Skip to playerSkip to main content
Narito ang mga balitang ating sinaksihan ngayong Martes June 2, 2026.

- Rep. Kiko Barzaga, pinatalsik bilang kongresista sa botong 265-14-8

- Senate minority: Dapat mag-resign si Alan Peter Cayetano bilang SP; majority senators, 2 araw nang wala sa sesyon

- Sanggol, isinilid sa karton at inabandona sa carinderia

- Pagbasa ng sakdal kina Sen. Estrada at Ex-DPWH Sec. Bonoan, ipinagpaliban

- Sen. Marcoleta, sinabing parang "minaliit" sila dahil sa pagtrato kay SP Cayetano noong inaresto si Sen. Estrada

- Mga nangyayari sa Senado, dapat ikabahala sa mga naniniwala sa demokrasya ---VPSD

- Prosekusyon, iginiit na wala sa Senate impeachment rules na ipabasura ang articles of impeachment bago ang paglilitis

- AFP: Man-made structures sa Bajo De Masinloc, ikinabahala rin ng ibang bansa

- Anton Vinzon, nais pang makilala ang leading lady niya sa "Kamao" na si Chanty Videla

- 5-anyos na lalaki, naipit ang kamay sa escalator ng mall

- Pangulong Marcos at Vice President Sara Duterte, magkahiwalay na nakiisa sa brigada eskwela ng ilang paaralan

- Mga licensed engineer, malaki ang pasasalamat sa landlady ng tinuluyan nila noong nagre-review pa sila

Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:50 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:

GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:06We'll be right back to Kiko Barzaga.
00:30Para sa isang mababatas, saksi si Rafi Pima.
00:36With 265 members voting in the affirmative, 14 in the negative, and 8 abstentions,
00:43the findings and recommendations contained in Committee Report No. 298 are hereby adopted.
00:50Representative Barzaga is hereby notified of the action taken by the House on Committee Report No. 298.
00:57Sa botong yan ng mababang kapulungan ng Kongreso, pinatalsik si Kiko Barzaga bilang kongresista ng 4th District ng Kabite.
01:04Ayon sa Chairperson ng House Ethics Committee, kahit pinatawan na ng dalawang 60-day suspension,
01:09tila hindi pa rin nagtanda si Barzaga at nagpatuloy sa paglabag ng House Rules,
01:13particular ang Rule 20 ng Section 141A at B o Unparliamentary Behaviors,
01:18at Section 4AB ng Rep. 6713 o Batas sa Tamang Decorum o Pag-uugali ng isang pampublikong opisyal.
01:25With the representative having meted with 60-day suspensions in two instances,
01:31the committee considers that another penalty of suspension will not likely deter the improper behavior
01:37which continuously reflects negatively on the image of the House of Representatives.
01:42Therefore, the committee approves to recommend the imposition of the most severe penalty of expulsion from office
01:48upon Rep. Kiko Barzaga.
01:51Nasa loob ng sesyon si Barzaga nang basahin ng rekomendasyon para sa kanyang pagpapatalsi.
01:56Ilang kongresista naman ang agad tumayo para questionin ang rekomendasyon ng expulsion.
02:01Sino ba ang tunay na baliw?
02:04Yung bang isinilang sa pag-iisip ay kapos?
02:10O gusto ang isip, ngunit sakim naman na lubos?
02:16Ang mga social media posts and speeches ni Kong Kiko Barzaga
02:21na bumabati ko sa pamahalaan sa Administrasyong Marcos
02:25at iba pang opisyal ng pamahalaan kabilang na ang Kamara at Senado.
02:31Kaano man kaprovokative o kahars, ito ay hindi sapat na dahilan
02:38upang pagkaitan natin ng kinatawan ang daan-daang libong mamamayan
02:43ng Dasmariñas Kabite.
02:46Aminado naman si Nabotax Rep. Toby Tiyanco.
02:49May ginawang kasalanan si Rep. Barzaga.
02:52Pero sapat daw ba ito para siya ipatalsikin mula sa Kongreso?
02:55Si Kong Kiko Barzaga po ba ang nakasira ng dignidad,
03:00integridad at reputasyon ng House of Representatives?
03:04Yung pabuang sinasabi niya ang nakasira?
03:06May mga kasalanan siya.
03:08Dapat may parusa rin sa kanya.
03:10Ang tanong lang is yung bang mga kasalanan niya na nagawa,
03:15ang tamang parusa doon o katumbas ba nun ay expulsion?
03:20Si Rep. Josepe Pito Alvarez ng 2nd District ng Palawan
03:23na nagsabing kaibigan niya ang ama ni Kongresman Barzaga.
03:26Deret siya han sa kanyang manifestation.
03:29Gusto ba ninyo na manatili yung animal na yan dito?
03:35Animal in the sense na kusa daw siya.
03:37Hindi yung animal na animal siya.
03:41Hindi.
03:42Hindi ba kusa ka?
03:44O yun. Kita mo.
03:46Ayon kay Kongresman Abalos,
03:48sila man nahirapan sa kanilang naging desisyon,
03:50pero ilang beses na raw binigyan ng babala si Barzaga
03:53at binigyan pa siya ng pagkakataon na sumagot sa Ethics Committee hearings,
03:56pero hindi siya tumugon dito.
03:58It doesn't happen very often in this August chamber
04:01na meron tayong miyembro na haharap sa multiple ethics complaint.
04:08Nakalagay ko dyan, repetition of a similar misconduct
04:11will result to a more severe penalty.
04:14Habang nagsasarita mga Kongresista matapos ng butuhan,
04:18lumabas ng plenaryo si Barzaga at kumaway sa mga kasama habang palabas.
04:22Sa ngayon daw, wala pa siyang desisyon kung kukwestiyonin niya sa korte
04:25ang desisyon ng kanyang mga kapwa-kongresista.
04:27I-enjoy na lang daw muna niya ang kanyang bakasyon.
04:30Mensahe niya sa kanyang nasasakupan.
04:33Meow!
04:34Meow!
04:36I'll be back, 2028, siguro kung may elections.
04:40And doon pa rin ako sa kabite, feel free to say hi if you meet me.
04:44Okay?
04:45But ngayon, private citizen muna si Kong Miao Miao.
04:48Ako, si Rafi Timang Inyo, Saksi.
04:51Pinagbibitiyo ng minorya si Senate President Alan Peter Cayetano.
04:55Kasunod po ng dalawang araw na hindi pagsipot ng mayorya sa sesyon ng Senado.
04:59Nanawagan din sila sa ibang taga-mayorya na pumasok na sa sesyon bukas.
05:04Ay naman kay Cayetano, namemersonal ang minorya.
05:09Saksi, si Sandra Aguinaldo.
05:25Yan ang panawagan ng minorya sa ikalawang araw ng dipagsipot ng mayorya sa sesyon ng Senado.
05:32Giit ng minorya sa kanilang joint statement, nilabag umano ang Rule 14, Section 41 ng Senate Rules,
05:39kung saan dapat kumonsulta sa Majority Leader at Minority Leader ang Senate President kung pagpapaliba ng sesyon.
05:47This is not merely a procedural lapse.
05:50It is a direct violation of the rules of the Senate and a serious disrespect for the institution and the
05:57Filipino people.
05:58Alas tres tang hapon dapat ang simula ng sesyon kanina.
06:02Pero gaya kahapon, walang nagpakitang Majority Senators sa plenaryo.
06:06Bandang 3.19pm, nag-Facebook live si Senate President Alan Peter Cayetano.
06:12May hamon si Cayetano sa minorya.
06:15Kung may sapat na numero na raw sila na treseng Senador, bababa na siya bilang Senate President.
06:20Sabi ko naman sa inyo, pumili tayo ng trese, I'm ready to go anytime, any day.
06:27Basta't may trese na.
06:28Show me 13, wala ng problema.
06:30I-pinaliwanag din ni Cayetano kung bakit wala ang labing isang Majority Senators sa sesyo.
06:36Anya, paraan ito para hindi maapektuhan ang trabaho ng mga komite ng Senado,
06:42particular ang Blue Ribbon Committee na nakatakdang magsagawa ng pagdinig sa flood control scandal sa Webes.
06:49Dinamit nila yung parliamentary tool na walkout para po hindi matuloy ang pag-change ng rules.
06:55So ngayon po ang majority, ginagamit din po ang rules sa tama, morally, legally,
07:03to ensure na hindi agawin ang mga komitees para po matuloy ang hearing ng Blue Ribbon sa Thursday.
07:10Sa kanilang press conference kanina, itinanggi ng minoriyana, hinahadlangan nila ang pagdinig ng Blue Ribbon.
07:17Abuse po yan ng sinasabi niyang parliamentary rules ng Senado.
07:22Hindi po namin hinahadlangan magpatuloy ang anumang pagdinig ng komite basta nasa tamang paraan.
07:29Muli rin iginiit ng minoriya ang anilay mga panungkalang hindi ba kausad dahil walang sesyon,
07:35gaya ng anti-hospital detention bill.
07:37Sa lahat ng hospital na yun na mga mahihirap natin mamamayan na hinohostage ng hospital dahil di makabayad,
07:45kasalaan na ni Alan Keita na yan dahil ipapasa na sana namin ang batas na yan.
07:50Umapila ang minority Senators sa mga kasamahan nila sa mayorya na magpakita na sila sa sesyon bukas.
07:57Ang paniniwala, hindi naman lahat sa majority ay mga luko-luko.
08:01Meron pa rin sa kanilang mamamayad.
08:02So I appeal to those members of the majority na meron pang katinuan sa pag-iisip, pumasok mo lang kayo.
08:08Every day, ang Senate gumagastos ng 25 milyon sa kuryente, sa utility, sa sweldo, pero walang sesyon nangyari.
08:19Walang patas na na-approve.
08:21Sa kalendaryo ng Senado, hanggang bukas na lang ang sesyon nila bago mag-break hanggang sa Hulyo.
08:27Ayon sa minoriya, hindi Senate President lang ang pwedeng magbukas ng sesyon.
08:34We appeal to the rest of the members of the majority block.
08:37Huwag niya si Senate President kasi we appeal to their sense of duty, of their responsibility.
08:43Kasi mukhang antennable na si SP kasi siya yung nagsasabi sa mga kasamahan namin na huwag mag-attend ng sesyon.
08:49Under the rules, pagwala yung SP, pwede mag-preside ang pro-tem.
08:54Pagwala yung SP and pro-tem, pwede mag-preside ang majority leader.
08:57Pagwala yung tatlo, pwede mag-preside any of the two deputy majority leaders.
09:03Pag-aaralan ng minoriya, ang pagpapanagot sa majority Senators para sa hindi pagdalo ng sesyon.
09:09The Constitution says that we should meet at 3 p.m.
09:14Monday, Tuesday, Wednesday, sa sabata ka pa.
09:16Even Thursday should be a working day also.
09:22We'll cross the bridge when we get there. We'll see.
09:25Si Alan Peter Cayetano, kung matapang ka, pumunta ka rito bukas. Otherwise, duwag ka.
09:31Sana pag-sen-preside kayo, maging ihemplo ng iyong mga membro ng buong Senado.
09:36Unify household. Unify household. Masamang ihemplo. Bad influence. Bad example. Bad output.
09:41Pasado alas 5 ng hapon, nag-Facebook live si Cayetano.
09:46Sinagot niya ang sinabi ni Sen. Rafi Tulfo.
09:49So, yung hamon mo, magpakita ako kung hindi ti-duwag.
09:54E para po rin sinabi ang bawat Senator, ikaw, o, mali-independent ka o hindi, duwag ka.
10:01May paliwanag din si Cayetano tungkol sa pagpapatay umano ng aircon nung nasa floor ang minority Senators kahapon.
10:09Yung pong centralized aircon, yung master switch o yung sa kuryente, nasa GSI gas yun at may nag-trip ng
10:16wire.
10:17Kaya around 6 o'clock, nagkaroon talaga ng problema sa aircon. So, hindi po namin gagawin sa inyo yun.
10:23Ukol sa anti-hospital detention bill, nag-walkout daw ang minoritya kung kailan pwede nang talakayin ang bill.
10:30So, kailan naman ang mag-walkout nung last Tuesday. Willing na nang kami na i-take up yan. Lahat is
10:36a side namin. We're ready. So, huwag yung i-biski bintang one-sided.
10:43Dagdag ni Cayetano, pine-personal umano siya.
10:47I've always treated you well, whether I'm close to you or not, whether you're in the minority, majority. And I
10:54will continue to treat all of you well.
10:55But, kayo ang namemersonal. So, let me ask the 11th majority who's asking you to resign up.
11:03Well, time na isa koras binigyan nung mga ko ng chance.
11:07Inibitahan din ni Cayetano ang mga taga-minoriyana makipagpulong sa kanila bukas, kaugnay sa mga agam-agam sa pagdinig ng
11:14Blue Ribbon sa Webes.
11:15Sinabi ni Sen. Erwin Tulfo, bukas sila na magpunta sa hearing sa Webes.
11:21Pero, pag-usapan natin, sino-sino magkukumpus yan? Kung kayo dapat balance, mayroon mga member ng minority, walang mga minority.
11:29Inilantad din ni Tulfo ang apat na kasamahan nila sa minorya na sinuyo umano para tumalon sa mayorya.
11:36Yes, kinakausap namin. O, sumanib na kayo din sa amin. Ganon din naman po sila, Miss Vicky. May kinakausap silang
11:42apat sa amin na sumanib sa kanila.
11:45Sino po yung apat na kinakausap mula po sa inyo?
11:47Sa minority po, ito po, sa minority po, kinakausap po nila, gusto po nila na lumipat po si Sen. Lapid,
11:56si Sen. JV, kami pong magkapatid na Tulfo Brothers na sumama po sa majority.
12:02Inoferan din po kami ng komite. Lumipat po kaming apat para ika nga. Ilan sila dati? 13 para maging 17
12:09po sila, plus 4. Hindi naman po kami pumayag.
12:11At kaugnay naman sa mga taga-mayorya na sinusuyo para lumipat sa minorya.
12:17Mga senior members po namin ang mga may kausap po doon, mga kaibigan naman po nila, nakasama. Tama po yun,
12:23si Sen. Jingoy na pare baka gusto mo lumipat na dito sa amin.
12:27Yung pang isa sa alam po na kinakausap, si Sen. Lore, kinakausap din.
12:32Magkakaibigan naman po yan, magkakasama sila, 17, 18, 19 Congress. Magbabarkada na po yan, nagkaiba lang po ng bakod.
12:40Ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
12:44Isang sanggol ang isinilid sa karton at inabandona sa karinderya sa Tantangan, South Cotabato.
12:50Magalas 4 ng madaling araw kanina, nahulikam sa CCDB, ang isang individual na nag-iwan ang paper bag na naglalaman
12:58ng karton.
12:59Nang magliwanag doon nakita ng empleyado ng karinderya na sanggol na lalaki ang nasa loob ng karton.
13:07Pinaniniwala ang ilang araw pa lang ang nakakaraan mula ng ipanganak ang sanggol.
13:12Hawak na siya ngayon ng DSWD at hinahanap ng otoridad ang individual na nakunan sa CCDB at inaalam ang posibleng
13:20dahilan ng pag-iwan nito.
13:24Ipinagpaliban po ng Sandigan Bayan 2nd Division ang pagbasa ng sakdal sa kasong grant ni Sen. Gingoy Estrada at dating
13:31DPWH Secretary Manuel Bonoan.
13:33Ayon po sa abogado ni Estrada, hihilingin ang Senador na makadalo sa arena sa pamamagitan ng video conferencing.
13:40Saksi si Joseph Moro.
13:45Balik ante graft court si Sen. Gingoy Estrada ngayong araw.
13:48Nakaposak siya at suot na ang uniformeng main attack na PDL o Person Deprived of Liberty.
13:54Di tulad kahapon ang dalhin ng mga umarestong tauhan ng pulisya.
13:59Babasahan dapat ng sakdal si Estrada sa 2nd Division ng Sandigan Bayan para sa 213 million peso graft case na
14:06hiwalay pa sa kasong blunder at isa pang kasong graft na hawak ng 5th Division.
14:11Dito, humiling ang kampo ng Senador na kung maaari raw ay huwag na siyang pusasan at pasuote ng uniforme ng
14:17BJMP.
14:18Pinagkokomento muna ng korte ang ombudsman bago nila ito desisyonan.
14:22Ang kapwa-akusado ni Estrada na si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan naka-wheelchair ng dumating mula sa blood
14:29pressure na 160 over 100,
14:32bagyang bumaba ito ng buling kuhanan bago ang pagdinig.
14:35Base sa information sheet na nakuha ng GMA News para sa kasong graft,
14:40laban kay Sen. Estrada na kasad doon na mismo si Sen. Estrada raw ang humingi ng mga DPWH projects sa
14:46Bulacan.
14:47Humingi umano si Estrada ng lambas 300 million pesos na halaga ng mga proyekto sa 1st District ng Bulacan
14:53at kalahating bilong piso mula sa iba pang lugar sa probinsya.
14:57Tumanggap umano siya ng 25% kickback na nagkakahalaga ng humigit kumulang 213 million 750 thousand pesos.
15:06Pinababasura ng kampo ni Estrada ang kasong yan.
15:09Pero ang mosyon hindi pa nakarating sa ombudsman at humingi ang ombudsman ng panahon para sagutin ito.
15:14Kaya ay pinagpaliban ang pagsasakda ni Estrada at Bonoan sa June 4.
15:19Ayon sa kanyang abogadong si Atty. Noel Ostreya,
15:22hihiling ang Senador kung maaari siyang dumalo sa arraignment
15:25sa pamamagitan ng video conferencing sa halip na pisikal na pagpunta sa Sandigan Bayan
15:30na makakapekto sa pagdalo niya sa mga sesyon sa Senado.
15:33Tila paghahanda kung sakaling payagan ang virtual na pagdalo sa Senado ng mga nakaditineng Senador.
15:39Ayon kay Sandigan Bayan, Presiding Justice at Second Division Chairperson Geraldine Ekong,
15:45pwede ang video conferencing sa mga proseso ng Korte.
15:48Pero hindi raw nila pwedeng diktahan ang Senado na payagan din ito.
15:53Tumangging magbigay ng pahayag si Estrada tungkol sa kaso,
15:56hindi rin niya pinangalanan ng mga umunay na milit sa kanya na lumipat sa minorya sa Senado.
16:01Sa halip ay binati niya ang inang si dating First Lady Loy Ejercito.
16:04Gusto ko lang ba't yung nanay ko ng Happy 96th Birthday ngayon?
16:10Yun lang, Happy Birthday ma'am.
16:12Kasunod niya na ibinik na si Estrada sa New Quezon City Jail sa Payatas.
16:16Doon ay nachempohan din ng GMA News si Aguimat Partilist Representative Brian Revilla
16:21na dumalaw sa amang si dating Senador Bong Revilla.
16:24Nakapiit si Revilla dahil sa kinakaharap ng kasong malversation,
16:28kaugnay sa umunay ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.
16:31It's hot inside. We only see him at the common area.
16:35Kukwento niya, isang nasell. May makaksama din siya doon.
16:38It's really tough. Ako, I don't.
16:41Hirap nang ilagayin po ng mag-iisang PDA and lalo na po sa pamilya.
16:46Wala raw communication gadget o TV sa loob.
16:49Nakapwento mo yun ang nangyari kay Senato Chingoy?
16:52Well, I'm sure, yeah, may pag-uusapan din naman yun sa mga pangyayari
16:57and I'm sure, yun nga, kita kami.
16:59What was his reaction?
17:01Well, it's...
17:04Wala tayong magagawa. That's how everyone has to go through the process.
17:07Sa pahayag ng Bureau of Jail Management and Penology,
17:10siniguro nila sa publiko na si Senador Estrada
17:13at iba pang high-profile detainees
17:15ay ihahanay sa general PDL population
17:18at hindi makakatikim ng VIP treatment.
17:21Sa PNP General Hospital naman, ibinalik si Bonoan.
17:24Inilipat siya sa male medical ward para sa patuloy na medical monitoring
17:27at pag-aalaga.
17:29Nakabimbin pa ang morsyon na ibunoan para payagan siyang ma-hospital arrest.
17:33Ako si Joseph Morong, ang inyong saksi.
17:37Dismayado si Sen. Rodante Marcoleta
17:39sa pagtrato ni DILG Secretary John Vic Remullia
17:42kay Sen. President Alan Peter Cayetano
17:44nung inaresto si Sen. Jungoy Estrada kahapon.
17:48Dagdag ni Marcoleta,
17:49hindi man lang daw ito ipilinotesta ng minorya
17:52bagay na pinalagaan ni Sen. Pantilolakson.
17:56Saksi si Ian Cruz.
18:01Naging tensyonado ang tagpo kahapon ng arestuhin
18:04si Sen. Jungoy Estrada sa Senado.
18:06Nagkataasan ang boses
18:08si na Sen. President Alan Peter Cayetano
18:10at DILG Secretary John Vic Remullia.
18:13Sir, just outside the gate,
18:15we're gonna walk 5 minutes.
18:16This is the Senate of the Philippines.
18:18It's never been done.
18:19We're just asking you to walk out.
18:21Let's walk.
18:22Let's walk. Let's walk.
18:23Sir.
18:24Sir.
18:26Sir.
18:27This is the Senate.
18:28This is the Senate.
18:29Sir.
18:30Sir.
18:31Sir, this is the Senate.
18:32Not for me.
18:33Not for me.
18:35That's not for me.
18:36For the Senate.
18:37Nagkarapatang kamanahimik.
18:38Kalaunan ay nabasahan din
18:40ng Miranda Rights si Estrada.
18:42Kabilang sa mga naroon
18:43si Sen. Rodante Marcoleta.
18:45Ang sinasabi ko sa iyo ngayon,
18:47yung damdamin ko na
18:48hindi man lamang kami pinagbigyan,
18:51sinigawan na sinigawan
18:52ng SP President,
18:54ang Senate President.
18:55Bakit naman ganun
18:56ang naging pagtrato na?
18:58Okay.
18:59Parang, parang
18:59minaliit na kami.
19:01Sentimiento pa ni Marcoleta.
19:03Hindi man lang
19:04nagpahayag ng protesta
19:05ang minoria.
19:06Wala man lang ipinakita
19:08na protesta.
19:0924 kami,
19:10dapat walang ano doon,
19:11walang iwanan doon.
19:12Ang presidente ng Senado
19:13dapat igalang.
19:15Meron bang isa sa kanila
19:16na nagsabi sa SILG?
19:18SILG,
19:19huwag naman ganun.
19:20Kabilang si Marcoleta
19:22sa mga hindi dumalo
19:23sa sesyon kahapon,
19:24personal na desisyon daw niya ito.
19:26Sabi ni Sen. Ping Lakson,
19:28ang pagliba ng Majority Black
19:30sa sesyon ng Senado
19:31ay isaraw tangkang gawing hostage
19:34ang trabaho ng lehislatura.
19:36Hindi raw ito pagtindig
19:38para sa kasarinda ng Senado
19:40kundi pagtalikod sa tungkulin.
19:42Sinagot ni ni Lakson
19:43ang pahayag ni Marcoleta.
19:45Anya,
19:46kasalanan pa ng minority Black
19:48na hindi nagprotesta
19:49dahil sinigawan
19:50ang Sen. President.
19:52Pasalamat nga raw sila
19:53na hindi binigwasan ni Remulia
19:55si Cayetano
19:56dahil sa inasal niya.
19:58Sabi naman ni Sen. Arisa Ontiveros,
20:01lahat ng damdamin ay valid.
20:03Lahat ng mga damdamin na yan valid.
20:05Doon sa pagtapik,
20:08tanongin na lang nila
20:09si Sen. Jing Koy
20:10kung sino-sino sa amit
20:11sa minority
20:13ay nananatili pa rin
20:15yung pag-care sa kanya
20:17bilang tao.
20:18Ang nangyayari ngayon sa Senado,
20:21ikinadismayan ang pamilya
20:22ng mga miyembro ng Senado
20:23bago ang martial law.
20:26Hindi raw ito ang Senado
20:27na kanilang kilala.
20:28Ayon sa kanila,
20:29ang Senado raw ngayon
20:31ay Senado
20:32ikinahihiya ng buong bansa.
20:33Ang Senado na dati raw
20:35pandaya ng mga batas,
20:37naging kampo na ngayon
20:38ang mga lantarang
20:39lumalabag sa batas.
20:40Ayon sa Professor Emeritus
20:42ng UPN CIPAG
20:44na si Maria Fe Villamejor Mendoza,
20:47hindi magandang pangitain
20:49ang sitwasyon ngayon
20:50sa Senado.
20:51Ang dapat na debate
20:53ay pulisiya,
20:54di ba?
20:55Pero parang ang nangyayari,
20:57parang personal na interest
20:58ng majority
20:59ang isinusulong
21:01at hindi yung para
21:02sa Senado
21:03as an institution.
21:05Nakakalungkot
21:05kasi parang nilalaro nila
21:07ang isang institution
21:08ng gobyerno.
21:10Hindi maganda itong
21:12pangitain kasi
21:14ang institution
21:15ng gobyerno
21:16ay para sa bayan,
21:18hindi para sa
21:19maliliit na tao lamang
21:21o kukwanting tao lang.
21:23Ako si Ian Cruz,
21:25ang inyong saksi.
21:27Dapat daw ikabahala
21:28ng mga naniniwala
21:30sa demokrasya
21:31ang mga nangyayari
21:31sa Senado
21:32ayon kay Vice President
21:33Sara Duterte.
21:34Sabi ng Vice Presidente,
21:36ginagamit ang mga
21:37institusyon ng gobyerno
21:38at pera ng taong bayan
21:39laban sa anumang oposisyon.
21:42Anya,
21:42sa halit na tutukan
21:43ng mga tunay na problema,
21:44ginagamit umano
21:45ang kapangyarihan
21:46para patahimikin
21:47ang mga disang ayon.
21:48Dapat daw ay malaya
21:49ang bawat senador
21:50at miembro ng Kamara
21:51nagampana
21:52ang kanilang mandato
21:53na naayon sa konsensya
21:55at malaya
21:55sa pagbabanta
21:57at pananakor.
22:00The current state
22:02of our nation
22:03reveals three
22:04disturbing realities.
22:07First,
22:08the effort
22:09to divert attention
22:11from legitimate questions
22:13surrounding
22:14the flood control
22:16controversy.
22:18Second,
22:19the willingness
22:20to disregard
22:21constitutional safeguards
22:23in pursuit
22:24of a politically
22:25motivated impeachment.
22:28And third,
22:29the relentless pursuit
22:31of greater political power
22:33under the guise
22:34of charter change.
22:38Walang direktang sagot
22:40at puro teknikalidad
22:41lang umano
22:41ang naging tugon
22:42ni Vice President
22:43Sara Duterte
22:44sa articles of impeachment
22:45laban sa kanya.
22:46Ayon po yan
22:47sa House Prosecution Team.
22:49Saksi,
22:50si Jonathan Andaz.
22:55Depiktivo at hindi raw
22:56akma sa konstitusyon
22:57ng articles of impeachment.
22:58Ganyan inilirawan
22:59ni Vice President
23:00Sara Duterte
23:01ang impeachment complaint.
23:02Kaya ipinababasura niya
23:03sa impeachment court
23:04ang mga reklamo
23:05laban sa kanya.
23:06Pero kinontra ito
23:07ng House Prosecution Team.
23:08Wala doon sa Senate
23:09impeachment rules
23:10na pwedeng ipabasura
23:11ang impeachment.
23:12There are no options
23:13like dismissal,
23:15like remand,
23:16like clarification.
23:18Wala.
23:19Wala po yan
23:20sa mga options
23:21na ibinigay
23:22ng Constitution
23:23at ng Senators
23:25on impeachment.
23:26Ang option lang po
23:28na ibinigay sa atin
23:29is trial forthwith.
23:32And after trial,
23:33dalawa lang
23:34ang pwede nitong puntahan.
23:35Either conviction
23:36or akwital.
23:38Sabi sa Article 11
23:39ng ating saligang batas
23:41mayroong exclusive
23:42power ang Kamara
23:43na magsimula
23:43ng kaso ng impeachment.
23:45Kakailanganin din
23:45ang boto
23:46na hindi bababa
23:47sa one-third
23:48ng mga miyembro
23:48ng Kamara
23:49para sa magiging
23:50Articles of Impeachment.
23:51At sa oras
23:52na may Articles of Impeachment
23:53na dapat magpatuloy
23:55agad ang paglilitis
23:56ng Senado.
23:57Paliwanag din
23:57ni UP Constitutional Law
23:59Prof. Paulo Tamase
24:00ang sinasabi
24:01sa saligang batas
24:02ay hindi pwedeng
24:03ibasura ng
24:03Senate Impeachment Court
24:04ang impeachment complaint
24:06ng walang paglilitis.
24:07Hindi pwede mag-decide
24:09yung impeachment court
24:10to dismiss the case.
24:11If you look at the text
24:12of the Constitution
24:13what it says
24:14is trial
24:16and trial involves
24:17freely the presentation
24:18of evidence.
24:19Ang trabaho raw
24:20ng Senado
24:21litisi ng Articles
24:22of Impeachment
24:22oras na hawak na nila ito
24:24dahil anya natapos
24:25na sa Kamara
24:25ang pagkilatis.
24:27And therefore
24:27ang trabaho
24:28ng Senate now
24:28is not to second guess
24:30or review
24:30what the House did.
24:31They are co-equal
24:33in government.
24:34So just as the House
24:35cannot review the Senate,
24:36the second cannot review
24:37the House.
24:38Binigyan din niya
24:38ang pagkakaiba
24:39ng impeachment court
24:40sa regular court
24:41kung saan
24:41maaring may basura
24:42ang kaso.
24:43Normally
24:44in courts
24:45outside of the Senate
24:46or normal judicial courts
24:48mayroon talagang
24:49mga preliminary grounds
24:50to dismiss a case
24:52on procedural issues
24:54and the reason why
24:55the court does that
24:56is for one of many
24:58possible technical
24:59legal reasons.
25:00What we have
25:01is an impeachment proceeding
25:02that is really
25:03looking out for
25:03what is the truth
25:04on these important
25:06impeachable grounds
25:07or issues.
25:08Naisumita na kahapon
25:09ang sagot ng
25:10vice-presidente
25:11sa mga reklamo
25:11ayon sa House
25:12prosecution team
25:13wala raw itong laman
25:15na sagot
25:15sa mga akusasyon.
25:16Ito ay malihan
25:17ng walang laman
25:17parang wala naman
25:18silang sinagot
25:19point per point.
25:20We were anticipating
25:22na finally
25:24makikita na natin
25:26yung kasagutan niya
25:27dito sa confidential fund,
25:29sa bribery,
25:31sa unexplained wealth
25:32and even in threat.
25:34But
25:35apparently
25:36ang laman ng sagot niya
25:38are constitutional issues
25:40again.
25:41I don't know
25:42if this is part
25:42of their legal strategy
25:44that up to this time
25:45wala pa rin tayong
25:46nakikitang
25:47directang sagot
25:48sa mga
25:49allegation of offenses.
25:50Puro technical issues
25:52daw ang mga
25:52ipinasang sagot
25:53ng vice.
25:54At sa kabila
25:54ng mali-malitang
25:55dokumento,
25:56wala raw ipinasang
25:57ebidensya
25:58ang depensa
25:58para kontrahin
25:59ang mga allegation
26:00sa articles of impeachment.
26:01Sa July 6
26:02ang simula ng trial
26:03ng vice presidente
26:04at umaasa
26:05ang prosekusyon
26:06na hindi naaabot
26:07sa trial
26:08ang gulo ngayon
26:08sa Senado.
26:09Sana walang spillover
26:11dito sa impeachment
26:14trial.
26:15I hope
26:16they will be reminded
26:17that
26:18this is one of our
26:20constitutional duties
26:21to the sovereign
26:22Filipino people.
26:24There is no option
26:26to stop.
26:27There is no option
26:28to delay.
26:29The only option
26:29is trial forthwith.
26:32Itinanggi naman
26:32ni Luis
26:33strong
26:33mga paratang
26:33na depensa
26:34na nag-fishing
26:35expedition
26:35ng mga kongresista
26:36at nag-trial
26:37sila sa House
26:38Justice Committee
26:39bagay na dapat
26:40sa Senado
26:40lang pwedeng gawin.
26:41Pag-uusapan pa ron
26:42ng prosekusyon
26:43kung magpapasa sila
26:44ng sagot
26:44sa impeachment court
26:45ukol sa mga sinabi
26:46ng kampo ng vice.
26:48Ako si Jonathan Andal
26:49ang inyong saksi.
26:51Nababahala na
26:52ang ibang bansa
26:52sa mga man-made structure
26:54na nakita
26:54sa loob ng
26:55Bajo de Masinlok.
26:56Ayon po yan
26:56sa jepe ng
26:57Armed Forces
26:57of the Philippines.
26:59Saksi si
27:00Dano Tingkungko.
27:02Sabado
27:03nung magpahayag
27:04sa isang
27:04dialogo sa Singapore
27:05si Defense Secretary
27:06Gibochodoro
27:07ng kanyang pagkabahala
27:08kaugnay ng mga
27:09man-made structure
27:10na nakita
27:11o mano
27:11sa loob ng
27:12Bajo de Masinlok.
27:13Ikinwento ni
27:14AFP Chief of Staff
27:15General Romeo Browner
27:17ang reaksyon
27:17ng mga nasa dialogo.
27:19Di lamang tayo
27:19kahit na
27:20yung Scarborough
27:21ay pinakamalapit sa atin
27:23concerned rin
27:24yung ibang bansa.
27:25Ayon sa
27:25Armed Forces
27:26of the Philippines
27:27kasalukuyan daw
27:28binavalidate
27:28ng iba't-ibang
27:29ahensya ng gobyerno
27:31ang mga ulat na ito.
27:32It is still being
27:33validated by
27:34different government agencies
27:35and the moment
27:36that this is validated
27:37or it is debunked
27:40then the appropriate
27:41statement will be
27:41issued by the
27:42NTF WPS.
27:43Sa gitna naman
27:44ng ulat na ito
27:45pinunan ng AFP
27:46ang nasa
27:46dalawampung barko
27:47ng Chinese Coast Guard
27:49at pitong barko
27:50ng kanilang Navy
27:50sa paligid
27:51ng Bajo de Masinlok
27:52mula May 26
27:54hanggang kahapon
27:55June 1.
27:55As we reported
27:57last week
27:57after the MCA
27:59there was a report
28:00by the PLA
28:01that they conducted
28:02a series of exercises
28:03in Bajo de Masinlok
28:05upon our checking
28:06and our synchronized
28:08MDA
28:08by the different services
28:10no such activity
28:11conducted
28:12so the numbers
28:13are just the presence
28:14of the PLA Navy
28:16and the Chinese Coast Guard.
28:17Ako si Donna
28:18at yung kong kong
28:18ang inyong saksi.
28:22Bukod po sa aksyon
28:24magpapakilig din
28:25ang Afternoon Prime Series
28:26na Kamao
28:27at tampok dito
28:28ang tambala
28:28ni na Anton Vinson
28:29at Shanti Videla.
28:31Dati nang nagkatrabaho
28:32ang dalawa sa maka
28:33pero aminado si Anton
28:35na naging hamon
28:36para sa kanya
28:37ang pagkakakilanlan
28:39sa pagitan nila
28:40ng leading lady.
28:42Nagkakailangan daw sila
28:43sa set nung una
28:44kaya niyaya niya
28:45ang aktres
28:45na magkaroke.
28:47Gusto rin daw niyang
28:48makilala pa lalo
28:49si Chan.
28:53Nakabang ang mga tao
28:54sa loob ng isang mall
28:55sa Cagayan de Oro City
28:56habang tinutulungan
28:57ng mauturidad
28:57ang batang naipit
28:59sa eskalator.
29:00Ayon sa polisya
29:01tumatakbo
29:01ang limang taong kulang
29:02na lalaki
29:03nang maipit
29:03ang kanyang kamay
29:04sa eskalator.
29:05Agad namang
29:06nakaresponde
29:07ang mga tauhan
29:07ng mall.
29:08Nasugatan ang bata
29:09at isinugoy sa ospital
29:10pero maayos na
29:11ang dagay.
29:15Nag-inspeksyon
29:16si Pangulong Bombo
29:17Marcos
29:17sa Kapitbahayan
29:18Elementary School
29:19sa Navotas City.
29:22Nakisalamuha rin
29:23ang Pangulo
29:24sa mga mag-aaral.
29:26Sa Quezon City
29:27naman
29:27nakiisa
29:28sa Brigada Eskwela
29:29si Vice President
29:30Sara Duterte.
29:33Si DPWH Secretary
29:35Vince Dizzo
29:36naman
29:37nag-inspeksyon
29:39sa Liwan West
29:39Elementary School
29:40sa Rizal, Kalinga.
29:42Tumambad
29:43ang mga sirasirang
29:43bahagi
29:44ng ilang silid
29:44aralan.
29:45Nangako si Dizzo
29:46na magtatayo roon
29:47ng bagong gusali
29:48bagong matapos
29:49ng taon
29:49o sa pagsisimula
29:50ng taong
29:512021.
29:59Hindi lang
30:00pansamantalang tirahan
30:01na ibinahagi
30:02na isang landlady
30:03sa kanyang mga tenants
30:04sa Baguio City.
30:05Sinamahan pa niya ito
30:07ng suporta
30:07at pagmamahal
30:08para sa mga nooy
30:09nagre-review
30:10para sa
30:11Civil Engineer
30:12Licensure Examination.
30:14Kaya lubos na lang
30:15ang pasasalamat
30:15sa kanyan
30:16na ngayon
30:16yung mga
30:17lisensyado
30:18ng engineer
30:19na sinayus
30:20Cooper Ronald
30:20Alan Perez
30:21at mga kaibigan.
30:23Tila anak na nga raw
30:24ang turing sa kanila
30:25ng landlady
30:26na si Jane
30:27na mainit
30:28silang tinanggap
30:29noon.
30:29At tila hulog
30:31ng langit nga raw
30:31ang kanilang
30:32Tita Jane
30:33na hanggang ngayon
30:34ay pinagluto
30:35at pinadadalhan
30:36pa raw sila
30:37ng mga pastries.
30:41Salamat po
30:42sa inyong pagsaksi.
30:43Ako po si P.R. Canghel.
30:44Ito ang GMA News.
30:46Walang kinikilingan.
30:47Walang pinaprotektahan.
30:48Noon at ngayon,
30:50servisyong totoo.
30:51At hanggang bukas,
30:53sama-sama pun tayong
30:54magiging.
30:55Saksi!
Comments

Recommended