00:00Sinimulan na ng Bureau of Internal Revenue ang pangungulekta ng quarterly royalty mula sa mga malalaking operator at contractor ng
00:09metallic mining
00:10alinsunod sa Enhanced Fiscal Regime for Large-Scale Metallic Mining Act.
00:16Ayon kay BIR, Commissioner Charlito Martin Mendoza, nararapat lamang umano na makolekta ng pamahalaan ang buwis na itinakda ng batas
00:26dahil nakikinabang ito sa yamang mineral ng bansa.
00:31Pagbibigay din ni Mendoza, malaki ang maitutulong at pakinabang nito sa servisyo, publiko at kaunlara ng bansa.
00:39Sa inilabas ng BIR na Revenue Memorandum Circular No. 58-2026, inaatasa ng mga ito na maghain at magbayad ng
00:50quarterly royalty sa loob ng 60 araw matapos ang pagtatapos ng fiscal quarter.
00:57Batay din sa memorandum, hiwalay ang paghahain at pagbabayad para sa mineral agreement, technical assistance agreement at operating agreement.
01:07Pinaalalahanan din ng BIR ang mga kinauukulan na sumunod sa nakatakdang pamamaraan ng pagbabayad at sa takdang panahon.
Comments