Skip to playerSkip to main content
  • 5 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong June 3, 2026

- Senate minority: dapat nang mag-resign si Alan Peter CAyetano bilang Senate President; Senate majority, 2 araw nang wala sa sesyon | Senate Pres. Cayetano, bababa bilang Senate President kung mayroon nang 13 senador ang minority | Senate Pres. Cayetano: Ginamit ng majority ang Senate Rules para hindi raw maagaw ang mga komite at para matuloy ang pagdinig ng Blue Ribbon Committee bukas | Senate minority, itinangging hinahadlangan nila ang Blue Ribbon Committee hearing; binigyang-diin ang mga panukalang hindi makausad dahil walang sesyon | Senate minority, pag-aaralan kung mapapanagot ang majority senators sa hindi pagdalo sa sesyon | Sen. Raffy Tulfo kay SP Cayetano: Pumunta ka sa sesyon mamaya. Kung hindi, duwag ka | SP Cayetano, sinabing nagkaproblema raw sa kuryente sa GSIS Building kaya namatay ang aircon sa Senate session hall | SP Cayetano sa Senate minority: namemersonal kayo | Sen. Erwin Tulfo: Kinausap kaming Tulfo brothers, Sen. JV Ejercito, at Sen. Lito Lapid para lumipat sa majority

- VP Sara Duterte: "Ginagamit ang mga institusyon ng gobyerno at ang pera ng taumbayan laban sa anumang oposisyon"

- Pagpapabasura ni VPSD ng impeachment complaint laban sa kaniya, pinalagan ng House Prosecution team | Atty. Tamase: Hindi puwedeng ibasura ng Senate impeachment court ang impeachment complaint nang walang paglilitis, ayon sa Saligang Batas | House Prosecution team sa sagot ni VPSD sa impeachment complaint: Wala itong laman; walang sinagot sa mga reklamo | Rep. Luistro: Gulo sa Senado, sana hindi na umabot sa impeachment trial ni VPSD | Rep. Luistro: Pag-uusapan pa ng prosekusyon kung tutugon sa sagot ng VP sa impeachment complaint

- Bentahan ng school supplies sa Divisoria, matumal kahit mababa ang presyo



Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Transcript
00:00Thank you very much.
00:30Ang majority na pinamunuan ni Senate President Alan Peter Cayetano kaya pinagre-resign na siya ng Senate minority.
00:37Sabi naman ni Cayetano na may mersonal ang minority.
00:42May unang balita si Sandra Aguinaldo.
00:47Senate President Alan Peter Cayetano should resign as he has shown that he cannot function as the leader of the
00:57Senate anymore.
00:59Yan ang panawagan ng minorya sa ikalawang araw ng dipagsipot ng mayorya sa sasyon ng Senado.
01:06Giit ng minorya sa kanilang joint statement, nilabag umano ang Rule 14, Section 41 ng Senate Rules,
01:13kung saan dapat kumonsulta sa majority leader at minority leader ang Senate President kung pagpapaliba ng sasyon.
01:20This is not merely a procedural lapse. It is a direct violation of the rules of the Senate
01:26and a serious disrespect for the institution and the Filipino people.
01:31Alas tres tang hapon dapat ang simula ng sasyon pero walang nagpakitang majority senator sa plenaryo.
01:38Bandang 3.19pm, nag-Facebook live si Senate President Alan Peter Cayetano.
01:44May hamon si Cayetano sa minorya.
01:46Kung may sapat na numero na raw sila na treseng senador, bababa na siya bilang Senate President.
01:52Sabi ko naman sa inyo, pumili tayo ng trese, I'm ready to go anytime, any day.
01:58Basta't may trese na. Show me 13, wala ng problema.
02:02I-pinaliwanag din ni Cayetano kung bakit wala ang labing isang majority senators sa sasyon.
02:08Aniya, paraan ito para hindi maapektuhan ang trabaho ng mga komite ng Senado,
02:13particular ang Blue Ribbon Committee na nakatakdang magsagawa ng pagdinig sa flood control scandal sa Webes.
02:21Ginamit nila yung parliamentary tool na walkout para po hindi matuloy ang pag-change ng rules.
02:27So ngayon po ang majority, ginagamit din po ang rules sa tama, morally, legally,
02:34to ensure na hindi agawin ang mga komitees para po matuloy ang hearing ng Blue Ribbon sa Thursday.
02:42Sa kanilang press conference, itinanggi ng minorya na hinahadlangan nila ang pagdinig ng Blue Ribbon.
02:48Abuse po yan ng sinasabi niyang parliamentary rules ng Senado.
02:53Hindi po namin hinahadlangan magpatuloy ang anumang pagdinig ng komite basta nasa tamang paraan.
03:00Muli rin iginiit ng minorya ang anilay mga panungkalang hindi ba kausad dahil walang sasyon,
03:06gaya ng anti-hospital detention bill.
03:08Sa lahat ng nasa hospital na yun na mga mahihirap natin mamamayan na hinahostage ng hospital dahil hindi makabayad,
03:16pasalanan ni Alan Ketano yan dahil ipapasa na sana namin ang batas na yan.
03:21Umapila ang minority Senators sa mga kasamahan nila sa mayorya na magpakita na sila sa sasyon.
03:27Ang ko niniwala, hindi naman lahat sa majority ay mga luko-luko.
03:31Meron pa rin sa kanilang mamabayit.
03:32So I appeal to those members of the majority na meron pang katinuan sa pag-iisip, pumasok mo lang kayo.
03:38Every day, ang Senate gumagastos ng 25 milyon sa kuryente, sa utilities, sa sweldo, pero walang sasyon nangyari.
03:49Walang patas na na-approve.
03:51Ayon sa minorya, hindi Senate President lang ang pwedeng magbukas ng sasyon.
03:56We appeal to the rest of the members of the majority block.
03:59Huwag ni si Senate President kasi we appeal to their sense of duty, of their responsibility.
04:05Kasi mukhang antennable na si SP kasi siya yung nagsasabi sa mga kasama namin na huwag mag-attend ng sasyon.
04:12Under the rules, pag wala yung SP, pwede mag-preside ang pro temp.
04:16Pag wala yung SP and pro temp, pwede mag-preside ang majority leader.
04:20Pag wala yung tatlo, pwede mag-preside any of the two deputy majority leaders.
04:25Pag-aaralan ng minorya, ang pagpapanagot sa majority Senators para sa hindi pagdalo ng sasyon.
04:31The Constitution says that we should meet at 3 p.m. Monday, Tuesday, Wednesday, sa Sabata ka pa.
04:39Even Thursday should be a working day also.
04:44We'll cross the bridge when we get there. We'll see.
04:47Pinahabon ko si Alan Peter Cayetano.
04:50Kung matapang ka, pumunta ka rito. Otherwise, duwag ka.
04:53Sana pag-sen-president ka, ikaw maging ihemplo ng iyong mga miembro ng buong Senado.
04:58Unified household. Unified household siya. Masamang ihemplo. Bad influence, bad example, bad apple.
05:04Pasado alas 5 ng hapon, nag-Facebook live si Cayetano.
05:08Sinagot niya ang sinabi ni Sen. Rafi Tulfo.
05:11So, yung hamon mo, magpakita ako kung hindi ti-duwag.
05:16E para po rin sinabi ang bawat Senator, ikaw, maging independent ka o hindi, duwag ka.
05:23May paliwanag din si Cayetano tungkol sa pagpapatay umano ng aircon.
05:28Nung nasa floor, ang minority Senators...
05:31Yung pong centralized aircon, yung master switch o yung sa kuryente,
05:36nasa GSI gas yun at may nag-trip ng wire.
05:38Kaya RAM 6 o'clock, nagkaroon talaga ng problema sa aircon.
05:43So, hindi po namin gagawin sa inyo yun.
05:45Ukol sa anti-hospital detention bill, nag-walkout daw ang minoritya kung kailan pwede nang talakayin ang bill.
05:52So, kailan naman ang nag-walkout noong last Tuesday?
05:55Willing na nang kami na i-take up yan.
05:57Lahat isa sa side namin. We're ready.
06:00So, huwag yung i-biski bintang one-sided.
06:05Dagdag ni Cayetano, pine-personal umano siya.
06:09I've always treated you well, whether I'm close to you or not,
06:12whether you're in the minority, majority,
06:15and I will continue to treat all of you well.
06:17But, kayo ang namemersonal.
06:20So, let me ask the 11th minority who's asking me to resign up.
06:25We're time na isa koras binigyan mo ba ako ng chance?
06:28Inibitahan din ni Cayetano ang mga taga-minorya na makipagpulong sa kanila.
06:33Kaugnay sa mga agam-agam sa pagdinig ng Blue Ribbon sa Webes.
06:37Sinabi ni Sen. Erwin Tulfo, bukas sila na magpunta sa hearing sa Webes.
06:42Pero pag-usapan natin, sino-sino magpapuntusyan,
06:46kung kayo dapat balance, mayroon ang mga member ng minority,
06:49huwag magpapunin na minority.
06:51Inilantad din ni Tulfo ang apat na kasamahan nila sa minorya
06:54na sinuyo umano para tumalon sa mayorya.
06:57Yes, kinakausap namin.
06:59O, sumanib na kayo dito sa amin.
07:00Ganon din naman po sila, Miss Vicky.
07:02May kinakausap silang apat sa amin na sumanib sa kanila.
07:06Sino po yung apat na kinakausap mula po sa inyo?
07:08Sa minority po, kinakausap po nila, gusto po nila na lumipat po si Sen. Lapid,
07:18si Sen. JV, kami pong magkapatid na Tulfo Brothers na sumama po sa majority.
07:23Inoferan din po kami ng komite.
07:25Lumipat po kaming apat para ika nga.
07:28Ilan sila dati? 13 para maging 17 po sila, plus 4.
07:32Hindi naman po kami pumayag.
07:33At kaugnay naman sa mga taga-mayorya na sinusuyo para lumipat sa minorya.
07:38Mga senior members po namin ang may kausap po doon, mga kaibigan naman po nila, nakasama.
07:44Tama po yun, si Sen. Jingoy na pare baka gusto mo lumipat na dito sa amin.
07:49Yung pong isa sa alam ko na kinakausap, si Sen. Lore, kinakausap din.
07:52Dahil magkakaibigan naman po yan, magkakasama sila, 17, 18, 19 Congress.
07:58So, magbabarkada na po yan, nagkaiba lang po ng bakod.
08:02Ito ang unang balita, Sandra Aguinaldo, GMA News.
08:07Dapat daw ikabahala ng mga Pilipinong naniniwala sa demokrasya ang mga nangyayari ngayon sa Senado,
08:13ayon kay Vice President Sara Duterte.
08:16Nakikita natin kung paano ginagamit ang mga insitusyon ng gobyerno at ang pera ng taong bayan laban sa anumang oposisyon.
08:27Ayon pa sa Vice, sa halip na tutuka ng mga tunay na suliranin,
08:31ginagamit daw ang mga insitusyon ng gobyerno para patahimikin umano ang mga boses na mga hindi sumasang-ayon.
08:38Paniwala ng Vice, dapat protektahan ang independence ng mga institusyon,
08:43kabilang ang Senado at Kamara.
08:45Dapat daw ay malaya ang bawat Senador at miyembro ng Kamara
08:49na gampana ng kanilang mandato na naaayon sa konsensya at malaya sa pagbabanta at pananakot.
08:56Wala pang pahayag ang Malacanang Senado at Kamara,
08:59paugnay sa mga pahayag ng Vice.
09:15Pinawabasura ni Vice President Sara Duterte ang impeachment laban sa kanya
09:19dahil hindi raw akma sa konstitusyon ng Articles of Impeachment nito.
09:24Pinalaga naman ito ng House Prosecution Team at ayon sa isang eksperto,
09:28hindi pwedeng ibasura ng Senado Impeachment Court ang isang reklamo nang hindi nililitis.
09:34May unang balita si Jonathan Andal.
09:40Depektibo at hindi raw akma sa konstitusyon ng Articles of Impeachment.
09:44Ganyan inilirawan ni Vice President Sara Duterte ang impeachment complaint
09:47kaya ipinababasura niya sa impeachment court ang mga reklamo laban sa kanya.
09:52Kinontra ito ng House Prosecution Team.
09:54Wala doon sa Senado Impeachment Rules na pwedeng ipabasura ang impeachment.
09:58There are no options like dismissal, like remand, like clarification.
10:04Wala. Wala po yan sa mga options na ibinigay ng konstitusyon at ng Senators on Impeachment.
10:12Ang option lang po na ibinigay sa atin is trial forthwith.
10:17And after trial, dalawa lang ang pwede nitong puntahan, either conviction or akwital.
10:23Sabi sa Article 11 ng ating Saligang Batas, mayroong exclusive power ang Kamara na magsimula ng kaso ng impeachment.
10:30Kakailanganin din ang boto na hindi bababa sa one-third ng mga miyembro ng Kamara para sa magiging Articles of
10:36Impeachment.
10:37At sa oras na may Articles of Impeachment na, dapat magpatuloy agad ang paglilitis ng Senado.
10:42Paliwanag din ni UP Constitutional Law Prof. Paulo Tamase,
10:45ang sinasabi sa Saligang Batas ay hindi pwedeng ibasura ng Senate Impeachment Court ang impeachment complaint ng walang paglilitis.
10:53Hindi pwede mag-decide ng Impeachment Court to dismiss the case.
10:57If you look at the text of the Constitution, what it says is trial.
11:04Ang trabaho raw ng Senado, litisi ng Articles of Impeachment oras na hawak na nila ito.
11:09Dahila niya natapos na sa Kamara ang pagkilatis.
11:12And therefore, ang trabaho ng Senate now is not to second-guess or review what the House did.
11:17They are co-equal in government.
11:19So just as the House cannot review the Senate, the second cannot review the House.
11:23Binigyan din niya ang pagkakaiba ng impeachment court sa regular court kunsan maaring may basura ang kaso.
11:29Normally, in courts outside of the Senate, in normal judicial courts,
11:34mayroon talagang mga preliminary grounds to dismiss a case on procedural issues.
11:40And the reason why the court does that is for one of many possible technical legal reasons.
11:45What we have is an impeachment proceeding that is really looking out for what is the truth on these important
11:52impeachable grounds or issues.
11:54Naisumitanak ng sagot ng Vice Presidente sa mga reklamo.
11:57Ayon sa House Prosecution Team, wala raw itong laman na sagot sa mga akusasyon.
12:01Ito ay maliitang walang laman. Parang wala naman silang sinagot. Point per point.
12:05We were anticipating na finally, makikita na natin yung kasagutan niya dito sa confidential fund, sa bribery, sa unexplained wealth,
12:17and even in threat.
12:19But apparently, ang laman ng sagot niya are constitutional issues again.
12:25I don't know if this is part of their legal strategy that up to this time, wala pa rin tayong
12:31nakikitang direktang sagot sa mga allegation of offenses.
12:36Puro technical issues daw ang mga ipinasang sagot ng Vice.
12:39At sa kabila ng mali-malitang dokumento, wala raw ipinasang ebidensya ang depensa para kontrahin ang mga allegasyon sa articles
12:46of impeachment.
12:47Sa July 6 ang simula ng trial ng Vice Presidente at umaasa ang prosekusyon na hindi naaabot sa trial ang
12:53gulo ngayon sa Senado.
12:54Sana walang spillover dito sa impeachment trial.
13:00I hope they will be reminded that this is one of our constitutional duties to the sovereign Filipino people.
13:09There is no option to stop. There is no option to delay. The only option is trial forthwith.
13:17Itinanggi naman ni Luis Trong mga paratang na depensa na nag-fishing expedition ng mga kongresista
13:21at nag-trial sila sa House Justice Committee bagay na dapat sa Senado lang pwedeng gawin.
13:26Pag-uusapan pa rin ang prosekusyon kung magpapasa sila ng sagot sa impeachment court ukol sa mga sinabi ng kampo
13:32ng vice.
13:33Para sa unang balita, Jonathan Andal, GMA News.
13:46Matumal pa ang bentahan ng ilang school supplies sa Divisoria kahit mababa ang presyo nito.
13:51Price check tayo. Bago niyo yan i-add to cart?
13:54Sa unang balita live di Jomer Apresto.
13:58Jomer!
14:02Hey guys, good morning. Ilang araw bagong pasukan.
14:05Hindi pa raw ganun karami ang namimili ng school supplies dito sa Ilaya sa Divisoria sa Maynila.
14:12Medyo matumal pa raw ang bentahan ng school supplies sa Ilaya Divisoria.
14:16Ayos sa tinderang si Benja, noong ikalawang linggo pa ng Mayo sila nagsimulang magbenta ng mga ito.
14:21Mababa pa rin daw ang presyo ng ilang school supplies kumpara noong nakaraang taon.
14:25Base sa price list dito sa Ilaya, mabibili ng 15 hanggang 35 pesos ang kada piraso ng notebook para sa
14:31elementary hanggang senior high school.
14:33Nasa 230 pesos naman ang notebook para sa college.
14:36Ang mga Crayola, nasa 50 hanggang 80 pesos.
14:39Nasa 10 pesos ang ball pen pero kung bundle, mabibili ang apat na piraso sa halagang 25 pesos.
14:45Nasa 15 pesos naman ang mga lapis.
14:47100 pesos kung isang dosen ang bibilhin.
14:49May iba't ibang sukat din ang gunting dito na mabibili ng 15 pesos hanggang 70 pesos.
14:54Sabi ni Benjan, bagamat murang kanilang paninda, tinitiyak naman daw nilang safe o ligtas itong gamitin ng mga bata.
15:00Kung wala pang bagang inyong mga anak, mayroon din sa Ilaya na mabibili ng 150 hanggang 250 pesos sa mga
15:06backpack.
15:07Nasa 500 pesos naman yung may gulong.
15:09Mayroon din mga black shoes dito na mabibili ng 400 hanggang 500 pesos.
15:17Hindi naman po na masyadong matumal pero hindi naman po masyadong mabenta.
15:22Yung mga iba kasi wala pang binigay ng teacher kaya yung iba pa iba-iba na lang.
15:27Pakunti-kunti lang, mga binibili, mga bubut lang.
15:33Igan, sabi ng ilang tinderang nakausap natin, maiging bumili na ngayon dahil posibli raw tumaas ang presyo ng mga school
15:39supplies habang papalapit ang pasukan.
15:42At yan ang unang balita ko po si Jomer Apresto para sa GMA News.
Comments

Recommended