- 5 hours ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang mga nangungunang balita ngayong October 22, 2026
- Bahagi ng Marcos Highway, binaha dahil sa nasirang tubo ng Manila Water; patuloy ang pagkumpuni | Linya ng Manila Water, tinamaan ng ibinaong sheet pile para sa isang drainage project | Brgy. Mayamot, Antipolo City at isang village sa Cainta, pansamantalang nawalan ng tubig dahil sa nasirang tubo | Nasirang tubo ng Manila Water, patuloy na kinukumpuni; drainage project sa Marcos Highway, tuloy-tuloy rin
- Ilang lugar sa Ilocos Norte at Cagayan, nagpatupad ng sailing ban bilang pag-iingat sa Super Typhoon Rosal
- Ilang maisan at palayan, natutuyo na; tubig sa ilog, bumababa | Residente, nag-ipon ng tubig mula sa ulang dala ng Super Typhoon Rosal
- Malacañang kay Sen. Bato Dela Rosa: "Sumuko ka na para wala nang dugong dadanak"
- DOJ Sec. Vida: Walang record na umalis sa Pilipinas si Charlie "Atong" Ang
- 1 kilo ng bigas, kapalit ng 2 kilo ng plastic bottle sa Palit-Basura Program sa Brgy. Tumana, Marikina
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
- Bahagi ng Marcos Highway, binaha dahil sa nasirang tubo ng Manila Water; patuloy ang pagkumpuni | Linya ng Manila Water, tinamaan ng ibinaong sheet pile para sa isang drainage project | Brgy. Mayamot, Antipolo City at isang village sa Cainta, pansamantalang nawalan ng tubig dahil sa nasirang tubo | Nasirang tubo ng Manila Water, patuloy na kinukumpuni; drainage project sa Marcos Highway, tuloy-tuloy rin
- Ilang lugar sa Ilocos Norte at Cagayan, nagpatupad ng sailing ban bilang pag-iingat sa Super Typhoon Rosal
- Ilang maisan at palayan, natutuyo na; tubig sa ilog, bumababa | Residente, nag-ipon ng tubig mula sa ulang dala ng Super Typhoon Rosal
- Malacañang kay Sen. Bato Dela Rosa: "Sumuko ka na para wala nang dugong dadanak"
- DOJ Sec. Vida: Walang record na umalis sa Pilipinas si Charlie "Atong" Ang
- 1 kilo ng bigas, kapalit ng 2 kilo ng plastic bottle sa Palit-Basura Program sa Brgy. Tumana, Marikina
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).
For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
01:00Ang baha sa kalsada kaya nagme-minor ang mga dumaraang sasakyan.
01:07Hanggang kagabi, baha pa rin sa bahaging ito ng Marcos Highway sa Cainta Rizal.
01:12Dahil yan sa pagtagas ng tubig, nang tumama sa linya ng Manila Water ang ibinabaong sheet pile para magsilbing retainer
01:19wall sa ginagawang drainage project sa lugar.
01:22Ayon sa Manila Water, third-party contractor ang nakatama sa linya ng tubig.
01:27Doon po sa kanilang paggagawa ay tinamaan po yung ating mainline. Ito ay medyo malaki rin, 200 millimeters to 0
01:41.2 meters.
01:42Kinailangan isara ang mainline na tumagas. Kaya pansamantalang nawala ng supply ng tubig, ang barangay mayamot sa Antipolo at ang
01:50Town and Country Executive Village sa Cainta.
01:52Sinimula naman din agad yung leak repair. Kaya lang kailangan din natin magpatupad ng water service interruption doon sa affected
02:03barangay lang naman.
02:04Pero tayo nagpadala rin ng water tanker para mabigyan ng tubig yung mga residente doon sa affected barangay.
02:12Nung nalaman po ng barangay na nagtagas ang tubig doon sa area, agad pong nakipag-ugnayan ang aming kapitan
02:21para makahingi ng tulong sa kalapit ng barangay na magamit ang kanilang firetruck sa pag-rasyon ng tubig sa mga
02:27residente na naapektuhan.
02:29Pasado alas 11 ng gabi, ganito po ang sitwasyon sa bahaging ito ng Marcos Highway.
02:33May tagas pa rin po ng tubig at dito po sa unahan, may binuksan po naman, hol, sinusubok ang isara
02:39yung valve.
02:40Pero ayon sa Manila Water, pahirapan po yan. Isa't kalahating oras na po nila na ginagawa yung clearing operations.
02:45Kailangan muna raw kasi natanggalin yung putik bago tuloy ang maisara yung valve, matigil yung pagtagas ng tubig at maibalik
02:53ang supply sa mga apektadong residente.
02:55Sakop ng ginagawang drainage project sa lugar ang dalawang linya ng kalsada ng Marcos Highway.
03:01Pasado alas 12 ng madaling araw nang magpakawala ng naipong tubig mula sa hukay ng DPWH.
03:07Kasabay ng Repair Works ang patuloy na operasyon ng DPWH sa ginagawang drainage project.
03:20Igaan kumpara sa nakalipas na isang oras, mas mahina naman na yung daloy o lumalabas na tubig mula dito sa
03:27hukayo.
03:28Yan yung pinapalabas nila mula doon sa loob, doon sa drainage project na ginagawa nga dito.
03:32At occupied yung dalawang lay ng kalsada.
03:35Tapos dito sa pang-apat na linya, nandyan kanina yung inopen na manhole.
03:39Kanina nga one hour, one and a half hour ago natapos o naisara yung manhole na yan.
03:45Tapos dito may nakikita na tayo na nagmamando ng trafico.
03:49Pero pakita natin yung sitwasyon ngayon ng traffic dito sa kahabaan nitong Marcos Highway.
03:56Mula rito sa aming kinatatayuan.
03:59Kung saan nga nasira yung linya ng tubig ng Manila Water, hanggang doon natatanaw natin yung traffic.
04:06Umaabot na doon sa station ng LRT, doon yan sa may masinag.
04:12At dahil rush hour na ito, malaki na o marami na ang volume ng mga sasakyan sa bahaging ito ng
04:18Marcos Highway.
04:20Yan muna ang latest mula rito sa Cainta Rizala.
04:23EJ Gomez, GMA News.
04:30Bilang pag-iingat sa Super Typhoon Rosal, nagpatupad ng sailing ban ang ilang probinsya sa bansa.
04:36Ang Coast Guard Station sa Ilocos Norte, sinuspinde ang lahat ng biyahe ng mga bangkang pangisda, small crafts o vessel.
04:44Ang mga malalaking barko naman, pinaalalahanan sa banta ng malalakas na alon.
04:48Sa Lawag City, huminto muna ang pagpalaot ng ilang mangingisda kasunod ng abiso.
04:53Handa na rin ng ilang lokal na pamahalaan sa ibang lunsod at bayan para sa posibleng epekto ng Super Typhoon
04:59Rosal.
05:01Sa kagayaan, tulong-tulong ang mga residente sa mga bayan ng Santa Ana, Claveria at Calayan,
05:07katuwang ang Coast Guard para dalhin ang mga bangka sa matataas na lugar.
05:12Nagpatupad na rin ang sailing ban ang Catanduanes.
05:15Sinuspindin ang PCG ang lahat ng biyahe ng mga sakyang dagat na mula dumaraan o patungo sa ilang bayan sa
05:23Catanduanes.
05:26Ramdam na rin ang mga magsisaka sa Kabagan Isabela ang matinding epekto ng El Niño.
05:31Natuyo na ang mga maisan at hindi na rin makapagtanim ng palay.
05:34Bumababa na rin ang level ng isang ilog doon na nagsisilbing patubig sa mga taniman.
05:39Panawagan ng mga magsisaka, mas malaki pang tulong mula sa gobyerno
05:43dahil masyado ng malaki ang kanilang lugi at mababa paan nila ang farm gate price ng kakaunti nilang ani.
05:49Sa latest na datos ng Department of Agriculture,
05:51nasa 8.57 billion pesos na ang pinsalang dulot ng El Niño sa agrikultura sa bansa.
05:58Sa Bangui, Ilocos Norte naman, sinamantala ng isang residente ang ulang dala ng Super Typhoon Rosal para makapag-ipo ng
06:05tubig.
06:13Matapos punuin ang maliit na lalagyan ng tubig, inilabas din ng residente si Daniel Thomas ang malaking dram.
06:19Kamakailan lang nanawagan si Pangulong Bumaco sa publiko na mag-ipon ng ulan bilang pandagdag supply ng tubig sa gitna
06:27ng El Niño.
06:33Samantala may panawagan ng Malacanang kay Sen. Ronald Bato de la Rosa na pinaka-aresto ng International Criminal Court.
06:43Sumukok ka na. Sumukok ka na kasi para wala ng dugong dadanak.
06:50Sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro matapos ihayag ni DILG Sekretary Junbik Rimulia na pinoprotektaan si de la Rosa
06:57ng isang armadong grupo sa Mindanao.
07:00Nakikipag-negosyasyon daw si na Rimulia sa nasabing grupo dahil maaari raw mauwi sa patayan kapag pinilit ang mga otoridad
07:07na huliin si de la Rosa.
07:09Pina-aresto ng ICC si de la Rosa para sa kasong murder as a crime against humanity kauna sa mga
07:16pagpatay noong drug war ng Administrasyong Duterte nung siya ay PNP chief.
07:21Ilang beses na sinabi ni de la Rosa na kung may paglabag siya, dapat isang pa mga kaso sa korte
07:27dito sa Pilipinas.
07:32Nasaan na nga ba talaga ang negosyanteng si Charlie Atong Ang?
07:36Ayon sa Department of Justice at Bureau of Immigration, wala raw record na umalis siya sa Pilipinas.
07:42Kaya sabi ni Justice Secretary Frederick Vida, hindi niya makumpirmang umalis nga sa bansa ang negosyante.
07:47Gayunpaman, hindi niya inaalis ang posibilidad na gumamit ng backdoor exit si Atong Ang tulad ng naon ng sinabi ni
07:54DILG Sekretary Junbik Rimulia.
07:56Wanted si Atong Ang para sa mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping with serious illegal detention dahil sa pagkawala
08:03ng ilang sabungero.
08:04Dati na sinabi ng negosyante na wala siyang kinalaman sa pagkawala ng mga sabungero.
08:09Sabi naman ng Malacanang, kailangan imbesigahan kung may lapses sa pagtakas ni Atong Ang.
08:20Mga kapuso, ay sinusulong po sa camera ang House Bill 11146 o yung Basura to Ayuda Bill.
08:27At layon po nitong palitan ng isang kilong bigas, yung isang kilo ng recyclable plastic.
08:34O kung hindi man isang kilong bigas ay yung cash equivalent nito, yung recyclable plastic na ipapalit dito.
08:40Kung isang kilo naman ng bakal, ang inyo pong ipapalit ay meron po kayong matatanggap na dalawang kilo ng bigas
08:48o cash equivalent nito.
08:49Pero bagamat hindi pa po ito na isa sa batas, dito po sa Barangay Tumana sa Marikina ay ginagawa na
08:55po nila yan.
08:56At nagsimula nga po itong programa nila mula pa noong October 20, itong linggo lamang po na ito.
09:03At makikita po natin na nakapilan na nga po rito yung ilang sa mga residente at daladala na nila yung
09:10kanilang mga recyclable bottles, yung mga plastic bottles.
09:13At ito po ay may katumbas na bigas.
09:18Yung palit basura program nila, katulad halimbawa nito, yung kanilang mga plastic bottles ay titimbangin muna rito, papalista sila, titimbangin.
09:29Ang kanilang 2 kilos na recyclable plastic ay may kapalit na isang kilong bigas.
09:36Ayan po.
09:36So mother, ilang kilo po ba yan?
09:39Dalawang kilo.
09:40Ah, dalawang kilo.
09:41So dalawang kilo meron po siyang isang kilong bigas na kapalit.
09:44Ayan, tanggapin nyo na po yan mother.
09:45Ngayon, kung halimbawa sumobra naman, halimbawa naka 4 kilos sila, of course, dalawang kilo ng bigas ang kanilang matatanggap.
09:52Pero kung halimbawa may butal, halimbawa let's say 2.5 kilos yung kanilang ipinalit na plastic, yung 0.5 po
10:00na yun ay mananatiling nakalista doon.
10:03At sa susunod, pwedeng 1.5 na lang yung kanilang daladala na recyclable plastic.
10:08Tapos ay may kapalit na rin po yun na 1 kilo ng bigas kasi meron na silang kumbaga na ipondo.
10:13Ngayon, yung kanilang mga plastic po, pagkatapos pong timbangin doon, ay dadalhin na po rito para pitpitin ang mga tauhan
10:21po ng kanilang barangay.
10:23At kanila pong partner dito, yung Evergreen Lab.
10:26At pagkatapos pitpitin, ay ilalagay na po yan dito para dalhin kung saan man po ay re-recycle.
10:33Pero yung plastic bottle caps, ito po ay sinaseparate dahil ginagamit po ito para magamit doon sa kanilang mga numero,
10:44doon sa kanilang mga tahanan.
10:48So may schedule po sila, yung areas 1, 2, 3 every Tuesday, yung areas 4, 5, 6, pwede po silang
10:53punta rito every Wednesday, areas 7, 8, 9 every Thursday at areas 10, 11, 12 every Friday.
10:59Ngayon po mga kausap po natin sa parangay Captain Aki Cosenteno para bigyan pa tayo ng karagdagan datale, kaugnay nga
11:05po sa kanilang Palit Basura Program.
11:06Magandang umaga po sa inyo.
11:08Good morning, Marie.
11:09Ayan, meron na po pala kayong microphone.
11:10So una po sa lahat, talagang recyclable plastic lang ang pwedeng dalhin?
11:15Or meron po ba kayong klase ng basura na hindi pwedeng tanggapin dito sa inyong Palit Basura Program?
11:20Yes, for now, PET bottles muna.
11:23So yung mga clear muna, hindi muna pwede yung katulad ng mga may kulay na PET bottles.
11:28So talagang clear muna?
11:30Yes.
11:30Alright, tapos saan po nang gagaling yung bigas na inyo pong ipinapalit sa kanila?
11:36Actually, Ma'am Marie, matagal na po namin ginagawa yan.
11:39So meron po kami dating Palit Basura pero school supplies naman.
11:42Ang problema po, fund po yun ng barangay which is alam po natin na unlimited, hindi naman po unlimited yung
11:48funda ng barangay.
11:49So nagpartner po tayo kasama ang Evergreen Labs.
11:53So Evergreen Labs, nagkaroon na po na kami ng MOA signing.
11:56So habang na dyan sila, meron po kami may talk one of you guys.
12:01Oo, tama, tama.
12:02Alright, so for now, tuloy-tuloy naman ito.
12:06Gusto ko pong malaman, kasi yung mga binanggit natin, yung mga areas lang po dito sa barangay Tumana,
12:11pwede po bang pumunta rin dito yung mga tagaibang barangay o yung tagaibang lugar para magpapalit din?
12:16Kasi may mga recyclable materials din po siya.
12:19Opo, mga Maris, narinig ko kanina na binanggit mo na yung everyday, no?
12:23So Monday, ano po kami, inaayos po na, I mean yan, every Monday binibigay namin sa Evergreen Labs.
12:28Tuesday to Friday, nag-accept po kami per HOA, per area yan.
12:33And every Friday po, lahat po, kahit sa kapitbahay na barangay, welcome po sila.
12:38Kahit na ibang city?
12:39Yes, yes, welcome po.
12:40So mga kapuso, ayan pala, pwede po pala, kahit na hindi kayo taga Marikina,
12:46e pwede po ninyong dalhin ang mga recycled bottles niyo po rito.
12:49So ayan po, marami-marami pong salamat sa pag-ibinaw,
12:52barangay Captain Aki Cosenteno, at good luck po sa inyo pong programa.
12:55Thank you po.
12:56Ayan po mga kapuso, so ayan po muna ang latest na sitwasyon.
12:59Magbabalik po tayo dito pa rin sa barangay Tumana sa Marikina.
13:02Balik po muna sa studio.