sinusubukan pa namin kunan ng pahayag ang iba pang mamabatas na pinangalanan ng mga nagpakilalang dating sundalo.
10:43Ako si Ian Cruz, ang inyong saksi.
Comments

Recommended