00:00Sa ibang balita, tiniyak ng Department of Education na handa sila sa pagbubukas ng bagong school year sa lunes.
00:08Magkahihwalay namang naki Brigada Eskwela si na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.
00:14Nakatutok si Oscar Oida.
00:19Pinaunaan kanina ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang inspeksyon sa Brigada Eskwela sa Kabitbahayan Elementary School sa Navota City.
00:27Ipinakita rito ang mga bagong CCTV system para palakasin ang siguridad sa paaralan.
00:33Meron din mga reading nooks na naglalayong pausayin ang kakayahan sa pagbasa ng mga batang mag-aaral.
00:41Kailangan magsimula sa grade 1 pa lang, kindergarten pa lang.
00:46Kailangan nagumpisa na ang magandang pagtuturo kaya natin ginawa lahat ito.
00:50Kaya lahat buong buong bansa gagawin natin ito at sana by opening of class tapos na tayo lahat with everything.
01:01Para naman kay DepEd Sekretary Sani Anggara, so far so good daw ang ginagawa nilang paghahanda sa pagbabalik eskwela.
01:09This year ang kaibahan is ang dami na namin katulong na ahensya, dati DepEd lang at saka yung mga communities.
01:16Ngayon kasama na natin ang DSWD, ang DOLE, ang DICT, ang DOH.
01:24So marami pong pasama at katulong at katuwang.
01:28Natupok naman ang apoy ang aabot naman sa 1.2 milyong pisong halaga ng mga libro, kagamitan at iba pang
01:35gamit sa dating home economics building ng Naisud Central School sa bayan ng Ibahay, Aklan.
01:41Malaki rin na naging pinsala sa ilang bahagi ng gusali kabilang ang mga dingding at kisame.
01:47Patuloy namang sinusuri ng mga otoridad ang kabuang lawak ng pinsala.
01:53Noong nakaraang taon, isang araw bagong opening of classes, nasunog ang isang gusali ng San Francisco High School sa Quezon
02:01City.
02:02Kaya nabawasan pa ang kulang na nga nilang pasilidad.
02:06Kaya para mapagkasya ang mga mag-aaral sa kanila mga natitirang silid-aralan.
02:11Nag-two shift po kami. We start at 6. Yung first shift namin ends at 12.30.
02:18And then yung second shift, we start at 12.40 and ends at 7 o'clock.
02:22Pero ngayon, aabot sa 6 na po ang bagong classroom sa kanilang pagbabalik eskwela sa susunod na linggo.
02:30All in all, mga 60 classrooms po siya. Tapos lahat po yun, meron po siyang TV, may whiteboard.
02:37Pino na naman ng grupong Save Kalinga Incorporated ang mga nakitang malalaking lamat at sira
02:43sa ilang bahagi ng Liwan West Elementary School sa Rizal, Kalinga.
02:48Pangamba ng grupo, delikado kapag nagkalindol.
02:52Kaya nanawagan sila sa DepEd at DPWH na magsagawa ng agarang structural assessment
02:59at mag-aralan kung paano tutugunan ang mga problema sa nasabing paaralan.
03:04Nakiisa naman si Vice President Sara Duterte sa Brigada Eskwela
03:08sa Justado P. Macapagal Elementary School sa Quezon City.
03:12Kasama ang mga kawaninang OVP,
03:15pinangunahan niya ang paglilinis at paghahanda ng paaralan
03:18para sa pagbubukas ng klase.
03:21Oscar Oida, Nakatutok! 24 Oras!
Comments