- 6 hours ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong May 18, 2026
- Ilang rice retailers, ginawa nang P50/kg ang itinitindang bigas alinsunod sa price cap ng gobyerno | Hiling ng rice retailers, suriin din ang presyo ng rice traders at suppliers | Dept. of Agriculture: paghuli sa mga lalabag sa price cap sa 5% broken imported rice, mas hihigpitan
- NCRPO: 904 na pulis, idineploy sa paligid ng Senado | Ilang grupo, nananawagang bumaba sa puwesto si Senate President Alan Peter Cayetano | Senate impeachment court, inaasahang mag-ko-convene ngayong araw | Seguridad sa Senado, mahigpit pa rin kasunod ng putukan doon noong May 13
- Petisyon ni Sen. Dela Rosa na harangin ang ICC arrest warrant laban sa kaniya, ipinababasura ng SolGen sa Korte Suprema | Kampo ni Sen. Dela Rosa, nauna nang sinabi na susunod sila sa legal na proseso kaugnay sa ICC arrest warrant | DOJ, sinabing may leads na sila kung nasaan si Sen. Dela Rosa | Putukan sa Senado noong isang linggo, pinaiimbestigahan ng DOJ, DILG, at Ombudsman
- May nagpaplano ng kudeta sa Senado, ayon kay Senate Pres. Cayetano | Putukan sa Senado noong Miyerkules, isa sa mga dahilan umano ng napipintong pagpapalit na naman ng liderato sa Senado | Pagbibitiw ni Senate Pres. Cayetano, hiling ng ilang grupo; Cayetano, wala pang pahayag
- Kakayahan ni FPRRD na humarap sa paglilitis sa ICC, gustong ipasuri muli ng kaniyang kampo | Paglilitis sa kaso ni FPRRD sa ICC, target ng prosecution na masimulan sa November 30 | Paglilitis sa kaso ni FPRRD sa ICC, puwedeng magsimula sa Setyembre, ayon sa kampo ng mga biktima
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
- Ilang rice retailers, ginawa nang P50/kg ang itinitindang bigas alinsunod sa price cap ng gobyerno | Hiling ng rice retailers, suriin din ang presyo ng rice traders at suppliers | Dept. of Agriculture: paghuli sa mga lalabag sa price cap sa 5% broken imported rice, mas hihigpitan
- NCRPO: 904 na pulis, idineploy sa paligid ng Senado | Ilang grupo, nananawagang bumaba sa puwesto si Senate President Alan Peter Cayetano | Senate impeachment court, inaasahang mag-ko-convene ngayong araw | Seguridad sa Senado, mahigpit pa rin kasunod ng putukan doon noong May 13
- Petisyon ni Sen. Dela Rosa na harangin ang ICC arrest warrant laban sa kaniya, ipinababasura ng SolGen sa Korte Suprema | Kampo ni Sen. Dela Rosa, nauna nang sinabi na susunod sila sa legal na proseso kaugnay sa ICC arrest warrant | DOJ, sinabing may leads na sila kung nasaan si Sen. Dela Rosa | Putukan sa Senado noong isang linggo, pinaiimbestigahan ng DOJ, DILG, at Ombudsman
- May nagpaplano ng kudeta sa Senado, ayon kay Senate Pres. Cayetano | Putukan sa Senado noong Miyerkules, isa sa mga dahilan umano ng napipintong pagpapalit na naman ng liderato sa Senado | Pagbibitiw ni Senate Pres. Cayetano, hiling ng ilang grupo; Cayetano, wala pang pahayag
- Kakayahan ni FPRRD na humarap sa paglilitis sa ICC, gustong ipasuri muli ng kaniyang kampo | Paglilitis sa kaso ni FPRRD sa ICC, target ng prosecution na masimulan sa November 30 | Paglilitis sa kaso ni FPRRD sa ICC, puwedeng magsimula sa Setyembre, ayon sa kampo ng mga biktima
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
Category
🗞
NewsTranscript
00:07We'll be right back to GMI News.
00:30Mas mahigpit na rin daw ang paghuli ng pamahalaan sa mga lalabag dyan.
00:35Live mula sa Pasig, may unang balita si EJ Gomez.
00:39EJ, good morning!
00:43Maris, good morning! Nagbabala nga ang pamahalaan sa mga lalabag sa 50 pesos price ka para sa 5% broken
00:52imported na bigas.
00:53Pwedeng makulong, magmulta ng aabot sa 1 milyong piso o maipasara ang negosyo alinsunod sa Price Act.
01:06Ang rice retailer na si Brian, nagpalit na ng preso ng mga itinitindang 5% broken imported rice.
01:13Tinapala na niya ang mga karatula at ginawang 50 pesos, alinsunod sa itinakdang price cap ng gobyerno.
01:20Siyempre, suddenly, hindi kaagad kami nakapag-adjust. May mga stock pa kami na medyo mahal pa ang puhunan.
01:28Presado kami na ibaba para lang makasunod sa patakalan ng DA.
01:36Ngayong umiira lang 50 pesos na kada kilong 5% broken imported rice, ang kita raw nila.
01:42Nasa piso hanggang 2 piso na lang kada kilo, kumpara sa dating 4 na piso hanggang 5 piso.
01:49Hiling nila, bago silang retailers, baka dapat suriin ang presyo ng rice traders at supplier.
01:56Wag muna kami. Kasi kami mga retailer lang. Dapat yung mga traders, doon muna ipatupad.
02:06Wag muna sa amin. Dapat yung mga nasa rice mill, ganun, sa mga importer.
02:13Sa ilalim ng Price Act at Anti-Agricultural Economic Sabotage Law,
02:18may kapangyarihan ang Department of Agriculture o DA na habulin ng mga hoarder, profiteer, cartel at iba pang umano'y
02:25nagsasamantala sa merkado.
02:27Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Chulaurel Jr., mas maghihigpit ngayon ang pamahalaan sa paghuli ng sino mang lalabag sa price
02:36cap.
02:36Pusibling makulong ng isa hanggang sampung taon at magmulta na ngaabot sa 5,000 piso hanggang 1,000,000 piso
02:44ang lalabag.
02:45Maaari ding patawan ng administrative sanctions o temporary o permanent closure ang establishmento.
02:52Maaari ding makumpis ka ang mga panindang bigas at patawan ng suspension o revocation ng permits at licenses.
02:59Yung price cap, temporary lang siya, tapos meron konti lang na mga varieties ang included po dito.
03:09At yun nga po, pwede pong, depende po kung ano maging epekto nito sa mga susunod na mga araw, mga
03:15linggo,
03:16pwede pong malif ito, pwede pong hindi, pwede mapatagal.
03:19Pero definitely po, gusto po natin ipaintindi na ito po ay ginagawa natin para po sa kabutihan na mas nakakarami.
03:27Pero meron din naman po tayo, of course, yun, pag-uusap with the industry, hindi naman po natin sila binigla
03:33dito.
03:39Marius, yung nakikita ninyo ngayon, yan yung ongoing price monitoring na ginagawa ng DA.
03:44Kasama nila dyan yung ilang opisyal nila, tapos ilang tauhan nito nga Pasig Mega Market.
03:51Gayon din yung ilang tauhan ng Philippine National Police, particular ng Pasig Police, mismong si Jeppe ay nandi rito.
03:58Tapos, sinicheck nila kung yung mga rice retailer na nandito sa Pasig Mega Market,
04:03nakatakda na o nakapresyo na ng 50 pesos yung kanilang mga 5% broken na imported rice.
04:09Doon naman sa mga hindi pa, ine-explain nila o sinasabi nila na may warning,
04:13pero pagka sa susunod ay talagang huhulihin na sila kapag hindi sila nagpalit o nag-change nung kanilang presyo sa
04:19kanilang mga stalls dito sa Pasig Mega Market.
04:23Yan ang unang balita mula po dito sa Pasig City.
04:26EJ Gomez, GMA News.
04:31Bantay sarado pa rin ang Senate Building sa Pasay, kasunod ng putukan doon noong May 13.
04:37At para sa update sa sitwasyon doon, may unang balita live si Bea Pinla.
04:41Bea, kumusta na ang sitwasyon ngayon dyan?
04:47Marista, mga kaumaga pa lang, napakahigpit na ng seguridad dito sa labas ng Senate Compound sa Pasay City.
04:53Ayon sa NCRPO, hindi bababa sa 900 na polis ang nakadeploy para magbantay sa paligid ng Senado.
05:01Ngayong umaga, ay nasaang magtutungo rito ang Youth Against Curacot at iba pang mga grupo
05:06para ipanawagan ang agarang pagpapatalsik kay Sen. Alan Peter Cayetano bilang Senate President.
05:12Ayon sa mga source ng GMA News, may mga usapin rin ng rigudon ulit sa liderato ng Senado
05:18matapos ang tensyon at pamamaril sa Senado noong Merkules.
05:22Mamayang hapon din, inaasahan na mag-convene ang Senado bilang impeachment court
05:27para litisin si Vice President Sara Duterte.
05:30Inaasahan dadalo ang 11-member prosecution panel mula sa Kamara
05:34kabilang sina Representatives Chell Jocno, Laila Delima at Jervil Luistro.
05:39Naka-full alert status pa rin, Maris, ang Philippine National Police dito
05:43at may mga barbed wire pa rin dito sa gate.
05:45Pero sa itsura ngayon, kumpara noong mga nakarang araw,
05:48talagang mukhang business as usual na dito sa Senado ngayon.
05:53Yan ang unang balita mula rito sa Pasay City, Bea Penlac, GMA News.
05:59May lead na raw ang Justice Department kung nasaan si Senador Ronald Bato de la Rosa.
06:04Pinababasura naman ng Office of the Solicitor General Petition ni de la Rosa sa Court Suprema
06:10na harangin ang areswarat ng International Criminal Court.
06:13Laban sa kanya, may unang balita si Darling Kai.
06:18Nang maglahong parang bula si Senador Ronald Bato de la Rosa matapos ang tatlong araw na pananatili sa Senado,
06:25nakabinbin sa Court Suprema ang dalawang petisyon niya para harangin ang warrant of arrest ng International Criminal Court.
06:31Noong miyerkules, walang inilabas na TRO ang SC pero pinasasagot nito ang gobyerno.
06:37Nagsumiti ang Office of the Solicitor General ng komentong may 83 pahina.
06:41Hiling nila, ibasura ang petisyon ni de la Rosa dahil sa lack of merit o kawalan ng sapat na basihan.
06:48Sabi nila ang mga naging hakbang ni de la Rosa ay maituturing na galawa ng isang pugante na walang karapatan
06:54sa anumang judicial relief.
06:56Mayahalin tulad daw ang posisyon ni de la Rosa sa isang taong humihingi ng proteksyon sa ilalim ng batas pero
07:01umiiwas namang sumunod dito.
07:03Wala pang tugon ang kampo ni de la Rosa.
07:05Nauna namang sinabi ng abogado niyang si Atty. Jimmy Bondoc na tatalima sila sa mga legal na kautosan alinsunod sa
07:12standard procedure.
07:14Hanggang ngayon, wala pa raw silang nakukuhang kopya ng anumang warrant sa kabila ng paulit-ulit nilang request.
07:20Wala pang impormasyon tungkol sa kinaroroon na ni de la Rosa pero sinabi ni Justice Secretary Frederick Vida noong biyernes
07:26na may leads na sila kung nasaan ang senador.
07:28Hindi sinabi ni Vida kung saan ang leads nila.
07:31Pinuna yan ni Sen. Ping Lakson. Sabi niya, basic sa pagpapatupad ng batas ang hindi pagsasapubliko sa mga leads sa
07:38paghanap dahil nakokompromiso ang element of surprise.
07:42Hinihingan pa namin ang reaksyon ng Justice Department.
07:45Gumugulong na ang investigasyon ng DOJ, DILG at Office of the Ombudsman sa nangyaring tutukan sa Senado noong miyerkules.
07:51Naniniwala si Sen. Irwin Tulfo na dapat makipagtulungan ang Senado sa mga investigasyon kasunod ng pahayag ni Ombudsman Jesus Crispin
07:59Rimulya na tumanggi ang Senado na tanggapin ang mga dokumento,
08:03kaugnay ng preventive suspension laban kay Acting Sen. Sgt. at Arms Mao Aplasca at ang Sabina para sa mga CCTV.
08:10Kabilang sa mga gustong alamin ni Tulfo ay kung may basbasbah ni Sen. President Alan Peter Cayetano ang pagpapaputok ni
08:17Aplasca na umaming unang bumaril.
08:19Marami kaming katanungan kami sa minority. We have a lot of questions na needs to answer. Siguro si Sen. Cayetano
08:26na makakasagot sa Monday.
08:28Kailangan siguro ipaliwanag and the people are waiting. Ano ba talaga? Was it staged? Was the Senate under attack?
08:35Ito ang unang balita. Darlene Cai, GMA News.
08:41Isang linggo matapos ang pagkapalit ng liderato sa Senado, muling umuugong ang posibilidad ng panibagong kudeta.
08:47May ilang grupo namang humihiling kay Sen. President Alan Peter Cayetano na bumaba na sa pwesto.
08:53Wala pang pahayag tungkol dyan si Cayetano. May unang balita si Sandra Aguinaldo.
08:59Sabi mismo ni Sen. President Alan Peter Cayetano, meron na naman pinaplanong kudeta sa Senado.
09:06Medyo busy silang ngayon na trinatry kausapin yung mga membro namin na sumali ulit sa kanila.
09:11May invitations to talk, may pananakot.
09:13Isa sa labing tatlong senador na bumoto para kay Cayetano ay ang lubutang na si Sen. Ronald Bato de la
09:20Rosa.
09:20Sa gitna ng pananatiling niya sa Senado dahil sa banta ng pagsisilbi sa kanya ng ICC arrest warrant,
09:31nauwi sa gulong humantong sa pamamaril sa Senado noong miyerkules.
09:35Umali siya sa Senado Webes ng madaling araw.
09:39Ayon sa sources ng GMA News sa Senado, kabilang niya sa mga isyo ilaban kay Cayetano
09:44sa gitna ng pinag-uusapan anilang pagpapalit ng liderato sa Senado.
09:49Lumutang din ang pangangailangan anila ng Sen. President na abogado para mamuno sa impeachment trial
09:55at isang Sen. President na katanggap-tanggap sa mas maraming senador.
10:00Sa nangyari ngayon sa Senado, ayon kay dating Sen. President Franklin Drilon,
10:05mahirap makatiyak na mananatili sa pwesto si Cayetano.
10:31Para kay Drilon, nawala ng kontrol sa sitwasyon noong miyerkules si Cayetano.
10:36That is such a responsibility. Whoever is the President of the Senado,
10:41it is the Sergeant of Arms who fire the shots and aplaskan siya
10:47at the supervision and control of the Senado President.
10:50Hirit naman ang mga dating miyembro ng UP student political groups
10:53na sandigan ang mag-aaral para sa sambayanan o sa masa at nagkaisang tugon.
10:59Magbitiw bilang Senado President si Cayetano.
11:01Batay sa kanilang pahayag, miyembro si Cayetano nang nagkaisang tugon
11:06nang magsilbi siyang University Student Counselor.
11:09Mahigpit na magkalabang organisasyon noon ang dalawang grupo.
11:14Hinihingan pa namin ang reaksyon si Cayetano,
11:17bagamat nauna na niyang sinabing tiwala siya sa boto ng kasalukuyang mayorya.
11:22I believe in the 13, I believe in our cause.
11:24Yun nga ang challenge ko ngayon.
11:26Diba? Trabaho or mamuliti ka.
11:30Si Senador Irwin Tulfo na nasa Minority Block.
11:34Sinabing walang kumakausap sa kanila ng kapatid na si Senador Rafi Tulfo
11:38tungkol sa pagkapalit ng Senate President.
11:41Pero sana raw, bigyan ng chance sa Cayetano sa kanyang pwesto.
11:45Kung ako talagang tatunungin mo, siguro it's time na bigyan mo na ng pagkakataon
11:49na para makita natin kung talagang bagay siya diyan, karapat-dapat siya diyan.
11:55Si Senador Kiko Pangilina na lumalabas ang pangalan sa sinasabing posibleng pumalit
12:00kay Cayetano, sinabing hindi siya interesado maging Senate President.
12:04Tutulong na lang daw siya at mas importante anya sa kanya ang food security kesa Senate Presidency.
12:11Ito ang unang balita. Sandra Aguinaldo, GMA News.
12:25Gusto ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na masuri muli ang kakayahan ng dating Pangulo
12:31na humarap sa paglilitis sa kasong crimes against humanity sa International Criminal Court.
12:36Guit ng Duterte Defense Team, hindi pwedeng magtakdana ng petsya ng paglilitis
12:42dahil marami paa nilang hindi nare-resolba kaugnay sa fitness to stand trial ng dating Pangulo.
12:49Sabi pa ng Defense Team, bagaman tinaya ng dating Pangulo ang pre-trial phase,
12:53patuloy raw humihina ang kondisyon ni Duterte kaya kailangan muna siyang masuri muli.
12:59Target naman ang ICC prosecution na masimula ng paglilitis sa November 30.
13:04Nasa 60-70 testigo ang plano nilang iharap sa trial proper.
13:09Para naman sa common legal representatives of the victims,
13:12pwede sa September magsimula na ang paglilitis.
13:15At bagaman kaya raw nilang mag-ingles,
13:18mas komportable raw silang magsalita ng Tagalog o Cebuano.
Comments