00:00Mga negosyanteng Pilipino, binigyan ng pagkakataon na mapalawak ang kanilang negosyo sa China.
00:06Ito ay sa idinaos na 66th Beijing Franchise Expo.
00:10Silipin natin yan sa Sentro ng Balita ni PTV Stringer Mark Fitalco.
00:16Sa layuning mapalawak ang ugnayan sa Pandaigdiga Merkado,
00:21lumahok ang Pilipinas sa 66th Beijing Franchise Expo
00:25na ginanap sa China National Convention Center sa Beijing.
00:28Pinag-uugnay ng Expo ang mga franchisors sa mga potensyal na franchisee at business partner
00:35upang mapalawak ang mga brand at makalikan ng mga oportunidad sa pamumuhunan at pagnenegosyo.
00:42Kabilang sa franchise sectors na itinampok sa Expo ang food and beverage, retail, fashion at iba pa.
00:49Ayon kay Glenn Peñaranda, PTIC Beijing Commercial Counselor,
00:54isa pa sa mga layunin ng Pilipinas sa paglahok sa Expo,
00:58ay makahikayat ng mga negosyo at kumpanya na mamuhunan sa bansa.
01:02We hope to build more bridges with our Chinese counterparts
01:07para hindi lang siguro mag-makita yung mga pa-oportunidad na ma-expand pa yung ating franchisee dito
01:16at saka i-invite natin sila na pumunta sa Pilipinas.
01:21Binigandiin din niya ang kahalagahan ng patuloy na pakikipag-ugnayan sa Chinese counterparts
01:27sa sektor ng pag-inegosyo, lalot itinuturing na pinakamalaking trading partner ng Pilipinas ang China.
01:34Bukod sa mga exhibition booths,
01:36tampok din sa Expo ang World Franchise Council meeting
01:39kung saan nakibahagi rin ang Philippine Franchise Association o PFA.
01:44Ayon kay PFA Director for International Relations, Chris Lim,
01:48bukod sa makakuha ng best practices sa China,
01:51layon din nilang mahikayat ang Chinese brands na i-explore ang Pilipinas
01:56bilang gateway ng franchising sa buong Southeast Asia.
02:08Hinikayat naman ni PFA Executive Director Jake Santos
02:12ang mga Pilipinong nais mag-negosyo na subukan ang industriya ng franchising.
02:17Kasabay nito ay pinayuhan niya ang publiko
02:20na tiyaking lehitimo at miyembro ng PFA
02:22ang kumpanyang nais nilang salihan.
02:25Sa paglahok ng Pilipinas sa Beijing Franchise Expo,
02:29inaasahang mas maraming oportunidad ang magbubukas
02:32hindi lang sa ekonomiya ng Pilipinas
02:34kundi para sa mga ordinaryong Pilipino.
02:37Mark Vidalco, Beijing, China.
Comments