00:00Patuloy pa rin ang pag-agapay ng pamahalaan sa mga manggagawa sa transport sector na apektado ng mataas na presyo
00:07ng petrolyo.
00:08Sa katunayan, higit 800 TNVS drivers sa Legazpi City, Albay, ang nakatanggap na ng cash relief assistance mula sa DSWD.
00:18Si Gary Carillo ng Radio Pilipinas, Albay, sa Sentro ng Balita.
00:24Mahigit dalawang taon ng Transport Network Vehicle Service o TNVS driver si Arjet dito sa lungsod ng Legazpi.
00:31Kaya sa panahon na nagsisimahala ng presyo ng gasolina, alam niyang nandyan ang pamahalaan para tugunan ang kanilang pangangailangan.
00:39Sa 5,000 pisong ayuda na natanggap niya mula sa Department of Social Welfare and Development, nasagot na ang kita
00:46niya para sa dalawang araw na pamamasada.
00:48Malaking tulong po ito kasi medyo tumas po yung presyo ng gasolina.
00:53Dahil makakaga may makukuha po kaming malaking pera na maikigit namin dahil sa pera na ito.
01:05Maraming salamat po sa DSWD sa tulong na binigay niyo po.
01:10Malaking tulong po ito sa amin.
01:12Dahil kay Presidente, thank you po. Maraming salamat po sa iyo.
01:15Isa lamang si Arjet sa mahigit 800 TNVS drivers sa listahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB
01:25Bicol na tumanggap ng tulong pinansyal mula sa DSWD.
01:29Bukod dito, umarangkada na rin ang fuel subsidy project para sa mga kwalipikadong PUV drivers sa Bicol Region.
01:36So naibahagi na po namin yung mga accredited na gasoline stations or participating gasoline stations for this assistance to our
01:46public utility vehicles region-wide.
01:49So lahat pong ito, ramdam po ng ating mga nasa transport sector, ang tulong po ng gobyerno.
01:58Lahat ng yan ay tugon sa pagtupad sa pangako ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mabigyan ng agarang ayuda
02:05ang sektor ng transportasyon na naaapektuhan ng pagtaas ng presyo ng maaproduktong petrolyo.
02:11Kaya ang LTFRB Bicol, lubos ang pasasalamat sa mabilis na aksyon ni Pangulong Marcos para sa sektor ng transportasyon na
02:20direktang apektado ng pagmahal ng presyo ng langis.
02:23Mula rito sa Albay para sa Integrated State Media.
02:27Gary Carillo ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments